Chapter 13:She's Back

311 16 1
                                    

LEA POV

Nasa harapan na ako ng company waiting for my honey. Hindi ko mapigilang kiligin sa tuwing maiisip ko si Rob at sa tuwing maririnig ko sa kanya na tawagin nya akong honey. Meged kenekeleg ne nemen ekesh.

Ilang sandali pa ay dumating na si Rob, bumaba sya sa kanyang kotse wearing a suit and shades parang nag i-slow motion ang paligid ng makita ko sya, biglang bumilis ang tibok ng aking puso na parang may nagkakarerahang mga kabayo. Lumakad sya papalapit sa akin, ba't ganon parang tumigil ang oras ng makita ko sya.

Tumigil sya sa gitna at unti-unting tinanggal nya ang kanyang shades sabay wink sa akin na sanhi ng ikapula at ikainit ng magkabilang pisngi ko. Ba't sobrang gwapo at hot ng honey ko?

Sobrang swerte ko talaga. Nasabi ko nalang sa aking isipan, hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sya dahil sa nakatunganga kong itsura at hanggang ngayon lutang parin.

"Hi hon, I miss you" sabay madiin na halik nya sa aking labi. Biglang nabalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang kanyang labi sa akin.

"Uhm hello hon" medyo nahihiya kong balik bati sa kanya.

"Kanina ka pa ba nag hihintay?"

"Ah di naman masyado" nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis.

"So let's go?" sabay alok nya ng kanyang braso at agad ko naman itong tinanggap.

"OK" naglakad na kami papuntang kotse nya, pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya pagkatapos ay umikot sya at sumakay na rin.

"So saan tayo kakain?" tanong ko dito.

"Basta" sabay wink sa akin at inandar na nya ang sasakyan at umalis na kami.

Habang nasa sasakyan kami ay tahimik lang, walang nagsasalita. Nakatingin lang ako sa labas at paminsan-minsan nahuhuli ko si Rob na sumusulyap sa akin at pag nahuhuli ko sya ay mag ngingitian kaming dalawa. Daig pa namin ang mga teenager dahil sa ka sweetan.

After 15 minutes, tumigil kami sa isang Restaurant. Bumaba si Rob at pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse.

"Dito tayo kakain?" tanong ko dito.

"No"

"Eh saan, ba't tayo tumigil dito?"

"Oorder lang tayo ng pagkain dito pero hindi tayo kakain dito"

"Ha, eh saan?" nagtataka ko na namang tanong.

"Basta, surprise yon" sabay wink na naman sa akin. Napapansin ko, madalas ata ang pagwink nya sa akin ngayon, anong meron?

Pagkatapos naming omorder ay umalis na kami, pupunta daw kami sa hindi ko alam. Hehehe.

Ilang sandali ay huminto kami sa isang lugar na napaka familiar at special sa akin, sa lugar kong saan kami laging nagpupunta noon ni Rob bukod sa EK. Isa din ito sa saksi sa pagmamahalan namin ni Rob.

"We're here, surprise honey" anonsyo ni Rob, nginitian ko ito, bumaba na si Rob at agad akong pinagbuksan ng pinto.

"Its been a long time" pabulong na usal ko.

"Yes honey, so come on" sabay hila sa akin gamit ang isa nyang kamay ang isa naman ay bitbit ang mga pagkain namin.

Huminto kami sa isang bench na palagi namin noong inuupuan sa ilalim ng may malaking puno ng Narra. Tiningnan ko ang malaking puno at naroon parin ang pangalan namin ni Rob na nakaukit sa may puno "Lea and Rob Forever".

"Nandito parin ito" sabay haplos ko sa nakaukit naming pangalan. Simula kasi nong naghiwalay kami ay di na ako pumunta pa dito dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko noon. Lumapit si Rob sa akin.

"Yep, alam mo bang lagi ako noong pumupunta dito tulad sa EK? Kasi gusto kong alalahanin lahan ng masasayang memories natin dahil ayokong kalimutan ka kasi mahal na mahal kita" napangiti na lang ako sa kanyang sinabi. Ang saya-saya ng puso ko dahil sa kanyang sinabi.

"Mahal din kita" and I felt his lips on mine, we kiss each other like there's no tommorow. A French kiss, when the kiss end we're both gasping of air.

Ng makabawi kami ng hininga ay sabay kaming napatawa, ang sarap lang sa feeling na kasama ko muli ngayon ang lalaking pinakamamahal ko. At muling naulit ang ganitong pagkakataon. Akala ko nga nong naghiwalay kami hindi na mauulit ito.

"So let's eat?" Rob said.

"OK" umupo na kaming dalawa at kumain na kami pareho. Habang kumakain kami ay panay ang tawanan namin tulad parin ng dati kapag pumupunta kami noon dito, hanggang sa natapos kami.

Nakaupo parin kami ni Rob dito sa may bench, nakasandal ang likod ko sa kanya habang tahimik na pinapanood namin ang magandang tanawin dito sa park na ito.

Sana hindi na matapos pa ang mga masasayang araw na ito, sana palaging ganito kasaya. Nabasag ang katahimikan ng biglang mag ring phone nya, umupo naman ako ng maayos.

Pagkakuha ng phone nya ay nag excuse ito at lumayo ng kaunti sa akin.

ROB POV

Lumayo ako ng kaunti sa babaeng pinakamamahal ko at sinagot ang tawag. Si Franko ang tumatawag isa sa matalik kong kaibigan.

"Hello bro, any problem?" alam kong may problema kasi saka lang nya ako tatawagan kapag may problema o aberya sa companya namin.

(Bro, she's back") biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Alam ko kong sino ang tinutukoy nito. No, hindi to maaari, ngayong masaya na kami ni Lea, hindi ko hahayaang may mangyaring hindi maganda.

"Kailan pa?" walang kabuhay-buhay kong tanong dito.

"She's just arrive this morning" tiningnan ko si Lea at saktong tumingin naman sya sa akin, nginitian ko sya ganon din sya. My heart melt when I saw her sweet smile, nakakagaan ang mga ngiti nya, napapalis lahat ng problema at stress ko kapag nakikita ko sya.

"Papaalalahanan ko lang kayo ni Lea mag-iingat kayo, alam natin ang pwede nyang gawin" hinding-hindi ko hahayaan na may mangyaring hindi maganda, at isa pa wala na syang magagawa pa ikakasal na kami ni Lea.

"Yes, we will bro"

"Ok bro, bye"

"Ok thanks, bye" inend ko na ang tawag at bumalik sa kinaroroonan ni Lea.

"Sino yon?"

"Ah wala, si Franko lang may kunting aberya lang sa company but na ayos na din" paliwanag ko sa kanya kahit ang totoo ay hindi naman iyon ang dahilan.

"Sigurado ka baka kailangan ka nila doon" nagaalalang wika nito.

"Nope honey ok na" hindi na sya muling umimik pa at sumandal muli sa akin tulad ng posisyon namin kanina. I kiss her soft hair. Damn it, I love this woman very very much, more than everything, more than my life.

---------------------------
VOTE

and

COMMENT...

-Lea

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon