Chapter 12:Stranger

308 20 2
                                    

"Good morning mom" bati ko kay mommy, nadatnan ko sya sa kitchen na nag preprepare ng breakfast. 8:45 na akong nagising at maganda ang gising ko ngayon, actually araw-araw namang maganda ang gising ko eh mula nong nagkabalikan kami ni Rob. Enebe kenekeleg ne nemen itey.

"Morning too, oh come and eat your breakfast" hinila ako ni mommy at pinaupo na, nilagyan na nya ng pagkain ang aking pinggan at nagsimula na akong kumain.

"Si daddy nga po pala?"

"Ah maagang pumasok sa office may kailangan daw syang gawin, tyaka pinapasabi nya pumunta ka daw doon mamayang 10:00" umupo muna si mommy at nagsandok ng pagkain nya bago sumagot.

"May kailangan ka daw pirmahan for the company"

"Ah OK po" hindi na ako muling nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa aking pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si mommy na ligpitin ang aming pinagkainan nang matapos kami ay umakyat na ako sa aking kwarto para gumayak malapit na din kasing mag 10.

Naligo na ako at nagbihis. I'm wearing dress na tinernuhan ko ng flat shoes simple lang ang outfit ko. Nagmake-up din ako pero light lang kaya parang wala din. Pagkatapos kong gumayak halos isang oras ay bumaba na ako.

"You look simple baby but beautiful" nginitian ko naman si mommy.

"Thank you mommy"

"Papahatid na lang kita sa driver ha"

"Sige po"

"Sige ingat ka" hinalikan ko sa pisngi si mommy at nagpaalam na bago ako umalis.

Nakarating agad ako at eksaktong 10:00, pagpasok ko palang sa company ay panay bati na ng mga employee ni dad sa akin. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang button kong saan naroroon ang office ni dad, nang magsasara na sana ang elevator ay may isang kamay na pumigil dito kaya nagbukas ulit ito at pumasok ang isang lalaki. Tiningnan nya ako sa mukha at nginitian ako. Gwapo ang lalaki pero may kapayatan ito, pero mas gwapo parin ang honey ko.

"Hi miss what is your name?" tanong nito sa akin ngunit hindi ko pinansin. Nang hindi ko sya pinansin ay nagsalita muli ito.

"I'm Bamboo, Bamboo Mañalac, what is your name?" ibig kong matawa dahil sa sinabi nitong pangalan nya pero pinigilan ko ang sarili ko at di parin sya pinansin.

"Sungit naman"

"Mom said don't talk to stranger" pagsusungit ko sa kanya.

"Well I'm not stranger anymore kasi nagpakilala na ako" ngingiti-ngiti pa nyang usal. At isa lang masasabi ko nakakabadtrip sya, angkulit eh. Bumukas na ang pinto ng elevator at lumabas na ako. Narinig ko pa ang huli nyang singabi.

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon