Chapter 15:His Reason

305 16 1
                                    

*After 3 months*

Kakatapos lang ng graduation ceremony namin and I'm happy because nakuha ko ang titolong sumacumlaude. My parents very proud of me.

"Congratulations anak" bati sa akin ng aking mga magulang, hinalingan ko sila sa kanilang mga pisngi.

"Oh tara na, magpapicture na tayo" pumunta na kami sa photographer at nag papicture,

Panay ang bati ng mga tao sa akin pati na rin ang mga kapwa ko graduates.

"Oyy bess, congrats" lumapit sa amin si Ray at Aliyah.

"Congrats din sa inyong dalawa" bati ko naman sa kanilang dalawa.

"Oh tara papicture tayong tatlo"

"O sige tara" pagkatapos naming magpapicture ay bumalik na sila sa kani-kanilang magulang.

"Tara na anak, uwi na tayo"

"Sige po, tara na" sumakay na kami sa aming sasakyan at umalis na kami.

Ng makarating kami sa bahay ay dumiretso kami agad sa may garden ng bahay dahil doon gaganapin ang reception. Pagkarating namin doon ay marami ng mga bisita, panay ang bati nila sa akin nginingitian ko lang sila at pinapasalamatan.

Habang abala ang lahat sa pagkain ay lumapit sa kinaroroonan ko si Bamboo.

"Hey Lea, congrats" umupo sya sa tabi ko.

"Thanks" ngumiti ako ng pilit dito. Magsasalita pa sana sya pero may dalawang mag-asawa ang lumapit sa akin at ang mag-asawang iyon ay ang mga magulang ni Rob.

"Congrats iha" bati nila sa akin.

"Your welcome po" ngumiti ang mag-asawa sa akin.

"Ahm Lea don muna ako" paalam ni Bamboo sa alin na tinanguan ko lang.

"Kumusta ka na iha?" sila naman ang umupo sa tabi ko ngayon. Sila mommy at daddy ay busy sa pakikipag-usap sa iba pang mga bisita namin.

"OK lang naman po, kayo po kumusta?" pilit ang ngiting iginawad ko sa kanila.

"OK lang naman"

"Si Rob po, kumusta sya?" hindi ko maiwasang tanong sa kanila. Hinawakan ni Tita ang aking kamay at tiningnan nya ako ng may lungkot sa kanyang mga mata.

"Sorry sa ginawa ng anak namin Lea" sadness is visible on my eyes, pinipigilan kong wag kumawala ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

Hindi ko lubos maisip na magagawa sa akin ni Rob iyon, hanggang ngayon ay hindi parin sya nagpapakita sa akin, at ang kasal namin sana ay niong next next month pa pero hindi ito natuloy dahil nga hindi ito nagpapakita, sinubukan kong puntahan sya noon sa bahay nila pero wala sya. Halos gabi-gabi akong umiiyak kapag naaalala ko sya buti na lang at nandyan ang aking nga magulangy at mga kaibigan ko para damayan ako.

"Kong ano man ang ginawa ng aming anak ay may dahilan sya Lea" wika ni Tito sa akin, hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha na maglandas sa aking mga pisngi.

"Ano pong dahilan nya, bakit hindi sya nagpapakita sa akin, sobrang sakit po, miss na miss ko na po sya" niyakap ako ni Tita at inaalo ako. Walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha.

Nang makarecover ako ay bumitaw na ako sa aming yakap ni Tita at konompos ko ang aking sarili.

"Pasensya na po, nabasa ko ng luha ang damit nyo" hinging paumanhin ko kay tita dahil basa na ang damit nito dahil sa luha ko.

"No, its OK iha"

"Sige iha, mauuna na kami may pupuntahan pa kami ng Tita mo" tumayo na ang dalawa.

"Sige po Tita, Tito" paalam ko din sa kanila, umalis na sila at ako naman ay nagpaalam kila mommy na pupunta lang ako sa kwarto at masama ang pakiramdam ko, nong una nagalala pa si mommy sa akin pero konombinsi ko sya na wag ng magalala.

ROB POV

"Aray! Aray!" naaawa ako sa kanya habang pinagmamasdan syang namimilipit sa sakit.

"Tiisin mo lang Shina" alo ko sa kanya. Nasa hospital ako ngayon kasama si Shina, naawa ako sa kanyang itsura ngayon, napakadaming aparatus na nakakabit sa kanyang katawan habang namimilipit sa sakit.

"Hindi ko na kaya" daing nito habang ginagamot sya ng Doctor. Ng tumigil ito sa pag daing ay agad kong hinawakan ang mukha nya.

"Makakaya mo yan Shina, tatagan mo ang iyong loob" pagpapatatag ko sakalooban nya.

"Mr. Chien pwede po ba tayong mag usap" hinarap ko ang Doctor at tinanguan ito.

"Mr. masyado na pong mahina ang katawan nya nasa stage 4 na po ang cancer nya sa cervical, hindi na po kakayanin ang katawan nya at milagor na lang po ang makapagpapagaling sa kanya" nanlomo ako sa sinabi ng Doctor, tiningnan ko si Shina na hinang-hina at nahihirapan sya.

"Sige po, maiiwan ko na po kayo" pagkaalis ng Doctor ay hinarap ko muli si Shina.

"I'm sorry Rob" nanghihinang sabi nito sa akin, hinawakan ko ang isa ng kamay.

"No hindi mo kailangan mag sorry" sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang kanyang kamay.

"Hindi Rob, patawarin mo ako kong napalayo ka sa babaeng mahal mo ng dahil sa akin, patawarin mo ako kong napaka selfish kong tao, sana pag nawala na ako sana balikan mo sya Rob at ituloy nyo ang kasal ninyo" umiiyak sya habang sunasabi ang mga iyo, nagpatuloy sya sa pagsasalita.

"Sana mapatawad mo ako, kayo ni Lea sana mapatawad nyo ako"

"Shina wag kang magsalita ng ganyan, ipapagamot kita sa pinaka magaling na Doctor" mangungumbinsi ko sa kanya. Nakikita kong hirap na hirap na sya.

"Ipangako mo sa akin na babalikan mo si Lea at itutuloy nyo ang kasal nyo, ipangako mo Rob" habol na ang kanyang paghinga.

"Hwag ka ng magsalita, nahihirapan ka na ohh" may mga luhang tumulo na rin galing sa aking mga mata.

"Basta ipangako mo na lang" pangungulit nito sa akin kahit na hihirapan na sya.

"Oo pangako" nginitian nya ako at may kinuhang pahabang box at isang papel sa maliit na table sa tabi ng hospital bed nya. Kinuha nya ang isang kamay ko at inilagay doon ang kinuha nya.

"Ibigay mo yan kay Lea at ihingi mo ako ng tawad sa kanya"

"Yes, I will" pagkasabi ko non ay sobrang hinahabol na nya ang kanyang paghinga at nahihirapan na sya. Nataranta ako at tinawag ang mga Nurse at Doctor, pinindot ko rin ang button sa may ulonan nya.

Pagpasok ng doctor ay sinubukan pa nila itong iligtas pero huli na ang lahat, wala na syang buhay. Napaupo ako sa sahig na umiiyak. Wala na sya wala na.

"Time of death 9:47 am" inanonsyo na ng Doctor. Tiningnan ko ang hawak ko na ibinigay sa akin ni Shina kanina.

"Gagawin ko lahat ng sinabi mo Shaina, babalikan ko si Lea at itutuloy ang kasal namin, pangako" wika ko habang nakatingin sa ibinigay nya sa akin.

Ito ang dahilan kong bakit hindi ako nagpapakita kay Lea, gustong-gusto ko syang puntahan at makita pero hindi ko magawa dahil nakiusap sa akin si Shina na kahit sa huling sandali ay ako ang kasama nya. Miss na miss ko na ang babaeng mahal ko.

---------------------------
VOTE

and

COMMENT...

-Lea

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon