LEA POV
Nandito ako sa may graden ng aming bahay habang nagmumuni-muni, mugto na naman ang aking mga mata dahil sa kaiiyak. Nasaan ka na ba Rob? Natanong ko sa aking isipan. Nabalik ako sa realidad ng mag ring ang phone ko, nakita ko na si Bamboo ang tumatawag, sinagot ko ito ng walang kabuhay-buhay.
"Hello"
("Hello, Lea busy ka ba ngayon?)
"Hindi, bakit?"
("Pwede ba tayong lumabas, para makapag relax ka din") napaisip ako sa sinabi nya, siguro nga kailangan ko ang makapag relax muna.
"Yeah, sure" sabi ko dito at naglakad na papasok sa loob ng bahay.
"Sige, susunduin kita"
"O sige" binaba ko na ang tawag at umakyat na sa aking kwarto para makagayak. Pagkatapos kong gumayak ay bumaba na ako at yon na man ang pagdating ni Bamboo para sunduin ako.
Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya sumakay na ako at ganon din sya. Inandar na nya ang makina ng sasakyan at umalis na kami.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko dito.
"Sa coffe shop?" patanong na sabi nya, hindi na lang ako umimik, tahimik lang ang buong byahe hanggang sa makarating nga kami sa isang coffee shop.
Umorder na sya, tahimik parin ako hanggang ngayon, tatango lang ako pag nagtatanong si Bamboo sa akin.
"Lea, I know this is not the right time but I need to tell you something" tumingin ako sa kanya at nakinig lang.
"I just want you to know that I lo--"
"Excuse me po, ito na po order nyo" naputol ang sasabihin nya ng dumating ang waiter.
"Thank you" sabi ko sa waiter at umalis na sya.
"Ano na nga ulit sasabihin mo?" tanong ko dito habang hinihipan ko ang aking kape.
"Ahh wala, never mind" nagkibit balikat na lang ako.
Tumagal kami ng kaunti sa coffee shop at napagdesisyonan namin na pumunta sa mall muna para kahit papaano ay makapaglibang muna ako kahit sandali lang.
Naglalakad kami ngayon sa mall kasama ko parin si Bamboo syempre bitbit nya ang mga pinamili ko, nahihiya nga akong ipabitbit sa kanya ehh pero mapilit sya kaya hinayaan ko na lang.
"Oyy salamat ha, kahit papaano nakalimutan ko panandalian ang problema ko" nakangiting pasalamat ko sa kanya.
"Walang ano man, basta ika--" nagulat na lang ako ng makita si Bamboo na nakabulagta sa sahig habang hawak-hawak nya ang gilid ng labi nya na pumutok dahil sa suntok. Imbis na tulungan ko si Bamboo ay natulala ako ng makita si Rob na madilim ang tingin sa akin.
"ANO BANG PROBLEMA MO?" sigaw ni Bamboo kay Rob, pinagtitinginan na kami ng mga tao sa mall.
"Stay away from my girl" madiin na sabi ni Rob at bigla nyang kinwelyuhan si Bamboo, parang napako na ata ako sa kinatatayuan at at hindi makagalaw. Ng akmang susuntukin na naman ni Rob si Bamboo ay doon na ako nag react.
"Don't" may diin ang mga boses kong sabi dito. Binitawan ni Rob ng marahas ang kwelyu nya at tumayo ito, akmang hihilahin nya ako ng marahas kong tanggalin ang braso ko mula sa pagkakahawak nya.
"Bitawan mo ko" turan ko dito.
"Umuwi na tayo" mababakas ang galit sa kanyang boses, wow ka galing, sya na nga itong ilang bwuang walang paramdam sa akin, sya pa itong galit, wow naman galing.
"Ano bang pakialam mo, ha?" naiinis na rin ako sa mga nangyayari at wala na akong pakialam sa mga tao na nakatingin sa amin.
"Lea, hali ka na umuwi na tayo" hinawakan na naman nya ang aking braso at hihilahin na naman sana nya ako.
"Ano ba, umuwi kang mag-isa" tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa akin at tinulungan si Bamboo na tumayo.
"Lets go" inalalayan ko syang tumayo at linagpasan lang namin si Rob, gulat ang nakita ko sa kanyang expresyon.
"Lea" dinig ko pang sabi ni Rob pero hindi ko na muling hinarap pa ito.
Pagkasakay namin sa kotse nya ay agad kaming umalis, dumiretso na kami sa condo nya, tinanong ko sa kanya kong nasaan nakalay ang mga first aid kit at tinuro naman nya sa akin iyon.
Habang ginagamot ko sya ay panay ang daing nya na masakit daw, napapatawa na lang ako sa itsura nya ang epic kasi ehh. Nagulat ako ng hawakan nya ang aking kamay na gumagamot sa kanya.
"Lea, I need to tell you something" sabi nito sa akin, wala akong imik at hinintay lang itong magsalita muli.
"Lea, I... I love you, una pa lang kitang makita ay tumibok na agad ang puso ko para sa iyo" nagulat ako sa sinabi nya at agad na binawi ang kamay ko na hawak nya.
"I'm sorry, but I can't love you back" malungkot kong sabi sa kanya, nagiwas ako ng tingin sa kanya.
"Bakit, dahil ba sa lalaki kanina sa mall kaya hindi mo ko kayang mahalin pabalik? Bakit sino ba sya sa buhay mo?" mababakas ang lungkot sa kanyang boses, naguiguilty ako, Bamboo is a good friend of mine, nong panahong nangungulila ako kay Rob ay sya ang nandyan para pasayahin ako kahit papaano, hindi ko kayang makitang nasasaktan sya pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.
"Yes, and his my fiancé" nakayuko kong sabi dito.
"Mahal mo pa ba sya" inangat ko ang paningin ko sa kanya.
"Yes, I love him" tumatawa sya habang nag uunahan ang mga luha nya sa pagtulo, I feel guilty, pakiramdam ko ang sama-sama kong tao dahil sinasaktan ko ang taong walang ginawa kundi ang pasayahin ako.
"I'm sorry, pero kaibigan lang ang tingin ko sayo" mahina kong sabi, tumulo na rin ang aking mga luha.
"No its OK, you don't have to say sorry, wala kang kasalanan" sabi nito sa akin habang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kanyang thumb. Niyakap ko ito at niyakap nya rin ako pabalik.
"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry" paulit-ulit kong sabi dito habang umiiyak, he caressing my back para patahanin ako.
"Its OK" tinanggal nya ang pagkakayakap namin at iniharap nya ako sa kanya. Lungkot at sakit ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
"Sige na umuwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo, hahatid na kita" tumango na lang ako at sabay na kaming lumabas.
Inihatid na nya ako at agad kaming nakarating sa bahay.
"So this is goodbye" sabi nito sa akin habang nasa loob parin kami ng kotse at nasa harapan na kami ng bahay.
"I'm sorry" hingi ko parin ng tawad sa kanya.
"Lea its OK, so goodbye, thanks for everything" sabi nito sa akin, binuksan ko na ang pinto ng kotse nya at lalabas na sana ng pigilan nya ako.
"For the last time, can I hug you?" naiilang nitong sabi sa akin.
"Yeah sure" niyakap ko sya at ganon din sya. Naghiwalay na kami at nakita ko na naman na tumutulo na naman ang kanyang mga luha.
"Goodbye" bumaba na ako at winave ang aking kamay at umalis na sya, pumasok na agad ako sa loob ng bahay na mugto ang mga mata.
---------------------------
VOTEand
COMMENT...
-Lea
BINABASA MO ANG
Forever Yours (Completed)
Fanfiction"Please Rob don't leave me please....." halos lumuhod at magmakaawa na ako para lang hindi ako iwan ng lalaking sobra sobra kong mahal. "Lea look hindi na kita mahal, hindi lang ako ang lalaki sa mundo na pwede mong mahalin marami pang iba dyan maka...