Sarah woke up feeling sick. Hawak hawak na naman nya si Chacha at nilalaro ito sa couch. Buti na lang dumating na si Ate Aida, ang kasama nya sa bahay.
Ate, kumusta ka naman kagabi? Naku di dapat ako nag day-off! Dami kong na-miss, sayang! Masayang masaya ito habang naghahanda ng breakfast, pero may halong panghihinayang.
Ano ka ba Ate Aida, mas mahalaga yung pamilya mo. Minsan ka nga lang magpaalam....teka anong maraming na-miss ang sinasabi mo?
Naku ate! Nagulat kasi ako sa mga nabasa ko sa twitter saka mga pictures nyo sa instagram! Nag-date pala kayo ni Sam? Galing pala sya dito kagabi ha...uuyyyy ikaw ha...kinikilig ang yaya/kasambahay ni Sarah.
Ate, ikaw talaga updated masyado. Secret lang yun ha? sabi ni Sarah sa kasama. Bigla namang may kumatok sa pintuan....
Sars! Good morning!!!! Sabay yakap sa kaibigan. Kumusta naman ang puso natin? Yiheee...kinikilig na tanong ni KC. Dumalaw sya sa kaibigan dahil na rin sa mga naglabasan na balita. Gusto rin nyang masiguro kung okay si Sarah.
Ang aga mo yata. Okay naman....goodluck sa kanya. Breakfast? Matipid na sagot ni Sarah.
I'm good, katatapos ko lang. Teka lang ha, anong sinasabi mong goodluck? Bakit naman ganun sis? Akala ko pa naman okay na sa'yo kaya nga umamin yung isa. Ano bang problema?
Umamin? Sorry naman at wala akong alam sa mga nangyayari. Natulog lang ako, then ang dami nang ganap?
Ahhh, yes Sars, umamin si Sam sa mga reporters na nag-date tayo as a group and that, he is courting you....seriously! Wala namang masama dun diba?
Tigas ng ulo talaga nun. Sabi ko na kasi....Ewan ko ba KC, naguguluhan ako sa mga nangyayari sa akin. Akala ko okay na ako, parang hindi pa rin. Matamlay na sagot nya.
Hmmmm.... biglang lumapit si KC kay Sarah at tiningnan ito sa mukha. You know what? You look sick. Nakatulog ka ba talaga last night?
Konti lang, nahirapan talaga akong matulog tapos paggising ko eto pa....Haaay.....tumingin sya kay KC. Alam mo sis, hindi lang naman sya ang problema ko. Yung kumalat na tweet na may nakakita...
Ayyy, oo nga pala grabe late na yun ha. Bakit naman kasi di nag-iingat yung mokong na yun. Nagalit si Mommy Divine?
No....listen to me first, hindi si Sam ang nakita nila. Natandaan mo ba yung description? Hindi naman ganun ang suot nya kagabi.
Huh! Natigilan bigla si KC...Oo nga pero akala ko naman nagbihis...hmmm bakit di ko naisip na...? Eh teka, sino nga ba yung nakita nila?
Si Gerald!!! Yung _____hmmmp ewan ko dun nababaliw na yata!
Hala....napatayo na si KC sa sinabi ni Sarah. Paano.....anong ginawa nya sa'yo? Bakit mo naman pinapasok pa kasi?
No choice, kasi baka makita kaming nag-uusap sa labas lalong hindi maganda diba? Hindi ko sya maintindihan. Kung bakit ginugulo nya pa rin ako eh wala naman kaming relasyon.
So ibig sabihin gusto ka nyang balikan? Aba, eh sira ulo nya ano? Bakit sya ganun, may girlfriend na sya binabalikan ka pa. Tsk tsk tsk....
Magulo talaga, at hindi ko rin ma-eexplain ng maayos sa'yo. Ako nga hindi ko rin maintindihan.
Wag mo na lang pansinin yun. Si Sam na lang, at least yun, loyal talaga sa'yo, kita mo naman willing to wait diba?
Teka, ikaw ba lawyer ni Sam? Ang lakas nya sa'yo ah. Pinapunta ka ba nya dito para dumepensa? Haha...tumawa rin si Sarah sa wakas.
Ay salamat, kala ko hindi ka na tatawa the whole day. Alam mo naman na close kami ni Sam kaya alam ko kapag seryoso sya. Mahal ka talaga nun.
Close pala kayo, bakit hindi na lang kayong dalawa?
BINABASA MO ANG
How Will I Know? -AshSam Story
FanfictionSarah G-pure talent, pure heart. She deserves the best, especially when it comes to love...and in God's perfect time, that man will surely come. (Credits to the owner of the pictures)