Chapter 21 - Promises

1.6K 41 11
                                    

Hindi natin pwedeng palampasin ang ginawa ni Miguel sa anak natin. Delikado pala ang taong yun. Masinsinan ang pag-uusap ni Daddy Delfin at Mommy Divine habang naghahapunan.

Mabuti na lang at hindi sya ang pinili ng anak natin. Nagkamali ako ng pagkilatis sa lalaking yun. Napailing na lang si Mommy Divine.

Sandali lang at tatawagan ko ang Daddy nya para ipaalam ang nangyari. Hindi na natin ito dapat patagalin, dapat nyang iwasan si Sarah. Tumayo na si Daddy Delfin at pumunta sa sala. Sumunod din si Mommy Divine na nais marinig kung ano ang sasabihin ni LRay.

Hello Pareng Delfin! Napatawag ka anong atin? Masigla pa ang boses ni LRay na parang walang alam sa nangyari.

Pare, nariyan ba si Miguel?

Naku.... Eh wala ngayon dito umalis yata kasama ng mga barkada nya. Bakit Pare anong kailangan mo sa anak ko?

Mukhang sa tono mo eh wala kang alam sa ginawa ng anak mo sa anak ko, alam mo bang pumunta yan sa Australia para i-harass si Sarah?

Teka lang naman Pare, sobra naman yata yung harrassment...ang alam ko nanood lang sya sa concert ng anak mo. Ang kwento nya pa nga sa akin eh, binalak nya raw kausapin si Sarah pero pinigilan sya nung mayabang na si Gerald. Hindi magagawa ng anak ko yun lalo na at mahal na mahal nya si Sarah.

LRay, kilalanin mong mabuti ang anak mo. Pinilit nyang sumama si Sarah sa kanya, mabuti na lang at dumating si Gerald.

Mabait ang anak ko, wag mo namang pagbintangan ng ganyan. Nakita mo naman kung gaano kagalang si Miguel hindi ba?

Basta, sabihan mo ang anak mo na layuan na ang anak ko. At isa pa, may boyfriend na si Sarah, hindi na sya dapat pang umasa. Sige Pare, yan lang ang pakiusap ko sa'yo. Salamat. Ibinaba na ni Daddy Delfin ang telepono.

Ano ang sabi ni LRay? Tanong ni Mommy Divine.

Hindi sya naniniwala sa mga sinabi ko. Sabihan mo si Sarah na wag na wag aalis ng walang kasamang bodyguard, mahirap na, hindi natin alam ang takbo ng utak ng lalaking yun.

-----------------------

Sars! Kumusta na? Balita ko nag-enjoy ka raw sa Australia lalo na may sumunod na ahemmmm.......panay ang tukso ni Yeng kay Sarah.

Syempre naman inspired...hahaha...sagot naman ni Sarah.

Teka bago magkalimutan, ang dinayo namin dito eh yung mga pasalubong mo! Nasaan na? Banat naman ni Angge.

Hoy Angge! Eto naman hindi makahintay. Yun lang talaga pinunta mo dito no?

Kayo naman, gusto nyo rin ng pasalubong ayaw pang aminin.....pinaalala ko lang kasi baka malimutan. Saka gusto ko ring marinig yung mga chika mo Sars! May battle raw na nangyari dun ah....haba ng hair mo talaga! Taas paa pa si Angge habang hinihintay ang kwento ni Sarah.

Oo nga pala Sars, naguluhan kami sa kumalat na pictures nyo ni Gerald, tapos biglang kayo naman ni Sam ang magkasama. Kinabahan tuloy kami, akala namin binalikan mo yung isa.

Hay naku KC, kahit ako halos mabaliw sa tatlong yun, ewan ko ba anong naisip at nagsunuran lahat!

Teka, tama ba dinig ko? Tatlo???? Sino yung isa? Naguguluhang tanong ni Yeng.

Would you believe na nandun din si Miguel! Ang grabe lang...pilitin ba naman akong sumama sa kanya sa pamamasyal, at sinundan talaga kami, we're in the same hotel! Buti na lang andun din pala si Gerald sya yung pumigil kay Miguel, kala ko nga magsusuntukan pa.

OMG! Grabe naman pala si Miguel, obsessed? Dagdag pa ni KC.

Tama ka dyan! Kaya yung kumalat na pictures namin ni Ge, yun yung time na yun, nag-breakfast lang kami, sinamahan nya ako. Ewan ko ba sinong nag-take ng pics eh wala naman kaming napansin na ibang Pinoy at that time.

How Will I Know? -AshSam StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon