Chapter 7 - The Meeting

2.1K 32 9
                                    

It's 6pm..dumating na ang driver ni mommy D para sunduin si Sarah.

Wow manong! Sobrang on time talaga!

Syempre ma'am, utos ng mommy mo eh.

Sige tara na baka tumawag na naman yun.

Pasok na,... bumeso si mommy sa anak...halika dun sa loob, naghihintay na sila.

Halos ayaw tumuloy ni Sarah ng makita nya kung sino ang bisita. Pero ayaw naman nyang mapahiya ang mga ito kaya pinilit nyang ngumiti.

Hi Sarah...flowers for you...he was about to kiss her on the cheek but Sarah offered her hand....

Nice to meet you....and kayo rin po sir....

Ahhhh....let's eat na baka lumamig ang pagkain. Sumenyas pa si mommy D na magtabi si Sarah at Migz. Napataas na lang ang kilay ni Sarah pero sumunod din.

Halos hindi pinapansin ni Sarah ang katabi nya. Panay naman ang sulyap sa kanya ni Migz.

Sarah you want this? Migz offered the buttered Shrimp.

No thanks...may allergy na ako sa mga hipon...

Huh! Kelan pa anak? Hindi mo yata nabanggit sakin yan.

Recently lang po. Don't worry, naka-recover na ako kaya iniiwasan ko na lang ang mga ganyan.

Nagtaka naman si Mommy D at parang di na-convince sa sinabi ng anak. Hinayaan na lang nya ito.

Panay naman ang kwento ng Daddy ni Migz tungkol sa achievements nito at kung gaano sya kabuting anak.

Alam mo Sarah, matagal ka na talagang gustong makaharap ng personal ng anak ko, buti na lang napagbigyan mo kami. Mabait yan saka ...faithful...

Hehe... ganun po ba...tuloy lang si Sarah sa pagkain na parang di man lang naintindihan ang kwento ni LRay.

Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Sarah...excuse me po, sasagutin ko lang. Tumayo ito at lumabas muna para sagutin ang tawag.

Naku Yeng buti naman tumawag ka na! Asan na kayo?

Malapit na kami Sars! Don't worry we'll save you from that monster..haha

Grabe naman to! Sige na bilisan nyo...

After a few minutes....Mauna na po ako sa inyo nandyan na yung sundo ko. Nice meeting you po ulit.

Sige Sars 'til next time. Paalam ni Migz.

Nice meeting you hija. Salamat sa oras mo, alam kong busy ka masyado. Goodluck on your concert. Dugtong ng daddy ni Migz.

Thank you po....tumalikod na si Sarah at dali daling lumabas.

Sinundan naman sya ni Mommy D. Sarah, akala mo hindi ko nahahalata na umiiwas ka lang? Pakitunguhan mo ng mabuti si Migz. Mabait yun at hindi ka lolokohin.

Paano mo naman nasabi yan mommy? Parang kilalang kilala mo na yung tao ngayon mo nga lang nakita.

Ikaw kasi, ang hilig mo sa mestiso, gwapo, yung mga may lahi, pero ano, babaero naman! At saka hindi mo nakikita yung mga mga nakikita ko dyan sa mga manliligaw mo. Matuto kang makinig sa akin!

Mommy, ano ba sa tingin mo sa mga lumiligaw sa akin? Mga kaluluwa na kailangan ng third eye mo?

Sarah! Pilosopong to! Mag-uusap tayo ulit tungkol dito. Sige na at wag masyadong magpagabi, bukas na alis natin naglalakwatsa ka pa. Sino ba yang kasama mo?

Hello po mommy D! Bati nila Yeng, Angge, at KC! Bumaba naman ang driver ng van, good evening po Tita...

Huh! Bakit.... sa isip ni Sarah....Tumahimik na lang siya dahil nabigla ng makita si Sam.

Hmmmm... kayo pala ang kasama. San ang punta nyo?

Videoke po...bonding po naming magkakaibigan bago umalis si Sars.

Kaibigan....diba nanliligaw ka sa anak ko?

Ahhh...opo.. kinakabahang sagot ni Sam na biglang namula ang mukha.

Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo, ayaw ko ng makitang umiiyak ang anak ko. Kung hindi ka seryoso, mabuti pang itigil mo na yan. Yan ang hirap sa taga-showbiz kay bilis magpalit... Dugtong pa ni Mommy D.

Parang may nagbara sa lalamunan ni Sam at hindi kaagad makasagot. Namutla na ito sa hiya.

Mommy naman!!.. tara na nga alis na tayo! Nakasimangot si Sarah habang naglalakad papunta sa van. Hindi pa rin sumunod ni Sam at nakatingin kay mommy D.

Tita....matagal ko na pong gusto ang anak nyo. Naghintay po ako ng tamang panahon para ligawan sya. Wag po kayong mag-alala hindi po ako katulad nila. Sige po, mauna na po kami. Good evening po ulit.

O sya sya, ingatan mo yang mga kasama mo. Tandaan mo yang sinabi ko ha hijo?

Hinila na ni Sarah si Sam at hindi na lumingon sa mommy nya.

Sorry ha, pasensya ka na kay mommy. Ganyan talaga yan. Haay..napailing na lang si Sarah.

Ok lang ako. Naiintindihan ko naman ang mommy mo kung bakit sya ganun. Princess ka nga kaya dapat ingatan. I would do the same when the time comes na magkaanak na rin ako. Napangiti ito kay Sarah.

Thank you naman kung ganun. Ngumiti na lang si Sarah pero malungkot ang mga mata. Nahihiya sya kay Sam sa nangyari.

Ehemm.....may tao dito sa likod!

Ayy! Sorry mga sis! Emo lang ako saglit...haay... thank you Lord for my friends! Love ko talaga kayo... Niligtas nyo ako tonight!

Love mo rin ako? Tanong ni Sam...na di mapigilan ang ngiti.

Oo naman, as a friend...sabay hampas kay Sam.

Uyy may hampasan na...ayyiee how sweet...mamaya more than a friend na....

Ssshhhh... Angge tumahimik ka nga dyan! Saway ni Sarah sa kaibigan.

Okay tama na yan, baka mausog ang namumuong lovelife....haha dagdag pa ni KC.

Korek diba kuya Sam? Pang-aasar naman ni Yeng.

Guys, baka mapikon si Sars....sagot naman ni Sam.

Ewan ko sa inyo! Mga lovelife nyo kaya pag-usapan natin ha?

Weehhh! Yun nga ang masaklap eh, wala kami nun kaya nga nakiki-lovelife na lang sa inyo eh. Pagbigyan nyo na kami please.....

Hay naku!!! Lakasan na lang natin ang sounds, nakakatulig kayo!

🎶🎶It's a love story ....baby just say yes!🎶🎶hahaha sapul kayong dalawa ano? Yiheeeee..... Hindi pa rin tumigil ang tatlo sa kakatukso sa dalawa. Hinayaan na lang nila hanggang makarating sa pupuntahan.

------------------------

Hanggang dyan lang po muna. Na-drain na po utak ko sa work. :(

May nakahula kung sino ang guest....hihi madali lang naman diba? Nakikisali kasi sa lineup ng suitors so pagbigyan natin...may fans ba sya dito? Wag po magalit ha...again imagination lang walang personalan.

Thank you po ulit sa lahat ng readers at voters. Keep it coming...

How Will I Know? -AshSam StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon