Chapter 19 - The Tour

1.5K 38 22
                                    

Hindi nagtagal at nagpaalam na rin si Sam dahil may kasama na si Sarah....syempre pa nagsimula na si Mommy Divine sa kanyang speech....

Sarah, bakit pinapapunta mo dito yan ng wala si Aida? Ano na lang ang iisipin ng mga tao....dadalawa lang kayo dito, at anong ginagawa ninyo ha? Nakalimutan mo na ba ang mga itinuro ko sa'yo? Aba, hindi ka pala dapat bumukod kung ganyan.....

Teka teka lang po Mommy....wala po kaming ginagawang masama! Napakamot pa sa ulo si Sarah sabay padyak.

Tingnan mo nga yan, asal bata ka pa rin. Napaka-inosente mo pa, samantalang yang boyfriend mo...nakuuuu....wag mo naman akong bigyan kaagad ng apo! Alalahanin mong dapat kasal ang inuuna hindi yang mga ganyan...tsk tsk tsk.....

Mommy! Anong sinasabi nyo? Wala namang nangyari sa amin? Mommy naman kaya kong alagaan ang sarili ko.

Naku, eh kung hindi pa ako dumating baka kung san na napunta yan....

Haaayyyy.....Mommy relax lang po kayo...inuulit ko po hindi po totoo ang iniisip ninyo. Ano bang nakita nyo eh nanonood lang naman kami dito?

Mabuti pa siguro patirahin mo na rin dito ang kapatid mo para lagi kang may kasama.

Hindi naman po ako sang-ayon dyan. Kaya nga po ako bumukod para maging independent at matuto sa buhay. Tama na si Ate Aida ang kasama ko dito.

Matigas na talaga ang ulo mo. Wag kang magpaloko, yan ang tandaan mo, ikaw rin ang kawawa pag iniwan ka.

Alam ko po yun. Tumahimik na si Sarah at naupo na lang sa harap ng TV para manood, parang biglang sumakit ang ulo nya sa diskusyon nila ni Mommy D.

Hihintayin ko yang si Aida na dumating para may kasama ka dito. Sa susunod, kami ang tatawagan mo hindi ang boyfriend mo, malinaw ba?

Opo.....hindi na nakipagtalo pa si Sarah para matapos na rin ang usapan.

--------------------------

Dumating ang araw na paalis si Sarah papuntang Australia. Pumayag naman ang parents nya na maghatid si Sam. Magkasunod lang ang sasakyan nila, nakasakay si Sarah sa van ni Sam, habang si Mommy Divine at Daddy Delfin naman ang magkasama sa sasakyan nila.

Hon, tatawag ka palagi ha? Kahit sandali lang, pag may free time ka. And don't forget to send me your pictures everyday, gusto kitang makita kahit dun man lang.

Opo, gusto mo facetime pa? Ano, name it! Haha....

Seryoso ako ha, wag mo yung kakalimutan.....

O sige na nga...promise po magse-selfie ako everyday.

Pero wag mong i-post sa twitter, send mo lang sa akin.

Bakit naman? Alam mo yung mga fans naghihintay rin yun ng updates.

Iba yung sa kanila, yung concert pics lang pwede pero yung sa akin personal yun ha hindi sa concert lang.

Ang OA mo na naman...o sige gusto mo yung bagong gising na look? Haha...

Pwede rin, saka before you go to sleep....

Ang demanding mo naman!

Please?????

Oo na....pinisil ni Sarah ang pisngi ni Sam....na parang nanggigigil.

Awwww....wag nadi-distract ako....

Sorry....tumahimik bigla si Sarah.....then she took picture of Sam while driving.

What's that for? Napangiti si Sam sa ginawa ng girlfriend.

Baon ko for later...she winked.

Marunong ka nang humirit ah....

Natutunan ko yata sa'yo! Hahaha....

How Will I Know? -AshSam StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon