Chapter 12 - Preparations

1.9K 30 14
                                    

Ate Aida!!!!! Anong nangyari dito? San galing ang mga bulaklak na to? Para namang may lamay!

Naku! Nagulat nga rin ako kanina, ang aga aga ba naman may delivery ng ganyang karaming bouquet!

Eh kanino nga galing? Anong gagawin ko sa mga yan?

Kay ano...alam kong ayaw mong marinig eh.....

Kanino nga? Ate Aida naman may suspense pa!

Kay Migz....may card naman yata yung isang pinakamalaki dyan. Basahin mo na lang.

Haaaay....eto na nga ang sinasabi ni Mommy kagabi. Binasa ni Sarah ang nakasulat sa card....

"These flowers are to remind you of your beauty everyday. I hope they put a smile on your face and I look forward to seeing you......Happy Birthday (in advance)! ....with love, MIGZ💞" Hmmmm....kailangan yata ng kape ng isang ito...grabe lang!

Pakiusap lang Ate, pag yan nagpunta dito kahit nandito pa ako, sabihin mo wala ako, o kaya natutulog, o may sakit....kahit ano, ayokong kausapin yan please lang. Saka bahala ka na kung gusto mong ipamigay ang mga ito o donate mo na lang sa mga church dyan. Ayoko na yang makita mamaya please?

O sige, ako na ang bahala, papa-deliver ko dyan sa malapit na simbahan sa atin. Pwede bang bigyan ko yung kaibigan ko?

Hmmmmm....okay lang pero wag mong sasabihin kung kanino galing yan ha? Tingnan mong mabuti baka may card pa yung iba.

Oo, iisa-iisahin ko na lang. Napakamot sa ulo si Ate Aida....achoooo!!!! Ayan kanina ko pa kasi nalalanghap ang mga ito, hihikain na yata ako....

Tsk tsk tsk...mag-mask ka Ate, di kaya may gayuma pa yan? Hahaha....lagot ka Ate, baka ma-inlove ka dun!

Naku ha! Ibigay mo na lang sa akin si Gerald wag lang yan!

Tumahimik bigla si Sarah....

S-sorry naman, sige aayusin ko na ang mga ito....kumain ka na...achooo!!!!!

-----------------

Babe! Balita ko masaya ka kagabi! Maagang tumawag si Ate Juday kay Sarah, excited na makibalita.

Una sa lahat, good morning Ate Juday! Ang aga ha, bagong reporter ka na ba ng The Buzz! Haha....

Ikaw ha! Sige na chismosa na ako! Ano na? Kwento na bilis!

Atat lang Ate? Sige na nga....sinunod ko yung advise mo, it's over na between me and you know who....

Very good my dear! I'm so proud of you. Braver at fiercer ka na talaga! And then?????

Then....out of the blue, biglang sumulpot si Sam and....ayun, as you all know, nag-dinner kami....

Ayun naman oh! Yan ang hinihintay ko, umariba na ang manok ko sa wakas! So getting there na ba? Details naman hija, and tipid mong sumagot eh...

Pasensya na inaantok pa ako, saka ikaw ha....todo ang backup mo sa isang yun. Dahan dahan lang, ayokong magmadali.

Tigilan mo nga ako! Dahan dahan ka dyan, tagal ng naghihintay nung tao, saka malapit na birthday mo, pwedeng pwede na!

Basta....not now...I need to think. Katatapos lang ng closure, hindi ko nga alam kung magaling na ang puso ko.

Ummmmm....wag mo namang tagalan. Ako na nagsasabi sa'yo, approve na approve yan. Sya na nga siguro ang Prinsipe ng buhay mo!

Wehhhh....Malaki yata ang binayad sa'yo ha!

Pilya ka! Kinilatis ko lang, sa halos araw-araw ba naman naming kasama yan, nakikita ko kung anong klaseng lalaki sya. Kaya nga boto ako sa kanya para sa'yo, sige ka sayang yan pag pinakawalan mo.

Sige na, no comment....Teka, maiba ako, alam mo ba naman may nagpadala ng sangkatutak na bulaklak dito? Nasira ang umaga ko!

Ayyyy....nasira? Parang kilala ko na kung kanino galing, dun ba sa manok ni Mommy Divine?

May tama ka! Alam mo ba kagabi pa nya nilalakad sa akin yan?

So ano ang gagawin mo? Bibigyan mo ng chance???? Para mo ng awa say no.....

Hahaha....alam mo naman ayaw ko nga sa politician. No need to worry on that.

Thank God! O sya sige na, sumesenyas na ang Kuya Ryan mo, aalis na raw kami. Basta Babe ha, update update lang kay Ate.....

Opo....ikaw talaga...ingat kayo at thank you sa tawag.

--------------------

Naging busy si Sarah sa mga sumunod na araw. Tinapos nya ang kanyang bagong album, at tuloy tuloy din ang taping ng The Voice.

Busy rin naman si Sam sa kanyang teleserye at guestings, pati na rin mall shows.

One week na lang at birthday na ni Sarah. May hinahandang surprise sila Mommy Divine at Daddy Delfin para sa araw na yun. Binabalak nilang gawin ito sa Pampanga para naman makasama ang mga relatives nila doon.

Mommy, invite natin yung mga friends ni Ate pero sabihin natin na secret lang. Yan ang suggestion ni Gab. Ang tinutukoy nya ay sila Yeng, Angge, at KC, pati na rin si Sam.

Mukhang maganda yan anak, siguradong matutuwa ang Ate mo. Lilinawin ko lang na yung mga ladies lang ang invited, okay?

Pero Mommy, mas matutuwa yun kung isasama na rin natin si Kuya Sam. Alam nyo na....

Tumigil ka dyan Gab! Kuya na talaga ang tawag mo dun? Ako ang masusunod, wag kang kumontra.

Hindi na lang sumagot si Gab. Alam nyang hindi sya mananalo sa Mommy nya.

Anak, wag mo ng ipilit ha, dagdag naman ni Daddy Delfin.

Pati pala kayo Daddy....sige po kayo na ang bahala. Mauna na po ako at papasok na ako sa school.

Mag-ingat ka anak. Umuwi ng maaga ha. Paalala pa ng Daddy nya.

----------------------

SAM'S POV

What can I give her on that very special day? Ang hirap palang umisip lalo na pag gusto mong mapasaya ng husto yung babaeng mahal mo....hmmmmmm....lahat halos meron na sya, ano kaya talaga ang gusto nya?

Teka, may taping nga pala ako nun! Tsk tsk tsk....bad timing...I need to make arrangements para naman ma-celebrate namin yun kahit sandali lang. Sam called his talent manager and ask if he can have a day off, and if not, leave early that day. He was so glad when his manager agreed to take a day off!

Tinawagan naman ni Sam ang tatlo, but.......

Naku Sam, naunahan ka na ni Mommy Divine. I already said yes to her pati na rin sila Yeng at Angeline. Gusto man ni KC na tulungan si Sam for his surprise, wala syang magawa.

It's okay, I understand. So sa Pampanga ang celebration....he sighed.

Sana nga pwede ka naming isama, pero ano kasi....

I know, you don't have to explain. I'll think of another plan. Thank you sa concern.

--------------------------

Malapit na talaga ang birthday ni Sarah! Excited lang ako na baka sakaling may ma-reveal...haha..hindi masamang mangarap. Pagbigyan nyo na po ako.

Lilinawin ko lang po, love ko si Mommy Divine, kailangan lang sa story na medyo kontrabida sya sa lovelife ni Sarah. Para naman mahirapan si Sam...haha...

Uunahan ko po ang celebration nya, para maka-move forward na po.

Thank you po ulit sa votes and comments, nakakaaliw kayo:)

How Will I Know? -AshSam StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon