The morning of Valentine's day, Sarah was busy getting ready for her rehearsal sa ASAP. Kinakabahan sya sa araw na yon dahil hindi nya alam ang magiging response ng tao para sa movie nila ni Gerald.
Someone knocked on the door....
"Anak.....gising ka na ba?"
"Yes Mommy, bababa na po ako..."
"Bilisan mo na at baka ma-late ka pa."
"Okay po." Agad namang sumunod si Sarah.
Pagbaba nya ay nakita nya ang isang napakalaking bouquet ng tulips na nasa table.
"Wow! Galing ba to kay Sam?"
"Naku.....hindi! Basahin mo yung card...."
"Kay......Gerald?" Nalungkot si Sarah ng mabasa ito.
"Uhummm.....ano bang ibig sabihin nyan?" Tanong ni Mommy Divine na mainit na ang ulo.
"Wala po......makulit lang talaga yan. Kakain na po ako para makaalis na."
"Hindi pa naman kita masasamahan ngayon, baka naman makipag-date ka ha?"
"Mommy naman kung anu-ano iniisip nyo...."
"Wala kasi akong tiwala sa Gerald na yan, basta mag-ingat ka."
"Opo.......ahmmm Mommy, pwede bang bumalik ako sa condo kahit hanggang weekend lang? "
"Ano naman ang gagawin mo dun? Delikado nga di ba?"
"Andun naman si Ate Aida, may kasama naman ako."
"Bakit nga?"
"Gusto ko lang mapag-isa kahit sandali lang."
"O sya sige, pero wag mong sabihin sa iba yang balak mo baka may sumunod na naman sa'yo."
"Alam ko po yun. Thank you po." Hinalikan nya si Mommy Divine bago ito umalis.
-------------------
The premier night of their movie was a success. Sinuportahan din ito ng mga close friends nila sa showbiz. Nakahinga ng maluwag si Sarah at Gerald ng makita nila ang napakaraming tao na nanood at nag-abang sa kanila.
"Congrats Sars! Super kilig ang movie nyo!" Sabay beso ni KC.
"Salamat KC. Asan na sila Angge?" Panay ang hanap ni Sarah sa mga kaibigan nya.
"Present! Hahaha..." Biglang sulpot ni Angge kasama si Yeng.
"Ayyy! Nakakagulat kayong dalawa....ano ba....pero thank you sa pagpunta ha, alam kong busy kayo...."
"Syempre dapat present kami tonight noh, full force kami!" Dagdag pa ni Yeng.
"Asan na si Gerald?" Tanong ni Sarah sa tatlo.
"Uuuyy....bakit mo hinahanap?" Tukso ni Angge.
"Eto naman, syempre leadingman ko yun eh, saka hindi pa kami tapos may party pa raw."
"Ahhhhh oo nga naman saka bati na kayo ni Sam di ba?"
"Oo naman....pero hindi na naman nagparamdam today, ewan ko ba dun hmmmp!"
"Sars, hindi pa naman tapos ang araw na to, saka may idea ako, since wala ang mga jowa nyo ni Yeng at wala naman kaming lovelife ni Angge...tayo na lang ang mag-date mamaya! Okay ba yun?" Excited na tanong ni KC.
"Eh may party pa raw kami anong oras pa ako matatapos?" Sagot naman ni Sarah.
"Eh di wag mong tapusin....sagot ka namin di ba guys?" Sabay senyas ni KC sa dalawa.

BINABASA MO ANG
How Will I Know? -AshSam Story
Hayran KurguSarah G-pure talent, pure heart. She deserves the best, especially when it comes to love...and in God's perfect time, that man will surely come. (Credits to the owner of the pictures)