Chapter 9 - Connections

2K 31 16
                                    

Babe, buti naman at naalala mo pa ang bahay ko...nagtatampo na ako sa'yo, tagal mong magparamdam!

Sorry Ate, alam mo naman busy busy....sabay kagat-labi ni Sarah. Nagpapa-cute sa Ate Juday nya .

Wag mo akong daanin dyan sa dimples mo ha! Oh ayan, kumain na kayo ng cake...no diet today!

Hang toraayyy talaga oh! Sabay yakap ni Sarah kay Juday.

Sige na, sige na, ikaw talaga....sabi naman sa'yo matuto kang magpahinga. Hindi masamang mag-relax paminsan minsan.

Opo, opo. Tama na po. Andito na nga kami eh. Oh eto namang dalawang ito hindi na nakakibo. Sobrang sarap siguro ng cake mo Ate! Tsk tsk tsk...napapailing lang si Sarah habang nakatingin kila KC at Sam.

Okay, mga hija at hijo anong agenda natin for today?

Well, we're here for you know naman Ate....siniko ni KC si Sam. Napangiti naman si Juday. Napag-usapan na kasi nila na paglalapitin ng husto ang dalawa, boto sila kay Sam para kay Sarah.

Sinamahan ko lang kayong dalawa, up to you two, kahit ano.

Ahhhmmm....turuan mo na lang ulit akong magluto...Please???? Sagot naman ni Sarah.

Ganon? So cooking lesson pala for today. Tama, we'll cook something for lunch. Siguro naman eh ayaw mo na ng chicken curry??.....

Ouchhhh!!! Don't mention that naman.... Napatingin si KC kay Sarah na medyo nagtaas na ng kilay.

Sorry.....Okay so what's next...?? Hmmm....alam ko na! Sam, what's your favorite dish?

Ate!!!! Pumadyak padyak pa si Sarah. Natawa lang naman si KC at Juday, habang namumula naman si Sam.

Kung maka-react naman to! Tinatanong ko lang naman yung tao, masama ba? Kayong dalawa alam ko favorite nyo eh sya hindi..nahahalata ka tuloy..tsk tsk tsk, Eros ano? sagot na bilis!

I eat any kind basta kayo magluluto. Hindi naman ako maselan. Kayo, anong gusto nyong kainin? Nahihiyang sabi ni Sam.

Eto naman, pakainin kaya kita ng palaka o ahas, okay lang? Hahaha...nagtawanan na naman ang tatlo.

Halika na dun sa kitchen, iwan muna natin sila dyan at simulan na ang lesson for today. Manghuhuli pa yata tayo ng palaka! Tawa ng tawa ang dalawa at magka-akbay pa silang naglalakad, halatang miss na miss nila ang isa't isa.

Sige, papalambutin muna natin yung meat tapos prepare natin yung mga gulay ha.

Okay chef! Anong luto ba ito?

Kare-kare! Yan na lang ang lulutuin natin kasi kanina ko pa ni-ready yung lechon kawali. Siguro naman kumakain si Sam nyan. Wag syang choosy!!!

Haha...siguradong gusto nya yan! Ahmmm...kumusta naman pala kayo ni kuya Ryan? Ang mga kids, ang laki na nila! Nakita nyang naglalaro sila Yohan at Lucho sa garden kasama nila KC at Sam.

Okay naman kami ng kuya mo kahit may mga intriga paminsan minsan. Tagal mong di nagpunta kaya ayan malalaki na nga ang mga chikiting ko. Ikaw naman, kumusta na ba ang puso? Marami kang dapat ikwento...hmmmmm

Haayyyyy.... sana kasi makahanap na ako ng tulad ni kuya Ryan, yung faithful, gwapo, respectful....

Naku...naku...naku...hindi hinahanap yan. Hintayin mo lang, oh baka andyan na di mo lang napansin?

Huh??? Napapangiti pa si Sarah na parang walang alam sa sinasabi ng ate nya.

Aysus! Deny deny ka dyan. Ako pa? Updated syempre ako! Yang kasama mo, yang Eros ko...pahiram lang ha, wag magseselos...ano, what's the real score? Malapit na ba?

How Will I Know? -AshSam StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon