Chapter 3 - Let Me Love You

1.9K 28 4
                                    

Thank you sa paghatid ha. Pasensya na naset-up tayo nung tatlo. Happy Birthday ulit.

I should be the one to thank you kasi pumayag ka na makasama ako and ihatid ka pauwi. This is my best birthday so far. I hope nag-enjoy ka rin? Abot tenga ang ngiti ni Sam habang sinasabi ito.

Oo naman. Enjoy naman ako, lalo na ang kulit ng mga kasama natin. Haha... Hindi ka ba napipikon sa mga yon?

Nope! Sanay na ako. Ahhmmmm, Sars, I wish na hindi ito yung huli? I mean can we go out sometime...again? Ahh...if it's okay lang naman.

Uhhmmmm...Sam, ano kasi... I'm sure kumalat na pictures natin sa mga social networking sites. Ang daming nag-take ng pics kanina kahit palihim lang, napansin mo naman diba?

Yes, I know that. You're not comfortable I guess, and so...is that a no? Napakunot ang noo ni Sam habang nakatingin kay Sarah.

Ang hirap kasi...look, I really want you as a friend. Okay kang kasama. Pero siguro naman alam mo kung paano ma-link sa isang Sarah G. I mean, magugulo ang mundo mo, maraming magmamasid sa bawat kilos mo...alam mo yun?

Ma-link? Wala naman sa akin yun. Hindi naman issue sa akin kung sundan nila ako. But, if you want me to keep everything private, I will. Anything for you okay lang. I've waited for so long to have the courage to finally say this...I really like you since Idol days. Pero I know you're not ready that time so I waited. I'm just hoping na this time, pwede na?

Hindi kagad makasalita si Sarah. Nabigla sya sa sinabi ni Sam. Matagal na nga silang textmates, nagpaparamdam ito nuon pa, pero hindi naman pormal na nanliligaw.

Sorry, nabigla ka ba? I don't mean to...maybe I'm too fast. Pasensya na....

Sam, hinawakan sya ni Sarah sa braso. I need time to think about this. I don't want to lose a friend like you. Ayokong mangyari sa'yo yung nangyari sa kanila. And...sana masiguro mo muna kung gusto mo ba talaga ako.

Napayuko na si Sam. Sa mga sinabi ni Sarah, mukhang malabo na....

Sorry...ano ba yan, special day mo pa naman, I just want to be honest, and right now, all I can say is.. I'll always be here as your friend. At least, hindi ako mawawala diba?

Tiningnan ni Sam si Sarah. Matagal bago sya nagsalita. You can see in his eyes na nalungkot sya sa mga narinig nya. Si Sarah naman ang napayuko. Hinawakan na ang bag nya na para bang gusto ng lumabas ng sasakyan.

Why are you thinking na hindi kita talaga gusto? If only you can see what I see in you, and make you feel how I feel for you...I...I'm sorry if makulit ako. But, can you just ...at least...let me prove it to you?

Hindi na alam ni Sarah kung ano ang dapat sabihin. Mukhang napaka-seryoso ni Sam at hindi na maawat. Napakagat sya ng labi at hindi na makatingin kay Sam. Hanggang sa nagpaalam na lang sya.

It's getting late, mauna na ako. Salamat ulit, and pasensya na kung medyo nasira ko yung araw....

Wait! Sarah, ihahatid kita sa unit mo. Hinawakan ni Sam si Sarah sa kamay. Mahirap naman maglakad ka dyan mag-isa. Wala ang driver mo.

Okay lang ako. Baka may makakita pa sa atin, saka nakakahiya naman sa'yo. Safe naman dito. Bumaba na si Sarah.

No, no, no! Bumaba rin si Sam at hinabol si Sarah. Hindi ako papayag na mag-isa ka. Mabuti na ang sigurado. Come on, ihahatid kita and you can't say no.

Ano pa nga bang magagawa ko eh hawak mo na ako? Tsk tsk. Napailing na lang si Sarah.

Okay, ayan ha, naihatid mo na ako, so I'm safe na. Thank you and goodnight. Sana hindi ka galit sa akin.

Hinawakan ni Sam ang baba ni Sarah para tumingin ito sa kanya. Listen to me, hindi ko kayang magalit sa'yo. At saka sabi mo kanina diba you'll think about it? So, naisip mo na ba? Kanina pa yun eh. Nakangiting sabi ni Sam.

Natawa naman si Sarah sa sinabi ni Sam. Nakuha mo pang mag-joke? Ibang klase ka rin, ang kulit mo!

Biglang narinig nilang bumubukas ang elevator. Dali-daling pinapasok ni Sarah si Sam sa unit nya. Ssshhh...dito ka muna baka may makakita sa atin mahirap na.

Natigilan naman si Sam at medyo napangiti nang maisip nya na nakapasok sya sa tinutuluyan ni Sarah.

Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Nagtatakang tanong ni Sarah.

Well, at least I get to see your place. Maganda sya, simple, parang...ikaw.

Thank you pero wag mo na akong bolahin. Teka, baka all clear na sa labas, pwede ka na siguro umuwi. Sumisilip si Sarah sa pinto para makasiguro na wala nang tao.

Bakit ba hindi ka mapakali? Natatawang tanong ni Sam. Gusto mo na talaga akong paalisin. Sige na nga, para makapagpahinga ka na rin.

Oh, nagtatampo ka ba? Sabi ko nga sa'yo mahirap ang sitwasyon hindi ba? Sample pa nga lang yan. Sige na, goodnight na.

I'm asking you to please, just let me show you my true feelings. Seryoso na naman ang tingin ni Sam kay Sarah. Hindi ako nagmamadali. I'm willing to wait, so please don't tell me to stop.

Sam, alam mo naman ang paniniwala ko sa love diba? Gusto ko pang-forever, ayoko na ulit masaktan.

I don't want to promise anything. All I know is that, I love you enough that I don't want to see you hurting. Don't worry too much, if reporters will ask me, what do you want me to say? Just tell me, anything for you, basta give me a chance please?

Ganyan kasi kayo, sa umpisa parang walang makakapigil, then sandali lang parang may amnesia na.

Just let me love you please... Trust me on this.

Wow! Big word! Nagkatawanan na sila. Hindi na talaga mapigil si Sam kaya wala nang nagawa si Sarah.

Bahala ka na nga. Ewan ko sa'yo. Basta wag mo na lang aminin yan sa mga reporters para kung may magbago man, hindi na siguro magiging hot issue. Sige na, it's really getting late.

You just don't know how happy I am. Thank you so much! Then he kissed Sarah on her cheek. Goodnight.

Hindi kaagad makatulog si Sarah. Iniisip kung tama bang binigyan nya ng chance si Sam. Biglang tumunog ang cellphone nya. Isang text...agad nyang kinuha ito para basahin, thinking it's Sam. "So you're now dating? Pinayagan mo syang pumasok sa unit mo?"

---------------------------------

May nag-text! Haha sino kaya yun?

Any violent reaction sa chapter na ito? Mag-comment naman kayo guys :)

Daming vids at pics ni Sarah. Buhay na buhay na naman tayo mga Popsters! (By heart po ako)

Sige po at matutulog muna ako kahit konti:)

Thank you ulit readers!

How Will I Know? -AshSam StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon