Chapter 31 - Confused

1K 36 15
                                    

"What can I do? Paano na ba to eh galit na galit na sya." Sam tried calling Eric to ask for an advice.

"Sam! What's goin on?" Eric said.

"Ang gulo gulo na nga hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Please help me explain to Sarah."

"Wooahh! That's not easy, alam mong takot ako kay Mommy Divine."

"Sige na please, help me make a good explanation for everything."

"Ikaw naman kasi, kung anu-ano pa ang naiisip mong gawin, ayan tuloy palpak!"

"Hindi naman kasi dapat ganun eh, si Marie' pa ang nagpahamak sa akin...tsk tsk tsk..."

"Bakit nga ba yun ang nangyari? Anong meron kay Marie', bakit biglang may video na ganun?"

"Nagulat din ako dahil hindi ko naman naisip na gagawin nila yun. Kaya tulungan mo ako please?"

"Susubukan ko, pero hindi ako makaisip ng sasabihin ko sa kanya, paano ba?"

"Tulad nga ng sabi ko sa'yo dati, busy lang ako, saka linawin mo na there's nothing between me & Marie'." Alalang alala si Sam na baka maniwala talaga si Sarah sa mga sasabihin ng iba.

"Mahirap to, pero susubukan ko. Sam please lang ayusin mo na ang dapat mong ayusin para hindi na lumala ang issue."

"Of course Im working on it, salamat sa gagawin mo for me...."

-----------------

Tuloy lang si Sarah sa kanyang mga shooting at guestings. Hindi na nya binubuksan ang kanyang twitter account dahil alam nyang lalo lang syang masasaktan sa mga mababasa nya.

Napapansin ng mga kasamahan ni Sarah na laging matamlay ito at parang laging kulang sa tulog. Kahit alam nila ang dahilan, hindi naman nila ito pinag-uusapan.

Tatlong araw na ring hindi sinasagot ni Sarah ang mga tawag ni Sam. One day, he decided to just text her. "Hon, please kausapin mo na ako. Me and Marie' were friends, yun lang. O sige, if you want, I'll give you time para mawala ang sama ng loob mo, just text me kung okay ka na. Remember.....I love you."

"Hmmmp! If I know nahihirapan kang lumusot sa mga kalokohan mo! Natuto na ako sa mga nangyari sa akin..." She said to herself and didn't bother to reply.

Masamang masama talaga ang loob nya hanggang ngayon. Nag-aalala naman si Direk Cathy na baka makaapekto ang problema ni Sarah sa mg last scenes na dapat nilang kuhaan...sweet moments pa naman ang sinadya nyang ihuli.

"Bebe, usap muna tayo ha....alam ko hindi kayo okay ni Sam ngayon, pero kailangang kalimutan mo muna yun kahit ngayon lang. Malapit ng matapos ito...konting tiis lang ha?" Hinawakan nya ang kamay ni Sarah na seryosong nakikinig sa kanya.

"Sorry talaga Direk, kung bakit kasi wrong timing ang mga pangyayari sa buhay ko...haaay......hahaha...." Napaluha na si Sarah kahit pilit nyang pinipigilan ito.

"Sige lang Bebe, iiyak mo na lahat para mamaya magaan na ang nararamdaman mo." Niyakap nya si Sarah habang pinapakalma ito.

"Malas ko yata talaga ano? Akala ko iba sya, pero yun nga....parang parehas lang pala nung mga nauna....."

"Wag ka munang mag-conclude, bigyan mo ng chance. Saka dapat, mag-usap kayo para magkalinawan."

"Naiinis talaga ako eh, ayaw ko syang makausap. Palilipasin ko na lang muna itong galit ko, lalo kaming di magkakaintindihan eh."

"O sige ha....basta tandaan mo, lahat ng relasyon, may mga pagsubok na pinagdadaanan. Dun nyo mapapatunayan kung gaano nyo kamahal ang isa't isa."

"Thank you Direk ha..."

How Will I Know? -AshSam StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon