Christmas break is done for Sarah at ready na sya ulit bumalik sa trabaho. She's keeping herself busy para hindi nya masyadong ma-miss si Sam. Syempre pa, back to shooting na naman sila ng movie nila ni Gerald.
Thursday morning, maagang dumating si Sarah sa set at habang inaayusan ng kanyang hair stylist ay panay naman ang laro nya kay Sparky. "Cute cute naman ng baby ko oh....ahhhh nagugutom ba ikaw?" Hinalik halikan nya ang alaga at kinikiliti pa ito habang nakahiga sa lap nya.
"Ang sweet mo naman sa bagong baby mo ha Bebe...." Bati sa kanya ni Beyonce.
"Syempre....favorite ko sya ngayon...."
"Ahhhh....parang alam ko kung bakit...nami-miss mo yung nagbigay ano?"
"Sobrang miss ko na nga, kaya si Sparky na lang pinanggigigilan ko! Hahaha....at least may pinagkakaabalahan ako habang wala sya."
"Sa bagay....................owww....here comes my manok may pasalubong pa yata..." Sabay silang napatingin kay Gerald na kararating lang at may malaking paper bag and some Starbucks coffee para sa kanila.
"Good morning ladies........coffee?" Iniabot nya ang isa kay Sarah. Binigyan nya rin si B.
"Thank you...." Inilapag lang ni Sarah ang coffee sa table. Nilaro na naman nya si Sparky habang tinatapos naman ang pag-style sa buhok nya.
Tahimik lang si Gerald habang pinagmamasdan sya. When she's done, iniwan sila ni Beyonce, he moved closer to her and then he started the coversation. Gusto nyang maging maingat sa mga sasabihin nya kay Sarah para hindi na maulit ang tampuhan nila.
"So how was your vacay?" He asked while taking a sip of coffee.
"Okay naman....." Matipid na sagot nya.
"May ibibigay nga pala ako sa'yo, gift ko sana sa'yo for Christmas, late nga lang, sorry......." Kinuha nya ang laman ng paper bag....isang gift box na may design na dog pictures.
Hindi alam ni Sarah kung dapat ba nyang tanggapin ang gift mula kay Ge. "Gerald....di ba sinabi ko naman sa'yo na hindi na pwede yan?"
"Please....kahit ngayon lang naman.........and I'm your leading man so wala namang masama, tanggapin mo na please....." Lumapit sya kay Sarah at kinuha ang kamay nito. Pinahawak nya ang gift at hindi na nakatanggi si Sarah.
"Okay.....ano bang laman nito?"
"Just open it para malaman mo."
"Haaaay......pwedeng pakihawak muna si Sparky para mabuksan ko to?" Inabot nya ang yorkie kay Ge. Binuksan nya ang gift...clothes for her dogs with matching accessories. "Wow! Thank you...pero parang sobra naman ang mga ito...and wala naman akong gift para sa'yo, nakakahiya ." Isa isa nyang tinitingnan ang mga damit at hindi naman maikaila na tuwang tuwa sya sa mga yon.
"Okay lang...para talaga yan sa mga alaga mo, saka siguro pwedeng gift mo na lang sa akin eh yung kausapin mo ako palagi, wag mo na sana akong iwasan."
"Kinakausap naman kita ah....ikaw nga ang nagtampo last time...wait, give me back my baby na..." Binalik naman ito ni Ge sa kanya. Sinubukan nyang isuot ang isa sa mga damit na napili nya, bagay na bagay naman ang basketball player outfit kay Sparky.
"Sorry nga pala dun, hindi na mauulit. Bagay nga sa kanya.....teka bago ba yang yorkie mo? Anong name nya?"
"Yes...meet Sparky, baby ko to....baby namin..."
"Saan galing? Gift ba yan?"
"Gift ni Sam para raw hindi ko sya makalimutan."
"Ahhhh........" Nalungkot sya sa sinabi ni Sarah. Bakit nga ba clothes lang ang binigay nya ........sana pala meron din kasamang yorkie.

BINABASA MO ANG
How Will I Know? -AshSam Story
FanficSarah G-pure talent, pure heart. She deserves the best, especially when it comes to love...and in God's perfect time, that man will surely come. (Credits to the owner of the pictures)