Hayyyyy.... Wala talaga mga sis...I give up!....naiinis na talaga si KC.
Baka busy talaga yun, saka nahihiya siguro kila Mommy Divine, sayang talaga....baka....napatigil si Angeline dahil sa biglang pagpasok ni Daddy Delfin.
O videoke naman tayo ha, wag muna kayong umalis, magre-request sana kami ng kanta sa inyo kung okay lang na lahat kayo kakanta?
Sure Daddy Delfin, yun lang po pala. Sino po ang una? Tanong ni Angge.
Teka Daddy, lasing ka na ba? Hahaha...videoke talaga ha...natatawa lang si Sarah sa Daddy nya.
Para naman hindi tayo mainip, parating na yung gift ko sa'yo...
Gift?? Gabi na, san po ba manggagaling yun? Nagtataka naman si Sarah at di mahulaan ang surprise ng Daddy nya.
Maghintay na lang tayo....darating na yun...Angeline, pwede mo bang kantahin yung favorite ni Sarah na ...ano nga bang title nun anak?
Just give me a reason po? Sagot naman ni Sarah.
Hindi, ayoko ng ibig sabihin nyan....ikaw talaga... Yung isa....
Delfin, halika nga sandali. Tinawag ni Mommy Divine ang asawa. Ano ba ang plano mo? Sinong darating, akala ko ba hindi makakapunta si Miguel?
Ssshhh...wag kang maingay...baka marinig ka ng anak mo....
Pambihira ka naman, pati ako kasali sa surprise mo. Siguraduhin mong maganda yang gagawin mo.
Eto na lang po ang kakantahin ko....okay lang po ba?
O sige, yan na lang muna...oo nga naman ...teka lang pala...para mas maganda ang effect, dim lights tayo.....lalong nagtawanan ang mga bisita.
Ano ba yan Daddy may effects pa talaga....asan na po yung gift ko? Hahaha....
Sandali lang parating na....sige na hija start na....
...nagsimula na si Angge....palakpakan naman dyan...hehehe biro ni Angge sa mga bisita.
🎶🎶Kahit konting liwanag ng pag-ibig
Ang igawad sa pusong may ligalig
Ang pag-asa'y aking nakikita
At ang ligaya'y nadarama.
Kahit konting liwanag ng pag-ibig
Ang sa akin ay ipahiwatig
O giliw ko, kay ganda ng langit
At ang awit kung dinggin ay kay tamis.
Yeng, kinakabahan ako, baka darating si Miguel....nagbubulungan ang magkaibigan sa gilid habang nakikinig kay Angge.
Ako nga rin KC, nag-usap kasi sila Mommy D at Daddy D diba? Alam mo naman....
Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa 'yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko......🎶🎶
Napatigil ang lahat ng biglang dumating ang surprise.....
Happy Birthday!!!!!! Sabay yakap kay Sarah. Kala mo wala ako ano? Pwede ba yun? Medyo natagalan nga lang...sorry po Daddy and Mommy maulan talaga eh...
Ate! Wow naman buti nakarating kayo....Kuya Ryan! Naku pasok na mukhang pagod na pagod sa byahe oh....tuwang tuwa si Sarah at di makapaniwala na andun ang ate nya...First time ah...
Humalik din si Juday kila Mommy D at Daddy D. Buti nakarating kayo dito sa amin...ito namang si Daddy hindi man lang sinabi kanina para naipaghanda ko kayo bago dumating.
BINABASA MO ANG
How Will I Know? -AshSam Story
FanfictionSarah G-pure talent, pure heart. She deserves the best, especially when it comes to love...and in God's perfect time, that man will surely come. (Credits to the owner of the pictures)