SARAH's POV
Bakit kaya ilang araw na syang hindi nagpaparamdam? Parang hindi na tama ito ah....Ano kaya kung tanungin ko na lang ang handler nya? Haist.....bahala na nga, hindi tuloy ako maka-concentrate sa script na binabasa ko.
Hmm....mmmm.....mmmm.....wala, wala talagang pumapasok sa utak ko! tatawagan ko na talaga si Kuya Eric.
She picked up her phone and dialed his number. "Hello Kuya....kumusta po?"
"Sarah! What's up? Bakit bigla kang napatawag?"
"Ahmmmm.....Kuya....nakausap nyo na ba si Sam?"
"Well....ang last na pag-uusap namin is yung pagkarating nya sa Ohio, after nun wala pa akong balita. Bakit mo nga pala naitanong Sarah?"
"Kasi...nagtataka lang ako kung bakit hindi man lang sya tumatawag o nagte-text, or mag-tweet man lang. Ang sabi nya last time magiging busy sya, pero two weeks na yun....."
"Ahhhh.....ganun ba? Hayaan mo, susubukan ko syang tawagan, then I'll let you know."
"Thank you Kuya, pasensya na kung naabala ko kayo."
"Naku, wala yun ano ka ba...dapat nga matuwa ako at tinawagan ako ng isang Sarah G!"
"Kayo talaga....sige na Kuya, hanggang sa uulitin, hintayin ko ang tawag nyo."
"Okay, promise yan, tatawagan kita pag may balita na."
--------------------
She thought of asking KC, baka sakaling may balita sya sa bestfriend nya.
"Sars! Wow ha, na-touch naman ako at tumawag ka....anong meron?" Bati ni KC kay Sarah.
"Eto naman, parang ilang years na tayong di nag-usap, OA ang reaction Sis?"
"Eh pano kasi....ako usually ang tumatawag sa'yo o kaya naman nagsu-surprise visit sa condo mo...right?"
"Oo na...sige na, ako na ang busy....sorry naman Sis."
"Hmmmm.....echosera! Hahaha..ano ngang meron at napatawag ka?"
"Eh kasi...si Sam ehhhh....."
"Bakit ha, anong ginawa ni Sam? Lokong yun ahhh...."
"Wait lang! Hindi naman kami nag-away, ang problema nga lang....hindi ko sya ma-contact. Hindi rin sya nagpaparamdam. Di ko na alam ang iisipin ko, kung magagalit ba ako o mag-aalala...."
"Owwww.....sino ba ang iba nyang kasama dun?"
"Hindi naman nya kasi kasama si Kuya Eric o kahit yung PA nya. Sis...anong gagawin ko? Help me naman."
"Relax ka lang muna Sars, I'm sure naman na kahit hindi sya ma-contact, nasa isip ka naman nya palagi. Saka....iba talaga pag nasa ibang bansa, masyadong busy mga tao doon, hintayin mo pa ng ilang days, I'm sure tatawag din yun."
"Haaay.....sana nga.....salamat ha, pasensya na rin kung pinasa ko pa yung problema ko..."
"Eto naman, kaya nga friends tayo di ba? Hindi lang friends....Sis pa!"
"Thank you talaga....o sige baka naabala na kita ng husto. Kumusta mo na lang ako sa Mommy mo ha?"
"Yeah sure! Ingat ka palagi ha, alam mo naman yung stalker mong creepy..hahaha"
"Haha.....salamat sa concern...bye...."
---------------------
Hindi na mapakali si Sarah dahil wala namang makapagbigay sa kanya ng update kay Sam.
BINABASA MO ANG
How Will I Know? -AshSam Story
FanfictionSarah G-pure talent, pure heart. She deserves the best, especially when it comes to love...and in God's perfect time, that man will surely come. (Credits to the owner of the pictures)