Chapter 22 - Plan a Getaway

1.4K 29 10
                                    

A meeting was held to discuss the details of Sarah's upcoming concert. Now she really joins the discussion. Mas hands-on na sya hindi lang sa song choices kung hindi pati na rin sa kanyang mga outfit. Hindi na rin nya pinalampas ang pagkakataon na mamili ng magiging guests nya.

Hija, hindi talaga pwede si Sam, ayaw ng kampo nila, alam mo naman ang schedule nya sa shoot diba? Paliwanag ni Boss Vic kay Sarah.

Kung hindi po talaga pwede, wag na lang po sanang mag-invite ng ibang ka-loveteam ko before o kahit sinong nali-link pa rin sa akin hanggang ngayon.

Pero syempre may aasahan ang mga tao sa araw na yon hija. Kahit pampakilig lang para sa movie. Pwede naman yun kasi leading man lang naman diba? Wala namang malisya.

Ayoko na po kasi ng ganoon. Please lang po pagbigyan nyo naman ako. Sana rin po walang mga surprise guest lalo na kung ka-loveteam ulit.

O sige na nga...haaayyyy yan ang hirap pag may boyfriend eh.....nanghihinayang na tugon ni Boss Vic.

Thank you Boss! Nakangiting sabi ni Sarah na parang nakahinga ng maluwag sa desisyon na yon.

Hindi pa final ang line-up ng kanyang guests, pero ang ilan sa mga nais nyang makasama ay sina Regine, Gary V, Apl, Bamboo, Lea at Martin.

---------------------

Kinausap din ni Boss Vic ang parents ni Sarah. Medyo nag-aalala ito sa personal life ng alaga.

Napapansin ko na medyo seryoso na si Sam sa prinsesa natin. Sabihan nyo na medyo hinay hinay lang. Parang masyado silang attached sa isa't isa. Pakiusap ni Boss Vic.

Hindi na rin namin mapakialaman ang dalawang yan. Mahal na mahal ang isa't isa. Mabuti na rin naman at hindi na siguro iiyak ang anak ko dahil lang sa lovelife. Sagot naman ni Mommy Divine.

Aba eh bantayan nyo rin baka naman biglang magpakasal yan patay ang mga nakaabang na projects para kay Sarah. Mahirap na.....alalay lang ha.

Hindi naman ho siguro ganun kabilis. Wala pa namang nababanggit na ganyan ang mga bata. Paniguradong sagot ni Daddy Delfin.

Alalahin ninyo, nasa tamang edad na si Sam, at kung yayain nya ang anak nyo....malakas ang kutob ko na papayag yan. Handa na ba kayo? Kaya dapat medyo alalay din, marami pang pwedeng mangyari sa career ni Sarah, sayang naman.

Sa tingin ko naman hindi pa handa ang anak ko. Mararamdaman ko yan pag ready na si Sarah. Nakaalalay naman ho kami Boss Vic.

O sige kayong bahala ha. Paano, mauna na ako sa inyo at may iba pa akong meeting for today.

Sige Boss, ingat. Paalam naman ni Daddy D at Mommy D.

Nagpaalam na rin si Boss Vic kay Sarah at sa ibang staff.

--------------------------

Pagkarating ni Sarah sa bahay, una na nyang tinawagan si Sam para balitaan ito sa mga napag-usapan sa meeting nila kanina.

So hindi ka pala talaga pwede that day ha? Totoo ba yun? May tampo sa boses ni Sarah.

Sad to say....that's true. He sighed and remained silent.

Ang tahimik mo na naman. Hayaan mo sinabi ko sa kanila na ayoko ng ibang guest na ka-loveteam ko past man o future....okay ba yun?

Sounds good.......

Yan lang ba ang sasabihin mo? Kausapin mo naman ako....may problema ba?

Nothing, I'm sorry may iniisip lang ako..

Ganun ba, sige magpahinga ka na lang. Matutulog na rin lang ako.

Wait! Please stay....nakikinig ako, gusto ko lang marinig yung boses mo. Don't get mad, okay?

How Will I Know? -AshSam StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon