Sunday after ASAP, nasa hallway ang dalawa at masayang nagku-kwentuhan habang naglalakad. Pinagmamasdan din sila ng mga staff at ibang artists na kanilang nasasalubong. Hindi maikakaila na sila ang favorite couple ng mga kasamahan nila sa industriya. Marami ang nagdarasal na sana nga ay sila na ang magkatuluyan kahit pa may ilan din namang humahadlang.
Halata ang excitement sa mukha ni Sam, pero sa tingin nya ay may halong kaba naman ang nobya. You're ready for tomorrow Hon?
Yes po.... anong oras mo ba ko susunduin?
Siguro mga 5am, okay lang ba yun?
Awwwww ang aga naman nun! Pwede bang tumawad?
You can sleep naman sa van. Maganda kasi yung maaga para walang masyadong traffic at marami tayong mapuntahan.
Okay.....sana magising ako ng maaga. Hahaha....
Sige gigisingin kita, I'll call you bago kita sunduin.
Hey guys! Wait lang......saan kayo pupunta? Humihingal pa si Yeng sa paghabol sa dalawa.
Yeng! Pauwi na kami, bakit ano bang meron at tumatakbo ka pa? Sagot naman ni Sarah.
Haaay.....nakakapagod...ano kasi, lalabas kaming tatlo sana makasama naman kayo, tagal na nating walang bonding. Teka.....lumingon si Yeng at nakitang parating na rin sila KC at Angge. Ayan na sila, ano sama ba kayo?
Ahmmmmm.........napakamot sa ulo si Sam at nakatingin lang kay Sarah. Hindi nya alam kung sasama ba sila o uuwi na lang.
Ay naku.....ayan na naman si Sam, ikaw talaga simula ng magka-jowa ka ayaw mo na kaming isama ha! Nakasimangot si KC habang nakatingin kay Sam.
Oo nga! Sinosolo mo na lang palagi si Sars! Dagdag pa ni Angge.
No! Hindi naman ganun, kayo naman nagtatampo kayo kagad eh. Bihira na rin kaming lumabas kasi nga we're both busy. Paliwanag naman ni Sam.
Yun naman pala eh di sumama na kayo sa amin. Sars ano? Ang tahimik mo dyan. Bumaling naman si Yeng kay Sarah na nakikinig lang sa kanila.
Ha? Ewan ko dito....ano ba Hon, sasama tayo? Kahit sandali lang siguro....please???? Paang batang nagpapaalam si Sarah sa nobyo.
O sige na nga.....pero promise sandali lang ha. I need to take you home early remember?
Ayun! Si Sars lang pala dapat ang ma-convince natin eh. Eto talagang si Sam, ano bang meron at parang nagmamadali ka? Nakakunot noo pang tanong ni KC.
Well ganito kasi....we're going out-of-town tomorrow kaya ayaw ko syang mapagod. We have to leave early diba Hon? Sam pulled Sarah closer to him and gave her a hug.
Whoah!!!! Saan yan ha? Bakit kayo lang dalawa? Naku ha Sars....may ganyan na kayo ngayon, alam ba yan ni Tita? Ayyieeee...tukso naman ni Angge.
Ano ba kayo, kaya nga maaga kami para makauwi rin kami ng maaga. Mamamasyal lang naman kami, ikaw talaga Angge ha.....paliwanag naman ni Sarah.
Pero kayo lang dalawa talaga....ayyieeeee si Sam excited yan...uuyyyyy...tinulak ng bahagya ni Yeng si Sam.
Oo nga Sars, naku ingat ka dyan kay Sam hahaha!!!! Tawa naman ni KC na inaasar ang dalawa. San nga ba ang punta ninyo?
Grabe kayo! Ngayon nga lang kami magbo-bonding eh, wag nga kayong maingay, ang dami ng nakakarinig. Secret na lang kung saan baka sumunod kayo eh...hahaha! Come on, let's go na para maaga rin tayong makauwi.
Sige na nga, nagmamadali talaga si boypi....uuyyyyyy may pasecret secret hahahaha!!!!! Pahabol pa ni Angge.
Pagtalikod nila Sam at Sarah, nagulat naman sila ng makitang makakasalubong nila si Gerald. Nagkatinginan ang dalawa pero hindi na lang nila pinansin pa si Ge at tumuloy na lang sa paglabas papuntang parking area.

BINABASA MO ANG
How Will I Know? -AshSam Story
FanficSarah G-pure talent, pure heart. She deserves the best, especially when it comes to love...and in God's perfect time, that man will surely come. (Credits to the owner of the pictures)