Chapter 20 - Get Here

1.6K 43 17
                                    

Naging busy si Sarah sa rehearsals the following day. Hindi muna nya inisip ang pagtatalo nila ni Sam kagabi. She didn't even bother to text him, nag-concentrate muna sya sa mga kakantahin nya for the concert.

Si Gerald naman ay nagkaroon ng chance para makausap ang parents ni Sarah. Nais nya talagang bantayan ang dalaga kaya naglakas loob na sya na lumapit sa mga ito.

Tito Delfin...Tita....hello po...medyo kinakabahan pa ang boses ni Gerald.

Aba! Anong ginagawa mo dito? Bakit....Gulat na gulat si Mommy Divine kay Gerald.

Oo nga! Ang lakas ng loob mong magpakita pa sa amin, ano bang kailangan mo?

Ahhh....ehhhh....siguro po hindi pa na-ikwento sa inyo ni Sarah ang nangyari kahapon...

Nangyari??? Lalong nanlaki ang mata ni Mommy Divine. Bakit walang nabanggit si Sarah, ano ba yun?

Kasi po nakita ko pong pinipilit sya ni Miguel na sumama sa kanya kaya pinigilan ko sya. Hindi po safe si Sarah dito kaya kung maaari po gusto ko rin syang bantayan.

Loko yung batang yun ah! Akala ko torpe eh may pagka-kidnapper pala! Nasaan yung lalaking yun? May idea ka ba? Halatang uminit ang ulo ni Daddy Delfin sa nalaman.

Ang alam po namin, naka-check in din po sya sa hotel nyo. Pero ako rin po naman doon nags-stay so mas madali ko kayong mabantayan. Baka nga po nandito rin yun ngayon nagtatago lang. Tingin ko baliw na talaga yun eh.

Salamat hijo sa ginagawa mo para kay Sarah. Sana lang ay wala kang inaahasang kapalit mula sa kanya. Alam mong may iba na sya ngayon.

Naiintindihan ko po. Pero sana po hayaan nyo lang akong bantayan at makita sya, kahit friends lang kami ngayon okay na po sa akin.

Pero baka maging dahilan ng pag-aaway nila ni Sam ang paglapit mo sa anak ko. Nag-aalala naman si Mommy Divine.

Wala naman po sya dito eh....ahh...ang ibig ko pong sabihin, kailangan po ni Sarah ng makakasama, hindi ko naman po sya inaagaw.

Bahala ka hijo, sana lang alam mo ang limitasyon mo. Kaya ko rin namang bantayan ang anak ko, baka kasi....lalong magkagulo.

Wag po kayong mag-alala, nandito po ako bilang kaibigan. Wala pong problema sa akin, pasensya na po kung makulit ako, and sorry po ulit sa mga nangyari dati.

Nangyari na yun, wala na tayong magagawa. Masaya na rin naman si Sarah, ikaw sino na nga ba ang nobya mo ngayon?

Wala po...ayoko na pong humanap.

Naku! Sabi mo lang yan bata! Tsk tsk tsk....sige na....magpakabait ka na at salamat ulit. Nagpaalam na sila Daddy Delfin para puntahan si Sarah sa rehearsal.

Thank you Tito...Tita...

Kinausap rin nila Mommy D at Daddy D si Sarah. Ipinaalam nila ang pakiusap ni Gerald. Hindi na rin tumutol si Sarah, wala namang ginagawang masama ang binata.

------------------------

Galit pa rin sya sa akin....wala man lang text, pati yung picture wala rin...this is not good.

Sam tried to call Sarah....10 times and still no answer. Ugghhh! It's almost 9pm imposible naman na hindi pa sya tapos sa rehearsals nya.....Nag-aalala na si Sam sa girlfriend nya. Grabe naman syang magtampo nakaya nyang hindi ako kausapin.

Tinitigan lang ni Sarah ang cellphone nya. Nakikita nyang tawag ng tawag si Sam pero hindi nya ito pinapansin. Masama pa rin ang loob nya dahil sa ginawa nito kahapon. Hindi rin nya maalis sa isip na may ibang lalaking nagbabantay sa kanya at hindi ang boyfriend nya.

How Will I Know? -AshSam StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon