Mika
"Ohmygosh! Ohmygosh! Ohmygosh! Andyan na siyaaaaa" hinampas hampas ko si Ara na katabi ko lang.
"Naman Ye!!!! Ang sakit nun ah." At gumanti pa ng hampas.
Tiningnan ko tuloy siya ng masama pero inirapan lang ako.
Hmp. Hindi ako dapat ma BV dahil paparating na ang ultimate crush ko.
AAAAHHH!!! OMG!
Humarap ako kay Ara. "Di ba ako stressed? Okay lang ba mukha ko?"
Napatagpo nalang siya ng mga kilay.
"Hindi. Maganda ka, okay?"
"Hay! Bestfriend talaga kita." Sinukbit ko ang kamay ko sa braso niya.
At eto na nga, pumasok na siya sa gym!
AND HOLY MOLY
Ang macho grabe! Ang putiiiiii, ang chinitooooo, ang hoooooot!
Ang gwapooooo!
Uber uber sa ka gwapuhan naman ng lalaking to! Tao pa ba to? HUHUHUHU. Ang swerte ng magiging girlfriend niya.
Hindi ko namalayan na may sumapo na tuwalya sa mukha ko.
ANAK NG.
"Ara!!!!"
"Para kang tanga! Pwede ba umayos ka dyan! Kung gusto mo, lapitan mo." She said at tinulak pa ako. Walang hiya talaga tong si Victonara!
"Nakakahiya kaya. Hehehe, dalagang pilipina pa rin ako noh"
Napabuga naman ng tawa si Ara. Kaya napalingon si Jeron sa amin. Hinampas ko siya kaya napatigil sa pagtawa.
Well, at least napalingon si Jeron at nagkatinginan kami.
Achievement na yun!
"Kanina ka pa ah! Last nalang Ye, papatulan na kita."
I rolled my eyes.
Hay ang hirap magkaroon ng bestfriend na taong gubat! Walang ka ethics ethics.
"Umayos ka nga, umaandar na naman yang pagiging taong gubat mo!"
"Ay sorry po mahal na reyna..." yumuko pa siya. Psh.
Bumalik na ako sa bleacher para ayusin ang gamit ko. Kakatapos lang kasi ng training namin at obviously ang men's basketball team ang susunod sa amin.
Pero this is a great day, dahil sa pagtawa ni Ara kanina ay nagkatinginan kami. Hihihihi.
Solved na ako dun, promise!
"Hey Jeron, kumusta?" napatigil ako nang marinig ko si Ara na tinawag si Jeron.
Si Ara na tinawag si Jeron?!
Napalingon ako at nakita kong lumapit si Ara kay Jeron at nag high five pa ang dalawa.
Ano yun?
ANO YUN!!!
"Ok lang. Ikaw?"
Bla... bla.. bla...
Nagkausap pa sila sandali nang makita kong papunta si Ara sa akin. Si Jeron naman pumasok na sa locker room nila.
Dali dali kong hinila si Victonara at pasipol sipol pa ang bruha.
"What was that? Magkakilala kayo??"
"Uhm. Oo?"
"AHH! BAT HINDI MO SINABI?"
"bakit nagtanong ka ba?"
Ngumiti si Ara at bumalik sa pag aayos ng gamit niya.
"VICTONARA!!!!"
BINABASA MO ANG
Oo na, Mahal Kita (JeMik)
FanfictionPure Fanfiction Jeron Teng and Mika Reyes (JeMik)