Mika
"Sure ka ba talagang maglalaro ka?" tanong ulit ni Liz sa akin.
Napabuntong hininga ako. At napahawak sa ulo. Kanina pa kasi ako nahihilo eh, sumasakit na rin ang ulo ko. At tsaka nasusuka talaga ako.
"Miks, ipapa sub ka nalang namin. You don't need to play naman dahil baka ano pa mangyari sayo, patay kami kay Jeron. Baka sa ilog pasig kami pupulutin." Natawa naman ako dun. Bakit naman gagawin ni Jeron yun eh di naman ganun ang level ng concern niya sa akin.
"Oo nga, Miks. Unang bilin pa naman niya sa amin ay wag kang pabayaan." Napataas ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Liz.
Talaga lang ah.
Agh. Wag kang mag assume Mika!
Kinuha ko na ang gamit ko at aakmang lumabas ng bahay.
"Miks! Sure ka ba talaga?" sabay na sabay pa nilang sabi.
"Pasok na tayo sa semis eh, road to finals na ito." Inunahan nila ako sa paglakad at hinarangan ako. Nakapamewang silang dalawa na nakaharap sa akin.
"Just to inform you, Mrs Teng. Liga lang to ng barangay at hindi UAAP. Kung maka animo spirit ka naman dyan." Napatawa naman ako sa reaction ni Lessi. Kulit talaga ng mga facial expression niya.
"Oo nga meng. Wag masyadong seryosohin at walang la salle community ang mag susupport sa atin dun." Dagdag pa ni Liz.
"Pero may isang sigurado akong susupport sayo." Biglang sabi ni Lessi at ngumuso. Sinundan din naman namin ang direksyon ng nguso niya.
"Kim!"
Ngumiti siya ng makalapit sa amin.
"Paano mo nalaman ang bahay namin?"
"Well, nakita ko kayo kahapon na dito pumasok and diyan lang naman ako sa tapat nakatira."
He smiled.
"Ahh—"
"Tara na guys, baka ma late tayo sa game." Pagsingit ni Lessi.
Naglakad na kami nang kinuha ni Kim ang bag ko.
"Kim, akin na. Kaya ko naman eh."
"Nah, its okay..." at tsaka tumingin siya sa akin. "Are you okay? Namumutla ka ata."
"Hay nako, Kim! Ayaw nga naming paglaruin dahil mukhang di okay pero sabi naman niya, keri lang niya." Sagot ni Liz.
"Tigas ng ulo. Lagot talaga kami kay Jeron niyan pag may masamang mangyari sa kanya."
Kumunot naman ang noo ni Kim. "jeron?" at tumingin sa akin.
"asawa ko." I said and smiled. Ang sarap naman pakinggan ang sagot ko hehehehe.
Ngumiti nalang din siya at umiwas ng tingin.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa venue. Pinilit pa ako ng dalawa na wag nang maglaro pero gusto ko talagang maglaro. Sanay din naman ako eh dahil nung college kami ay kahit may sakit ako ay sinusubukan ko talagang wag pa apekto.
"You look so weak, Mika. Leave this to the sisters. As I can see, kaya naman nilang talunin ang kabilang team. Seriously, you really need to rest muna." Kim said sincerely. Sa totoo lang kanina pa ako nahihilo pero pinipilit ko lang talagang tapusin ang laro.
Parang tama nga si Kim, kailangan ko na magpahinga.
"Pa sub muna ako." I said at parang nabunutan ng tinik si Kim. He tapped my right shoulder. "Finally, napilit din kita." We both chuckled with his statement.
BINABASA MO ANG
Oo na, Mahal Kita (JeMik)
FanfictionPure Fanfiction Jeron Teng and Mika Reyes (JeMik)