Mika
Nakatingin siya sa kamay ko.
"PT yan di ba? At tsaka two lines? Anong ibig sabihin niyan Mika?"
Nagulat man ako pero bigla ding bawi dahil sa nakatatanga niyang tanong.
Napaikot ko tuloy ang mga mata ko.
"duh, Positive." Tinapon ko tuloy ang PT sa kanya. Tinitigan pa niya ito tsaka ako muling hinarap.
"s-Seryoso?" napalingon ako at ano yang nakikita ko sa mukha niya?
Masaya siya??
Wala man lang bahid na pagtataka o disappointment.
Pinanliitan ko siya ng mga mata.
"I don't like your reaction."
He smirked.
"Mika, it's a blessing..."
"Blessing... oo na. Pero Jeron... Anak na—I mean anak ko to--- A-ano na gagawin natin? P-paano natin sasabihin to?"
Napa upo ako sa kama kaya napatabi din siya.
"ikaw lang naman nagbibigay ng problema. Normal lang naman magka anak tayo dahil kasal tayo"
"Peke yun, di ba?" sabi ko sa harapan ng mukha niya.
"At anak NATIN yan diba?" he emphasized pa. I rolled my eyes pero medyo kinilig at least kasama ako sa package. Hehe
"Pero—"
Napahawak ako sa bibig nang may isinubo siya sa akin. Pucha naman tong si Jeron!
Strawberry lang pala. Ngayon ko lang napansin na may bitbit siyang bowl kanina. Strawberry pala ang laman.
"No more buts. Simula ngayon, you have to take a rest and avoid stress. You should also eat fruits and vegetables na. And you need my close supervision. Magulo pa naman yang utak mo. Kahit ano nalang iniisip. At hindi pa nagpapaalam sa akin."
I raised my right eyebrow.
"Hindi magulo utak ko at tsaka anong di nagpapaalam?"
"Yep. You never told me about you playing volleyball again." He said at sumubo na rin ng strawberry.
"Do I have to do that? According sa contract natin, we have the freedom to do whatever we want." Pumuslit na rin ako ng strawberry na nasa tabi lang niya.
"Thanks for reminding me about the contract Mika... so, starting today.. wala nang bisa ang kontrata"
Nagulat ako. Anong walang bisa pinagsasabi neto?
"But you can't do that a contract is a contract."
"Haven't you read the last part? It says there, that we both have the right to terminate the contract if we are not anymore practicing it."
"Practicing? Sinusunod ko kaya yun."
"Simula nang may nangyari sa atin, nawalan na ng value ang kontrata."
"But it was an accident.. I mean—" Napaubo naman ako nang sinubuan na naman niya ako ng strawberry.
Peste netong si Jeron, kanina pa to eh.
"Rule no. 15 No intimacy, accident or not."
Sasabat pa sana ako nang ma realize kong tama siya.
BINABASA MO ANG
Oo na, Mahal Kita (JeMik)
FanfictionPure Fanfiction Jeron Teng and Mika Reyes (JeMik)