Chapter 13

790 36 3
                                    

Mika


Nabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong nabasag. Nagulat lang ako. Pero tsaka ko lang na realize na ganun nalang pala lagi ang alarm clock ko simula nang dumating ang disaster sisters..

Hayy. Ano na naman kaya nabasag ng dalawa this time?

Kahapon kasi nag aagawan sa paghugas ng pinggan kaya ayun, basag lang naman ang isang baso... To think na hindi ko na mabilang kung pang ilang baso na yun na nabasag.

Hindi ko na mabilang dahil almost three weeks na sila dito. Yep. Three long weeks. Naiimagine niyo ba ang sarili ko within that three weeks??

HAHAHA. But I must say, masaya silang kasama. Hindi ko inisip na maeenjoy ko ang buhay ko dito na kasama sila. Paano kaya ako kung wala sila?? Papasa na talaga ako bilang the next cast away. Hahaha.

Hayy, sumasakit ang ulo ko sa kanila. And literally talaga. Sumasakit ang ulo ko lately... At hindi ko alam kung bakit. Tama naman ang tulog ko. Siguro nga dahil sa kakulitan ng dalawang yun.

Bumangon na ako ng tuluyan at nagpunta sa banyo. Naligo at nagbihis. Bumaba ako at nadatnan ko ang dalawa na naglilinis. Tuhruuy, general cleaning? Minsan talaga di ko mabasa ang isip ng dalawang to. Ano ano nalang pumapasok sa utak eh.

"Goodmorning, Mika!" masigla nilang bati. Nakuuu, mukhang maganda ang gising nila ah.

I smiled. "Goodmorning!"

Nakita kong lumapit si Liz sa akin. "kumain ka na... Tikman mo tong ginawa ko. Inaral ko pa yan..." excited niyang sabi. Hmm, sige nga. Nang pinakita niya sa akin eh mukhang nangasim naman ang mukha ko.

OMG. Is this even edible?? At inaral pa niya ito sa lagay na to?

"uhm... errr..."

"Mika, this may look disgusting pero masarap talaga yan, tikman mo." Kumuha siya ng kutsara at sinubukang subuan ako.

Hindi ko kayang tikman yan, bakit ganyan kasi ang presentation? Hindi ko maintindihan talaga.

"Huy Liz! Anong tingin mo dyan kay Mika? Asong kalye?? Tingnan mo nga yang luto mo. Yabang yabang mo dyan, eh hindi ko nga ma i-define yang luto mo!"

That. That's supposed to be my statement. Hindi ko talaga alam kung anong niluto ni Liz.

"Bakit? Masarap naman to ah?" she pouted. Tinikman niya ang luto niya. Sabay pa kaming nangasim ang mukha ni Lessi. She really ate it?

"masarap naman ah?"

"Gross" Lessi said into whisper.

Naramdaman ko namang biglang sumama ang sikmura ko. Dali dali akong nagpunta sa sink at nagsuka.

"kitams? Hindi kinaya ni Mika yang luto mo! Yucks! Itapon mo na nga yan." Narinig kong sabi ni Lessi... Lumapit ulit ako sa kanila. "Sorry Liz." Hindi ko naman sinadyang masuka talaga eh, baka na offend siya sa reaksyon ko.

"Nah, tama nga naman si Lessi. Hindi ko nga din alam ano tong niluto ko eh..."

Facepalm.

"Bear with her Miks. Idol kasi niya si Ate Almira kaya trying hard sa pagluto. Pero kitchen jinx yan! Nag agawan pa nga kami ng kitchenware eh kaya may nabasag na naman."

Kaya pala. Hayy...

"Sorry, Miks... Promise di na ako mangingialam sa kitchen. Sign na talaga to na bawal ako dyan." Malungkot niyang sabi.

"Buti alam mo." Sabat na naman ni Lessi. Umalis na siya at bumalik sa living room. Dun kasi sila naglilinis.

"Che!" sagot naman ni Liz kaya sinundan niya rin ito.

Oo na, Mahal Kita (JeMik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon