Mika
Nagsiuwian na ang lahat. Ang natira nalang dito ay kami ni Jeron. May mga trabaho pa kasi sila kaya kailangan na nilang bumalik ng Manila. Pero dahil naka leave si Jeron, he can stay here as long as he can.
Masyado akong excited sa bakasyon ko. Hihi. Makakabalik ulit ako ng hongkong! Gusto ko ulit makita sina Mickey Mouse and Minnie Mouse.
Nasara ko na ang maleta ko na nakangiti. Wala eh excited ako eh. Inayos ko na ito sa gilid ng kama ko at lumabas ng kwarto. Magluluto nalang siguro ako ng hapunan namin ni intsik. Speaking of, naka impake na kaya yun? Hmmm.
Magkatabi lang ang kwarto namin since may extra room yung villa niya. Nakabukas ito ng kaunti kaya lumapit ako at pumasok.
Tatanungin ko lang naman kung ready na siya. Kayo talaga, iba na iniisip niyo.
Naririnig kong may tao sa banyo so malamang nasa banyo si Jeron. Lalabas na sana ako pero may pumigil sa akin. Nilibot ko ang buong tingin ko sa room niya.
Napatigil ako nang makita ko ang isang picture nila ni Jane. Hindi ko alam kung bakit may pumitik sa dibdib ko.
Hindi naman dapat ako makakaramdam ng ganito di ba? Dahil unang una palang alam ko na kung sino talaga ang mahal niya.
Lumapit ako sa picture at kinuha ito. Masayang masaya silang dalawa sa larawang ito. Nakayakap si Jeron kay Jane at makikita mo talagang mahal na mahal nila ang isat isa.
May lungkot na naman akong nadarama. Ugh! Ano ba. Bakit ko ba ito nararamdaman?
Oo nga pala dahil crush ko siya. But what I'm feeling right now is different. I don't know. Pero nalulungkot ako. Siguro dahil nasasayangan ako sa kanila kaya ako nakaramdam ng ganito?
Siguro nga.
"What are you doing here?"
Muntik ko ng mahulog ang picture nang magsalita si Jeron. Tumalikod ako para harapin siya pero...
HOLYMOLYYY! Mapapa sign of the cross nalang ako sa nakikita ko ngayon. OMG!
Umiiwas ako ng tingin sa kanya at akoy natataranta mga meng. Kung bakit? Dahil half naked siya ngayon!
Abs...abs...abs...abs...abs...abs....
Napalunok ako.
"Ang bastos mo ah! Magbihis ka nga!" sabi ko at tsaka tinapon ang tshirt na nakita ko sa kama niya. Ang init, naghanap ako ng papel para pamaypay buti may nakita ako.
He smirked. "Virgin eyes?"
Tiningnan ko siya ng masama. "Pervert!"
Pagdadabog ko habang palabas ng kwarto niya.
"Hey Miks!"
Napatigil ako at lumingon sa kaniya na nagtatagpo ang mga kilay.
"Are you done packing?"
"Oo tapos na. Kahapon pa. Bakit?"
"Tapos ka na? Paano naman yung akin?"
Mas lalong nagtagpo ang mga kilay ko.
"Pake ko ba sayo?"
He rolled his eyes. Ang bading ah.
"Eh di ba dapat asawa ko ang nag iimpake ng gamit ko? You know, wifey duties..." he said with a smirk.
Tumaas ang dalawang kilay ko at napa nga nga. WIFEY DUTIES DAW! Feeling ko umakyat ang dugo ko at nanatili sila sa pisngi ko. Bwisit na Teng to!
"May mga kamay ka! Mag impake ka ng gamit mo! Bwisit to" I rolled my eyes bago ko siya tuluyan tinalikuran.

BINABASA MO ANG
Oo na, Mahal Kita (JeMik)
FanfictionPure Fanfiction Jeron Teng and Mika Reyes (JeMik)