Chapter 5

844 24 1
                                    

Mika


Nakatitig ako sa mga daliri kong nakalapag sa lap ko ngayon. Hehehe. Kumikinang siya mga meng. Engaged na talaga ako. Huehuehue.

Nauna pa ang pamanhikan kesa proposal. Haha

Assumera! Engaged ka nga, fake naman. Bleh Saway ng isang isip ko. Leche ring utak eh noh may sariling isip.

Panira ng moment. Hmp.

"Youre so quiet ah. Kinakabahan ka ba?" Napalingon ako sa super duper hot kong driver. Sinundo kasi niya ako without prior notice kanina sa unit kasi daw ipapakilala daw niya ako sa sisters niya. And just a thought of it ay bumalik na naman ang kabog ng dibdib ko. Kilala ko na sila since college dahil peymus naman talaga ang Tengs. Pero meeting them personally? Feeling ko aatras na ako.

"Mababait naman siguro sila, di ba?" iiyak na ako dito. Bakit ba kasi ako ipapakilala pa? Pwede namang hi hello lang pero a lunch with them? Okay ka lang Jeron Teng?

He smirked. "More like, nakakatakot ba sila."

Lumaki naman ng di masyado ang nagttwinkle ko na eyes. Seryoso ba siya?

"T-talaga? Uuuuhm... b-baba mo muna ako dyan sa kanto. May l-lakad pa pala ako." Aatras nalang ako, as in haler?? Nakakatakot sila. Baka bugahan nila ako ng apoy kapag nakita nila ako. Oh no. Naiimagine ko na ang scenes na mangyayari mamaya. Ayokong maging target ng mapanghusga nilang mga mata.

"Sorry but were already here." He said confidently and excited? Excited siyang matusta ako ng mga kapatid niya? Huhuhu. Di ko napansing nakababa na siya at pinagbuksan na ako ng pintuan ng kotse.

Okay. Gentleman. Hmm.

Pero waaaaaahh! Ayoko! Feeling ko may glue na nakadikit sa pwet ko. Kainin nalang ako ng lupa now na please!

He offered his hand. "Mika, tara na. Ayaw pa naman nilang pinaghihintay sila." Mainipin din pala sila? Nakakatakot ngaaaaa. Maldita pala ang Teng Sisters? Nakuuuu. Ayoko na talaga.

"Pwede namang umatras di ba?" I pleaded him. "Sige na Jeron, sabihin mo nalang na nagka emergency.."

"At ano namang excuse ang sasabihin ko? " he looked at me quizzically.

"sabihin mo nagka LBM ako kaninang umaga at hindi ko kayang umalis ng bahay." Natawa naman siya. Bwisit to, palibhasa kasi mga kapatid niya yang andyan sa loob.

"We don't have much time for your childish acts, Mika. So please? Tara na."

Pumikit ako. Waaa! Bahala na!

Nasa tapat na kami ng gate at nagdoorbell. Sabi sa akin ni Jeron ay kay Almira daw itong bahay. Gusto nilang mag lunch kami together at napili nila na dito nalang sa bahay kasi mas makakaluto ng mas maraming cuisines si Almira since kinarer na daw nito ang pagkahilig sa luto.

Kinakabahan na ako dito pero itong kasama ko nakangisi lang. Punyemas talaga! Nang aasar na naman eh. Not this time Jeron! Wala ako sa mood para patulan yang pang aasar mo.

All of a sudden, he held my hand. Ayan na naman ang bolta boltaheng kuryenteng dumadaloy sa mga kaloob looban ko. Hinampas ko ang kamay niya.

"No-"

"No body contacts. Rule no. 21." He continued.

"alam mo naman pala! Kaya kung pwede bitiwan mo ko." Nagpupumiglas ang kamay ko pero ayaw talagang bitawan.

"The effectivity of our agreement is after the wedding. So, since di pa tayo kasal, I can do a thing like this, just to comfort a friend right now." He said that like I misinterpreted his action.

Oo na, Mahal Kita (JeMik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon