Chapter 20

759 31 9
                                    


Jeron


"Bro, yung bahay na pinapatrabaho mo sa akin, okay na. Kung gusto niyong lumipat ngayon, pwedeng pwede na" sabi agad ni Gab sa akin nang makapasok siya sa opisina ko.

"Na transfer na ba sa pangalan ni Mika?"

"Yes..." masayang sabi niya at napaupo pa sa upuan na katapat lang ng table ko.

"How about yung share sa kompanya?"

"All fixed. Alam mo, di ko alam kung bakit atat na atat ka diyan, mamamatay ka na ba?"

"Gago!"

"At tsaka seryoso ka na talaga ah, kasi may share na talaga ang mag ina mo sa kompanya... iba talaga ang kamandag ng isang Mika Reyes"

Napailing iling nalang ako. "I just have to do this. Gusto kong may maibahagi ako kay Mika, malay mo kung anong mangyari sa amin sa future. I want them secured."

Tumango tango naman siya. "Siya nga pala, kumusta na ang Bimby? Nag usap na ba sila ni Ara?"

"Sinabihan ko lang yun last week na wag muna guluhin si Ara para makapag isip isip naman. Ewan ko lang kung nakinig yun"

Napansin ko namang may gusto siyang sabihin pero hindi lang niya masabi, "Gusto mo bang hingin number ni Carol kay Thomas?" natatawa kong sabi. Hindi kasi ma track ni Thomas number ni Ara noon kaya kay Carol nalang hoping na may information siya about Ara. But sad to say, ayaw magsalita ni Carol.

At laking pasalamat ni Thomas sa amin ni Mika dahil nga dun sa address ni Ara na binigay ni Mika.

"Gago!"

"Gusto mo bang i-text ko ngayon si Mika? May number yun ni Carol" pang aasar ko sa kanya.

Tumayo siya, "Diyan ka na nga, dinedemonyo mo ako" tsaka siya lumabas ng opisina ko.

"Sabihan mo lang ako bro ah!" sigaw ko, making it sure na maririnig niya.

Napailing iling nalang ako. Mukhang nakahanap na kami ng babaeng magpapatino kay Gab. Mabuti naman yun para hindi na niya pinapantasyahan si Mika.

Speaking of Mika, kailangan ko nga pala makipag kita sa kanya.

Miks, where are you?

Nasa MOA.

What are you doing there? Sino kasama mo?

Ako lang. May chineck lang akong gamit for Baby Z.

Don't buy things for Baby Z unless I'm with you. Anyways, pupuntahan kita ngayon, may ipapakita ako sayo.

Ok. Ano naman yan?

It's a surprise.

.

.

.

.

.

.

.

Nasa kotse na kami ni Mika at kinukulit na niya ako kung ano daw surprise ko sa kanya. Pero siyempre bawal ko pang sabihin.

Actually, I'm open for possibilities na mangyayari sa amin ni Mika.

At kasama diyan ang paghihiwalay. From the very start naman, expected naman namin yan.

To be honest, wala naman akong problema kay Mika, hindi naman siya mahirap mahalin in fact na aappreciate ko na siya.

Oo na, Mahal Kita (JeMik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon