A/N
Short ud lang muna... Medyo busy kasi. Naisingit ko lang to. Thank you guys for reading this story :)))
Mika
"Pa, huhuhuhu... hindi po kasi. Mali yang iniisip mo... Kaibigan ko lang po siya" mangiyak ngiyak kong sabi. Kasi naman eh!
"Aereen!" napapikit ako. Alam ko pag ganyan na ang tawag ni Papa galit nag alit na talaga siya. Naririnig ko rin ang hagulhol ni Mama na katabi lang ni Papa. "Hindi pwedeng kaibigan lang kayo! Magkatabi kayong natulog! Ano sa tingin mo ang iisipin ko?! " lumalaki na ang butas ng ilong ni Papa.
Paano ko ba sila paniniwalain na wala ngang nangyari??
Sa sofa naman talaga natulog si Jeron, hindi ko nga alam na nagkatabi pala kami. Eh sa nag ssleep walk pala tong gunggong na to eh!
Palipat lipat lang ang tingin niya sa aming dalawa ni Papa. Sasabat naman sana siya kaso palaging binabara ni Papa.
Kaya ayan, kahit ubo wala akong narinig mula sa kanya.
"Papa naman!!! Ilang beses na ba akong nag explain?" Napabuntong hininga nalang ako. Wala eh ayaw makinig sa explanation ko.
Nanahimik si Papa. Si Mama naman umiiyak. Lumapit ako kay Mama at niyakap siya.
"Ma, tahan na. Naniniwala naman po kayo sa akin di ba po" hindi sumagot si Mama. Anak ng tipaklong. So, ibig sabihin di siya naniniwala?
Huhuhu.
Tumingin ako kay Jeron at nakatingin lang din siya sa akin. Bigla naman siyang tumayo at humarap kay Papa.
"With all due respect Sir and Maam.." sabi niya at yumuko pa. "I am very sorry for this mess but I want you to know that nothing really happened. Mika just helped me last night. In fact, I'm thankful for her dahil hindi niya ako pinabayaan. Kahit hassle sa kanya, tinulungan pa rin niya ako. Magandang asal ang itinuro niyo sa kanya. Kaya nagpapasalamat ako sa inyo at napalaki niyo ng tama si Mika.I'm so blessed to have a friend like her." Namula naman ako dun. Blessed daw oh, hehehe. " Well, not all parents are like that and I commend you for that." Nagkatinginan kaming lahat at nakayuko pa rin si Jeron.
Napatahimik si Papa pati na rin si Mama.
Lumapit ako kay Jeron at pinatayo siya ng maayos. "Ano bang ginagawa mo?" bulong ko sa kanya.
"I'm just doing what's right." Bulong niya sa akin.
Hindi na ako nakasagot nang binagsak ni Papa ang palad niya sa center table.
What? Akala ko humupa na ang apoy sa ulo ni Papa. Huhu hindi pa pala. I should have known that.
"Kahit anong sabihin niyo, nag sleep walk ka man o hindi. Hindi niyo mabubura sa isip namin na nakita namin kayong magkatabi sa kama!!!" tumingin si Papa sa akin. Nyeee. Takot ako. "Narinig mo ako Aereen?! Magkatabi sa kama! Nasaan na ang inaalagaan nating reputasyon? Babae ka pa naman!"
"Papa kasi..."
"Tumahimik ka!" edi tahimik.
"Hindi mo alam ang paghihirap na dinanas ng nanay mo nang ipinanganak ka, kahit lamok ayaw kitang padapuan. Sinuportahan ka namin sa paglalaro mo ng volleyball dahil alam namin yun ang magpapasaya sayo." Kumalma na si Papa pero parang naiiyak??
Oh noooo...
"Tapos eto? Matatanggap pa namin kung ipinakilala mo muna itong instik beho mong boypren!"
![](https://img.wattpad.com/cover/53770137-288-k976219.jpg)