Mika
6:55
I checked the time at five minutes nalang ay darating na ang Tengs. Kumusta naman yung kamay ko? Ang lamig!! Ganito pala pag may mamamanhikan.
Fake pamamanhikan palang to sa lagay na to ah! Paano nalang kung totoo na. Huhu. Kahit kailan hindi ko pa namemeet personally ang parents ni Jeron pero sabi sabi, ang prominente daw talaga ng pamilya nila. Lalo na ang Mama niya na napaka intimidating!
Jusko, goodluck nalang sa akin.
Nakita kong lumabas si Mama mula sa kwarto. At inayos ayos ang suot niya. Simple lang naman ang suot namin eh basta ba presentable lang.
Ngumiti si Mama sa akin pero nalungkot din, gayundin naman ako eh. Sa totoo lang ayoko pa talagang ikasal. Nasa tamang edad na naman ako pero iba kung ang taong mahal mo talaga ang pakakasalan mo. Ayokong makasal sa ganitong sitwasyon, gusto ko buo ang desisyon ng lalaking pakasalan ako hindi yung tulad nito na napilitan lang.
"Ginawa ko na ang lahat Mika. Pero... wala talaga. Desidido na ang Papa mo." Nagtatampo pa rin ako kay Papa dahil hinayaan niya ako sa sitwasyong ito. Akala ko ba walang ibang gusto ang mga magulang kundi ang kaligayahan ng anak?
Crush ko si Jeron, oo at hindi ko ipagkakaila na sumagi na sa isip ko ang pagpapakasal sa kanya. Siyempre kapag may crush kang super duper... Mag da-day dream ka talagang makasal ka sa kanya.
Pero!
He has someone right now. He is deeply inlove with her! At ayokong kunin ang kaligayahang iyon ni Jeron. It's unfair, right?
"Ginawa natin ang lahat Ma." Malungkot kong sabi.
Ilang beses ko nang pinakiusapan si Papa pero wala eh.. Ayaw patinag! Mukha na nga kaming rappers kanina sa nangyaring sagutan pero wala! Talo pa rin ako.
Gamitan ka ba naman ng mga katagang, Paano na ang reputasyon mo? Ng pamilya natin? Ito ba talaga ang gusto mo? Ang saktan kaming mga magulang mo? Ang ipahiya kami?
Kitams niyo? Pinakonsensiya pa ako kaya wala na... kusa na akong sumuko sa bangayan namin ni Papa.
Lumabas mula sa kwarto si Papa. Inaayos pa niya ang tie niya. Anak ng, di naman masyadong handa si Papa.
Timing namang may nag doorbell. Ayan na. Hoh! Kaya mo yan Mika. And sorry Jeron.
Pag bukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang isang meztisang babae na may bitbit na paper bag, infairness maganda siya. At tama nga sila napaka intimidating niya! Katabi niya ang Papa ni Jeron na may bitbit ding paper bag and I must say may pinagmanahan si Jeron sa kagwapuhan niya. At sa tangkad! Both singkit ang mga mata kaya no doubt kung bakit singkit din si Jeron. Malamang Mika noh?
"You must be Mika Reyes?" nakangiting tanong ng mama ni Jeron. Teka, wait. Alam ba nilang mamanhikan sila?
Bakit parang ang saya saya nila? Hello... may girlfriend po ang anak niyo at hindi ako ang dapat niyang pakasalan.
"G-good evening po.." bati ko at medyo yumuko ako tanda ng pag galang sa kanila. "Yes po, I'm Mika Reyes. Hali po kayo... Pasok." Tumingin ako sa labas nagbabakasakaling may pangatlong tao pang papasok pero bumagsak ang mga balikat ko nang mapansin kong wala nang sumunod pa sa Papa niya.
Hay, siguro... Ayaw niya talagang maikasal. Naiintindihan ko naman eh. Magpaplano nalang ako para di matuloy to. Hahaha.
"Naku, maraming salamat. Nag abala pa talaga kayo." Sabi ni Mama sa mama ni Jeron.
BINABASA MO ANG
Oo na, Mahal Kita (JeMik)
FanfictionPure Fanfiction Jeron Teng and Mika Reyes (JeMik)