Mika
"Resignation letter?" my boss was confused while holding a paper. Napalunok naman ako dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na magreresign ako.
"uhm. Yes, boss." Matipid kong sagot. Bumagsak naman ang dalawang balikat niya at napabuga ng hangin.
"You are one of my best employees here, Mika. You easily get along with your co workers. I cant think of a good reason for you to leave your job." He explained. Magtataka talaga siya dahil maganda naman ang naging trabaho ko dito. Sobrang close na din ako sa ka trabaho ko. Wala talaga akong problema dito. As in wala!
Pero dahil kasi malas ako, I need to give up this job! Lintik! Umuusok na naman ang ulo ko tuwing naaalala ko ang huling pag uusap namin ni Teng.
"Sir, this has been my life after college pero kasi sir, may mga bagay talagang hindi ko kontrolado ngayon. As much as I wanted to stay but... " napatigil ako dahil baka madulas pa ako. Yumuko ako. "Sorry po Sir."
Hindi muna nagsalita si boss. Malamang nalulungkot siya dahil wala na ang pinaka magandang employee niya. Charot.
"Ok. Well, I cant force you to stay. Thanks for being such a good employee to me, Mika. Maybe there's just a better opportunity for you out there. And whatever that is, I'm happy. Hope you could still go back here and if that happens, I would still accept you with wide open arms." My boss smiled. Naman! Ang drama ng boss ko. Pero kahit ang strikto nito may malambot namang puso.
Napangiti na rin ako. He offered his hand for a shake but I didn't accept it. Instead, I hugged him.
"Thank you, Sir." I broke the hug and faced him. Hindi naman awkward yung position namin kanina dahil he is like a father figure to me. Para na niya kaming mga anak dito kaya walang malisya yung yakap ko sa kanya.
Lumabas ako ng office ni boss at nakita kong nasa cubicle ko sina Ara at Carol. Tutulungan kasi nila akong buhatin ang mga gamit ko.
Nalulungkot na naman ako sa nakikita ko. Mamimiss ko ang mga kachikahan ko sa office.
"Kumusta?" tanong ni Ara habang nililigpit ang mga frames na nasa table ko.
"Ok na. Pumayag na si boss."
"So, di ka na talaga papipigil?" malungkot na sabi ni Carol na nilantakan pa ang natirang chocolate ko. Walang hiya, kakainin ko pa sana yun sa biyahe.
"Pabebe ako eh so, walang makakapigil sa akin." I tried to joke para naman mawala ang lungkot sa mga mukha nila.
Binuhat na namin ang mga gamit ko. Nagpaalam na rin ang mga iba ko pang ka trabaho. Mamimiss daw nila ang ganda ko. Naku naman!! Magpapalam na nga lang, binobola pa ako.
Nang makarating kami sa high way para mag abang ng taxi ay bigla naman akong hinampas ni Ara.
"Bwisit ka! Di kami na orient sa resignation mo" mangiyak ngiyak na sabi ni Ara. Hinampas din naman ako ni Carol. Anak ng! Sakit ah.
"Abnormal ka! Bakit ka ba kasi aalis? Malaki naman sweldo natin dito ah? Hindi naman masyadong pressure kasi ang bait naman ng boss natin kahit medyo strikto."
I breathed heavily kaya nahawa din sila sa akin. Hay! Kung pwede ko lang sabihin sa kanila. But I chose to keep this as a secret. Tsaka ko na sasabihin sa kanila kung okay na ang sitwasyon. Sa ngayon, tanging si Gab palang ang nakakalam kasi nga siya ang katulong ni Jeron sa mga papeles namin.
"Sabi ko naman, hahanap lang ako ng opportunity sa Amerika. Baka swertehin. Di ba?" pagtatrabaho sa Amerika ang naging excuse ko sa kanila. Hindi naman sila magtataka dahil lahat naman kami walang ibang gusto kundi ang magkaroon ng mas maayos at mas magandang buhay.

BINABASA MO ANG
Oo na, Mahal Kita (JeMik)
FanfictionPure Fanfiction Jeron Teng and Mika Reyes (JeMik)