Mika
"OMG! Sorry girls but I can't cook anymore... sobrang napagod ang beautiful hands ko, padeliver nalang tayo" Almira said habang nakagapang sa sofa. Kakalipat lang namin at gaya ng sabi ni Carol ay walang Thomas at Gab na andito. Dahil may meeting si Jeron, wala din siya dito. Girl power talaga ang peg namin!
"Oh sige na bes, teka lang at matawagan ang Jollibee" Carol said and went straight to the telephone at doon chumika nang chumika. Hindi ko lang alam ano inorder niya.
Nahihiya na tuloy ako sa kanila dahil pagod na pagod talaga sila. Si Ara nakatihaya sa carpet at nakapikit. Wala na talagang pakialam ang bruha sa poise niya. Si Achi Alyssa naman eh minamasahe ang sarili.
"Achi, ako na." pagprisinta ko kay Achi. "Pasensya po at napagod ka" I said to her but she just rolled her eyes and laughed a bit.
"Mika naman, we care for you... gusto ngang sumama ni mama at papa para tumulong eh buti at napigilan ni Mira"
Nagulat naman ako dun, "Talaga?"
She nodded her head, "Oo naman. Ayaw nilang mapagod ka lalo na't buntis ka. Alam mo namang mahal na mahal ka ng mga yun."
Napangiti naman ako dun. Sobrang lapit na talaga ng loob ko sa mga Teng. Sa napapansin ko nga mas mahal pa nila ako kaysa kay Jeron. Hahaha!
Kumusta na kaya si Jeron? Bukas pa kasi uuwi yun eh. Pinilit nga niya ako na bukas na maglipat para makatulong siya pero nauna ko na kasing hingin ang tulong ng mga kasama ko at di na pwedeng mapostponed.
"Salamat Achi ah." I was really overwhelmed kaya yun nalang ang nasabi ko.
"Miks, ang pamilya nagdadamayan kaya ano ka ba, okay lang." she said while smiling. Napangiti na din ako.
"Okay na mga bes! 10 minutes lang ay parating na ang delivery. Inorder ko na lahat ng nasa menu nila. Beastmode tayo ngayon kaya walang diet diet!" natawa naman ako kay Carol, halata talagang gutom na gutom.
Pumunta muna ako ng kitchen area namin at kumuha ng gatas at prutas... Gutom na rin ako at papatulan ko talaga ang Jollibee mamaya.
Baby Z, ngayon lang talaga. Intindihin mo muna si Mommy ah? Hehe.
Bumalik ako sa sala at inihain ang gatas at prutas. Ito lang muna ang maiooffer ko sa kanila.
"Pagtiyagaan niyo muna to oh habang hinihintay ang order" sabi ko sa kanila. Nakita ko si Ara na bumangon pero balik naman sa pagka higa.
"Bawal kainin ang pagkain ng buntis, aantukin ka" Ara said.
"weh?" sabay na sabay naming sabi.
"Oo nga. Narinig ko na yun sa probinsiya namin" dahil sa sinabi ni Ara ay nawalan tuloy ng gana ang mga bruha.
"No worries Miks, I can wait naman eh. And besides I have a photoshoot later" Mira said politely. If I know takot lang din tong si Mira antukin. Ayaw nila nun? Matutulog lang sila buong araw.
"Okay lang bes, kaya pa naman ng sikmura ko" Isa pa tong si Carol.
"Sige na Miks, kainin mo na yan. Wag ka nang mag alala sa amin" Achi said. Mukhang wala naman silang planong kainin tong inoffer ko sa kanila. Bahala sila basta kakain na ako. Umiiyak na sa loob si Baby Z. Gusto na daw niya ng strawberry!
A few minutes have passed at dumating na rin ang pinadeliver namin. Kanya kanya naman ang lahat ng kain at walang kibuan. Ang tahimik namin, halata talagang gutom.
"By the way Miks, may nakita akong brown envelope sa gamit ni Jeron. Nilagay ko dun sa side table ng room niyo. Di ko naman binuksan pero I assumed na importante" Achi reminded me.
BINABASA MO ANG
Oo na, Mahal Kita (JeMik)
Hayran KurguPure Fanfiction Jeron Teng and Mika Reyes (JeMik)