Chapter 16

1K 51 15
                                    

Mika



"Ate... uhm..." nagtataka naman itong pharmacy assistant na kaharap ko. Ako naman eh tumingin muna sa magkabilang sides bago nagsalita. "PT." finally nasabi ko rin.

"Ano po yun?" tanong ng babae. Ugh!!! Ate!! Maganda ka sana kaso bingi! Uulitin ko ba?? Kainis naman!!

"PT po." Sabi ko na nakatingin sa both sides ko. May mga customers naman pero di masyadong marami. Nakapwesto nga lang ako dito sa sulok para di nila maririnig ang bibilhin ko.

Maaga akong nagising ngayon, ay hindi scratch that.... Hindi talaga ako nakatulog kakaisip sa nalaman ko kagabi. Hindi talaga!!

Kaya naman ngayon, gusto kong makasiguro. Waaahh!! Sana naman false alarm lang to! Hindi pa ako ready eh!! Lord naman... Alam niyo naman po ang sitwasyon... huhuhu

"ilan?"

"uhm.. tatlo po, ate." May hand gesture pa ako. Naninigurado na ako noh kaya tatlo!

Ngumiti siya at umalis kaya naman nakahinga ako ng maluwag... Napapa sign of the cross naman ako. Kinakabahan ako sobra.

"hija, mukhang di ka okay sa pagbubuntis mo" mas lalong tumalon ang puso ko nang biglang may nagsalita sa tabi ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib.

"p-po?" naku naman tong si lola oo. Nakakagulat.

"Kumain ka ng maraming prutas at tsaka wag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Masama sa bata yan." She said while looking at me.

Kumunot naman ang noo ko. Masama sa bata? Napahawak ako sa puson ko. Hala. Manghuhula ba si lola? Naku naman, sana nagpapanggap lang.

"Ah-eh... lola, hindi ko po kayo maintindihan."

Sakto naman nabigay na ng babae ang binili ko kaya nagpaalam na ako kay lola at dali dali naglakad. Jusko, ano yun?? Matanda na si lola para mag joke ano. Huhuhuhu

Sige na sige na, I have to go home na para malaman ko na ang totoo!

Naglalakad ako ng mabilis nang biglang may bumusinang kotse

ANAK NG!

Kanina pa ako ginugulat ah! Ano bang problema ng kotseng to!

Napatingin ako sa kotse ng masama. Huminto kasi at biglang nag down ang bintana.

"Jeron?!"

"oh? Mukha ka atang nakakita ng multo??" sabi ng intsik kong asawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natataranta tuloy ako. Pati yung puson ko parang may pumipitik!

Kung meron mang laman to, baby naman! Wag kang masyadong masaya dahil nakita mo na daddy mo.

Huhuhu.

Napansin ko siyang lumabas ng kotse at agad lumapit sa akin. "are you okay?"

Napatingin ako sa kanya na naguguluhan, "im okay." Napansin ko siyang tumingin sa kamay ko. Ay pucha! Yung binili ko!!

Agad ko naman tinago sa likod ko at tinulak na siya papasok ng kotse, ako naman ay pumasok na rin.

"Anong binili mo dun sa pharmacy?"

"Ha?? Uhm.. Of course Jeron, tinatanong pa ba yan? Ano ba meron dun? Siyempre gamot."

"Nagtatanong lang, galit agad."

Ay ano ba yan. Ang gulo gulo mo Mika. Eh kasi naman eh!

"parang di mo naman ako namiss.." napatingin nalang siya ng diretso at inayos ang kanyang seatbelt.

Oo na, Mahal Kita (JeMik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon