Mika
Pabalik balik ako ng lakad dito sa kitchen.
ANO NANGYARE SA HONGKONG????
ANOOOO!!!
HUHUHUHUHU
Kahapon pa kami nakauwi dito sa Ilocos. Mayaman si Jeron kaya naka private plane kami. Sosyal!
Pero the whole time na andun kami ay walang imik, ubo, o kahit ano na narinig ko!
Tahimik lang. Sino ba ang dadaldal kung ganun nga ang nangyare?? Huhuhuhu... Alam ko namang di to bago kay Jeron. Lalaki siya kaya malamang di niya yun una, pero ako? Ako na inosente sa mga ganung bagay eh nasubukan ko nang ganun lang kadali? Ni hindi ko nga naalala paano namin nagawa huhuhu ang unfair naman!
Tumahimik ka Mika! Last time na nag ilusyon ka, naging totoo kaya tumahimik ka nalang!
HUHUHU
MAMA SORRY...
PAPA SORRY...
Umupo na ako at tiningnan ko na ulit ang pagkain na nasa harapan ko. Durog na durog na siya mga beh, at ngayon ko lang naramdaman na mag isa na naman ako sa hawla ko. Umalis na si Jeron kahapon, right after na nakalanding ang plane, kulang nalang nga ihulog niya ako sa bilis ng pag alis niya. Ni hindi man lang siya nag hello sa villa niya, sa akin nga din... Pero halerrr I cant say bye to him, ang awkward awkward awkward 1000x ng nangyari!!!!
Huhuhu buti nga at umalis siya at hindi kami magkikita ng one week! Sana lang talaga hindi siya uuwi this weekend.
UGGGHHH!!!! Hindi ko pa rin maiwasan di maalala ang scene namin nung umaga!
Nabulabog lang ang pag iisip ko nang may dalawang boses akong narinig, nag aaway sila. Hmmm? Sino sila? Bukas naman uwi nila Manang ah, bakit may tao?
Oo, alone lang ako. Loko yung si Jeron, tinotoo talagang itago ako sa bullies. Ginawa naman akong bida ng cast away. Makahanap nga ng soccer ball at kakausapin ko.
"Argh! Youre the one at fault. Look na my dress!"
"It's not my fault noh, kumakain lang ako. Gumalaw ka kasi kaya ayan, tumilapon tuloy yung kinain ko!"
Bago pa ako mabingi sa mga bunganga nila ay binuksan ko na ang pinto.
Sumalubong sa akin ang dalawang matatangkad na babae, akalain niyong may tatangkad pa sa akin na taga dito?
Magaganda din sila. Kaso yung isa, nadumihan ng chocolate ang damit. Ito siguro ang dahilan ng away nila kanina.
Natigilan silang dalawa at napangiti sa akin.
O-owkay? Intruders? But, ang anghel naman ng mga mukha nila para maging magnanakaw.
I slowly stepped back para sana abutin ang cellphone ko at tumawag ng emergency. In case lang naman! Looks can be deceiving, ika nga nila.
"Ah by the way, don't be scared... My name is Liz and this is Lessi" tinuro niya ang isang kasama niya.
"unfortunately, she's my sister." Malungkot na sabi ni Lessi kaya nahampas siya ni Liz.
"uhm? How can I help you?? May hinahanap ba kayo?" tanong ko sa kanila. Mukha kasing magbabakasyon sila in one of the resorts here kasi malalaki ang bags na dala nila.
"uhm... you must be Mika Teng?" napanga nga ako ng konti. Di pa kasi ako sanay sa ganyang tawag. Pero duh Mika, masanay ka na... 2 years kang isang Teng.
BINABASA MO ANG
Oo na, Mahal Kita (JeMik)
FanfictionPure Fanfiction Jeron Teng and Mika Reyes (JeMik)
