Mika
"Hello, Ma?'
"Mika anak, kumusta?"
"Okay lang po. Kayo po?"
"Okay lang din."
"Napatawag po kayo?"
"Hmm. Plano lang sana namin ng Papa mong bisitahin ka"
"Asuuus, namimiss na pala ako ng nanay at tatay ko. I miss you too po!"
"Teka, may sinabi ba akong namimiss ka na namin? Sa pagkaka alam ko, bibisita lang kami."
"Mama naman eh. Sige na, baba ko nato. Di mo naman pala ako miss."
"Hahaha. Tampororot agad. Oo na, miss na miss ka na namin lalo nan g Papa mo... Gustong gusto ka na niyang makita.."
"Miss ko na rin po siya. Eh kailan po kayo bibisita?"
"Bukas na. Di na maka intay ng next week itong tatay mo."
"Yay! That's okay po. Wala din namang trabaho bukas."
"Oh siya, sige na baba ko na to. Mag ingat ka dyan anak ah? Alagaan mong sarili mo. Mahal na mahal ka namin."
"I love you too Ma... sige po. Bye!"
Nakatitig lang ako sa phone ko pagkatapos kausapin ang nanay ko. Huhuhu. Miss na miss ko na sila. Minsan lang kasi makabisita ang mga yun dahil busy din sa resort namin sa Bulacan.
Hayy. Pero di bale makikita ko na rin sila bukas.
Can't wait for tomorrow.
.
.
.
.
"Miks, nag aya si Thomas... Hang out daw tayo sa bar niya mamaya."
Napatingin ako kay Ara na lumapit pa sa cubicle ko. Napa isip ako sa sinabi niya at naalala ang nangyari kagabi. Ang pagkikita namin ni Jeron unexpectedly.
Hay! Bakit ganun... namamansin naman siya pero walang ka spark spark. Hi hello lang ang peg namin kagabi.
Ang ikinapagtataka ko ay bakit ako affected sa treatment niya sa akin? Huhu hanggang friend lang ba talaga ang tingin niya sa akin?
Hay, na friendzone ka nga niya so hanggang friends lang talaga.
But that was our college days... Wala man lang nagbago sa feelings niya??
Hay nako Mika! Umasa ka pa eh mas lalong gumwapo ang mokong na yun! Siguro ang gf nun, di rin basta basta.
Hayyy.
"Busy ako. Maghahanda pa ako mamaya, bibisita sina Mama bukas eh..." pagdadahilan ko. Gusto ko din sumama eh para makita si Jeron. Hehehe. Wala lang gusto ko lang siya makita. Palag? Pero... kailangan ko pang maglinis ng unit ko, kilala ko si Mama, OC yun eh.
Sobra sobra sa OC!
As in!
"Bukas pa naman bibisita eh, sige na Miks..." niyuyugyog pa niya ang braso ko kaya pati buong katawan ko nayugyog na rin.
"Sabi ko naman, maghahanda pa ako, alam mo naman si Mama gustong malinis lagi ang tinitirhan ko." Hinampas ko ang kamay niya para tumigil sa ginagawa. "Si Carol nalang isama mo, gustong bumalik dun eh." Dagdag ko.
"Hay! Outdated ka talaga! Best buddies na sila ni Gab. In just a short span of time, ganito na sila ka close" itinaas niya ang kamay niya at sabay pinagdikit ang dalawang daliri niya.

BINABASA MO ANG
Oo na, Mahal Kita (JeMik)
FanfictionPure Fanfiction Jeron Teng and Mika Reyes (JeMik)