Chapter 1

1.3K 27 1
                                    

Mika


"Hoy, ano yang pinag uusapan niyo? Mind to share?" sita ko sa dalawang nagbubulungan ngayon.

Nakita kong nagkukumpulan ang officemates ko na sina Ara at Carol. Mukhang may pinag uusapan, medyo malayo kasi ang cubicle nila sa cubicle ko.

Tumingin muna sila sa paligid bago lumapit sa akin.

"Sama ka mamaya, may i-memeet na textmate si Ara." Bulong ni Carol sa akin.

Tumingin ako kay Ara at napatango siya.

"Pang ilang textmate na ba yan Ara?" taas kilay kong tanong sa kanya.

Sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang textmates na ang na meet nito. Mahilig kaya sa cellphone, desperadang makahanap ng forever niya.

"Hindi! Promise Miks, seryoso nato." Napayakap si Ara sa sarili niya. "Nararamdaman kong siya na talaga ang forever na hinahanap ko." Napangiwi naman kami ni Carol sa itchura ni Ara. Nagttwinkle kasi ang mga mata.

"Sus, ganyan din sabi mo nung kay Paolo, eh anong nangyari? Inindian ka lang. Sabi ko naman sayo, walang nagseseryoso diyan sa text text na yan!"

Tiningnan naman ako ni Ara ng masama.

"alam mo ikaw, nagdududa na tuloy ako kung kaibigan ba talaga kita."

Napatawa naman kami ni Carol.

"Ganyan naman ang kaibigan ah, ginigising lang kita sa kahibangan mo."

"Pag etong textmate ko, seryoso... i-cha chat mo na si Jeron sa facebook."

I smirked on that. Malabo namang seryoso yan. "Deal." Sabi ko sa kanya. "Sige, sama ako sa inyo mamaya."

"Patay ka girl kung seryoso, consistent caller yan ni Ara every night eh... 90% na nga akong convince na seryoso yan."

Kinabahan tuloy ako. Hindi pwedeng matalo ako sa deal. Ayokong ma chat ang mokong na yun. Huhu. Naka move on na nga ako sa pag basted niya sa akin noon eh.

Super duper ultimate crush ko siya pero di ko na mapigilan ng mga araw na yun ang nararamdaman ko kaya napa amin ako sa kanya. At na friendzoned ang lola niyo.

Kalungkot di ba?

Pero hindi, think positive Miks. Walang forever sa text text na yan.

"di yan. Di seryoso yan." Sagot ko nalang kay Carol at nagkibit balikat siya.

Sana nga di seryoso...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Kanina pa kami naka upo sa counter ng isang bar, naku naman itong si Victonara at dito pa talaga napiling makipag kita. Kaloka!

Kaya pala ang lalaki ng bags kanina, nagbaon na pala ng mga damit ang mga bruha. At pinlano na pala nila ang araw na to, kaya pati ako nabaonan nila ng damit. Buti at nagkasya sa akin ang damit ni Carol.

Mag iisang oras na kaming naghihintay at nagsisimula nang mag ingay ang bar.

Ugh. I hate these places pa naman. Maingay kasi at tsaka whenever im here I feel like im surrounded by evil people.

Oo na, Mahal Kita (JeMik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon