[1] The New or Still the Old Jack Frost?

280K 9K 3.6K
                                        


"Summer Pascua, you had me waiting for more than an hour."

Halata ang pagkainis at disappointment sa boses niya. Tiningnan kong maigi ang mukha niya at halata ko sa itsura niya na tila wala pa siyang tulog at pahinga.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon ngayong dumating na ang pinakahihintay kong pagkakataon sa loob ng walong taon. Ang makausap at makaharap siyang muli.

Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ako makapaniwala na narito na talaga siya sa harapan ko. Ang tagal kong hinintay 'to pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Imbes na saya at galak ngayong nasa harapan ko na siya ang maramdaman ko, mas nangingibabaw ang sakit. Nasasaktan akong makita siyang muli na ganito...na tila balewala lang na nagkita kaming muli.

Sa itsura niya ay wala manlang bakas na natutuwa siya na nakita niya akong ulit matapos ang napakahabang panahon na iyon. Habang ako ay heto, napakalaki ng epekto na makita siya pagkatapos ng walong taon. Talaga bang ako na lang ang naghihintay at siyang nanatiling nagmamahal sa aming dalawa?

Nagpakawala ako ng pilit na ngiti. Ayokong iparamdam at ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Ano nga naman bang karapatan kong masaktan gayong ako naman ang nagtaboy sa kanya walong taon na ang nakalilipas? I should pay the price. Pero hindi ba't napakamahal naman ata ng presyo na dapat kong pagbayaran? I've been living with this regret for 8 years now.

Kumuha ako ng lakas ng loob at saka nagsimulang humakbang palabas ng elevator. Gumilid naman siya upang hindi makaharang sa dinaraanan ko. Pagkalabas ko ng elevator ay binitawan na niya ang button na pindut-pindot niya upang pigilan ang pagsara nito.

Nang tuluyan nang magsara ang elevator ay muli ko siyang tiningnan. Nakatitig lang siya sa akin at tila hinihintay akong magsalita. Ang awkward. Hindi ko inakalang darating kami sa ganitong punto.

Pilit akong umubo at binigyan ulit siya ng pekeng ngiti. "Wow, it's been a while." Pagbasag ko sa katahimikan.

He stared at me for few seconds before taking a deep breath. "Yeah. Like 6 years?" Tila hindi interesadong sagot niya.

I felt a sharp pain in my chest pagkarinig ng sagot niya. It's confirmed then. Ako na lang pala talaga ang naghihintay at umaasa. Ako lang pala ang nagbibilang kung ilang taon na simula nang huli ko siyang makita at makausap. Ako na lang.

"8 years." Mapait na pagtatama ko sa kanya. 8 years. 8 years kitang hinintay, Jack.

"Oh, it's been 8 years already? Time flies really fast, huh?"

"Indeed, and seeing you today after 8 years feels like it was only yesterday." Pag-amin ko sa kanya.

Mabilis niyang iniwasan ang tingin ko pagkasagot ko nuon sa kanya. Mukhang gusto niyang iwasan na mapag-usapan namin ang nakaraan.

Saglit siyang tumingin sa relos niya at kaagad na napakunot ang noo niya nang tila may naalala siyang dapat niya palang gawin.

"Oh crap. I'm late." Bulong niya.

"Uh, may kailangan ka bang puntahan?"

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin at matagal akong tinitigan na animo ay pinag-iisipan niya kung anong gagawin sa akin. Mukhang napakabusy na niyang tao ngayon at kailangang dapat lahat ng appointments niya ay on-time.

"Okay lang kung kailangan mo nang umalis. It was nice bumping into you here." Plastik na paalam ko.

Sarcastic siyang natawa sa sinabi ko. "Bumping into? I think you didn't hear me earlier."

Nang sabihin niya iyon ay doon lang unti-unting nagsink-in sa akin ang sinabi niya kanina. He said I had him waiting for more than an hour. Ibigsabihin, sa kanya ako may appointment. Ibigsabihin, ako ang dahilan kung bakit late na siya sa next appointment niya. At higit sa lahat, ibigsabihin, siya ang nangangailangan ng private nurse?!

BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon