[18] I'd Come for You

26.1K 1.2K 528
                                        

It has been a week simula nang magwalk out ako sa condo ni Storm. It has been a week na rin na hindi ako lumalabas ng bahay at hindi pumapasok sa trabaho. Patuloy pa rin si Storm sa pagtawag sa akin at pagpunta sa bahay pero never ko siyang hinarap. I don't really want to see him right now. Sa tagal namin naging magkaibigan, I have never been disappointed to him. Ngayon lang.

Wala naman akong narinig na kahit ano mula kay Jack. He never contacted me ever since that incident. Kahit na hindi na ako pumapasok ng isang linggo, he didn't bother to check up on me. It's not like I am expecting him to. I don't care if hindi siya nagrereach out. I don't care. I should not care. Ugh. Who am I kidding?

Napatingin ako sa may pintuan ng silid ko nang may marahang kumatok roon.

"Summer?" si Mama. "May bisita ka."

I let out a deep breath bago sumagot. "Ma, kung si Storm po ulit iyan, sinabi ko na po na ayaw ko muna siyang maka-usap."

Bumukas ang pinto at sumilip si Mama. "Eleanor daw ang pangalan niya." Bungad ni Mama.

Kumalabog ang dibdib ko. What is she doing here?

"Alright. Give me a minute." Sagot ko.

Ngumiti naman si Mama sa akin bago isinara ang pinto. Mabilis akong nagpunta sa banyo at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ghad, I look wasted! Mabilis akong naghilamos at nag-apply ng skin care product. Sinuklay ko rin ang buhok ko at nagmamadaling pumunta sa cabinet ko upang mamili ng dapat isuot. Kumuha ako ng ibang damit at tinignan kung anong mas magandang isuot sa mga napili ko.

Teka. Natigilan ako. Ano ba itong ginagawa ko?

I rolled my eyes at binitiwan ang mga damit na pinagpipilian ko. Umiiling akong tumungo sa pintuan at lumabas ng silid ko. Am I being insecure? This is not so me.

Minabuti kong harapin si Eleanor na nakapajama lang. Ayokong isipin niya na na-iinsecure ako sa kanya para magpaganda sa harapan niya.

Nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko na kaagad siya. Marahan niyang iniinom ang kape na mukhang inalok nila Mama sa kanya. She looks so elegant sa napakasimple naming sala. Sa paraan ng pananamit niya ay halos manliit na agad ako at gustong bumalik sa kwarto ko para kunin ang pinakamaganda kong damit.

"Summer," nakangiting tawag niya sa pangalan ko pagkarating ko sa sala.

"Eleanor, anong ginagawa mo rito?" mahinahon at maayos na tanong ko.

Inilapag niya ang tasa sa lamesa at umupo ng maayos. Naupo ako sa harapan niya at tiningnan siya ng seryoso.

"I heard you haven't been going to work." Panimula niya.

Nandito ba siya dahil nag-aalala siya sa akin? I don't think so.

"If it's not obvious, I am resigning." Malamig na sagot ko.

"It's okay if you want to leave. But at least give us a reason why."

Napabuntong hininga ako. Hindi naman siya ang boss ko, hindi ba?

"I think Jack knows why I am leaving. Do I seriously still need to file a resignation letter?"

Naging seryoso na ang mukha niya. Hindi ko sinasadyang masungitan siya. I am hurting. I can't pretend that I am okay and act like there's nothing wrong.

Bumuntong hining siya. "Daryl is sick."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"I only found out yesterday that he hasn't been going to work. When I visited him to the mansion, I found out from Morgan that he hasn't left his room for a week now."

BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon