Minor scratch lang naman ang nakuha ko pero limang doctor ang nakapalibot sa akin. Idagdag mo pa si Storm na mukhang nagagamit ngayon ang napag-aralan namin nang kinuha niya rin ang kursong nursing para lang makasama ako hanggang college. I swear, he's going to be the best nurse sa sobrang caring niya. Halos wala na ngang magawa ang mga nurse na natatarantang pumunta ng emergency room dahil dito kay Jack na hanggang ngayon ay cursing machine pa rin.
Speaking of Jack, pasimple ko siyang sinilip. Nakatayo siya medyo malayo sa hospital bed kung saan ako nakahiga at napapalibutan ng mga doctor at nurse. Hindi siya tumitingin sa akin at nakatingin lang siya sa puting pader ng hospital. The disgust in his face was too obvious, and I don't think he's even trying to hide it. He still loathe the hospital.
Tiningnan ko si Storm nang tuluyan na siyang matapos sa paglalagay ng bandage sa braso ko. He did not say any word from the moment Jack carried me outside 'til he finally put me on this hospital bed. Tahimik lang niyang inagaw sa nurse yung kit at sinabing "Let me do it." At saka ako inasikaso.
Nagulat ako nang hawakan ni Storm ang kamay ko habang nakaupo sa kamang inuupuan ko rin. Mainit ang mga kamay niya at pakiramdam ko ay umabot ang init nito hanggang sa mukha ko dahil nag-iinit na rin bigla ang pisngi ko. Sanay na akong parati niyang hinahawakan ang kamay ko, pero iba ang sitwasyon ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba nasa iisang kwarto lang kami ni Jack at nahihiya akong makita niya na hawak-hawak ng bestfriend niya ang kamay ko. Or should I say ex-bestfriend? They're more like strangers now.
"Sabihin mo lang sa akin kung may iba pang masakit sa'yo, you know how good I am at eliminating pain." Ika ni Storm.
Mabilis akong tumingin kay Jack dahil alam kong maririnig niya iyon. I don't want him to get the wrong idea. Ayokong isipin niyang there's something between Storm and I. I really hate the way I'm thinking right now, and good thing that Storm couldn't read minds otherwise baka kinamuhian na niya ako ngayon katulad ng pagkamuhi ko sa sarili ko.
Nagsalubong kaagad ang tingin naming dalawa ni Jack nang tingnan ko siya. Kunot noong bumaba ang tingin niya sa kamay kong hawak-hawak ni Storm. I really wish na nagseselos siya ngayon...that he feels something wrong too whenever I'm with Storm, katulad nang nararamdaman ko kapag magkasama sila ni Eleanor.
Tiningnan ko rin si Eleanor na nakaupo sa mahabang sofa. Nakacrossed arms siya at crossed legs habang kunot noong nakatingin sa sahig. Tahimik lang din siya simula kanina pagkatapos siyang sagutin ni Jack. Kung tutuusin ay dalawang beses ko palang nadadala si Jack sa hospital. Sa loob ng walong taon ay ilang beses kong binalikan sa aala-ala ko ang una naming pagkikita. Kung gaano ako kadisgusted sa kanya noon sa pagiging cursing machine niya. I never thought na darating pala ako sa point kung saan mas gugustuhin kong marinig siyang nagmumura kasi alam kong siya pa rin ito...siya pa rin si Jack na minahal ko. Minahal... ni hindi ko manlang nasabi sa kanya ang salitang mahal kita. Walong taon akong naghintay pero ngayong nasa harapan ko na siya ay hindi ko pa rin masabi-sabi.
"I want some privacy with Summer."
Napatingin muli ako kay Jack nang sabihin niya ang mga iyon. Awkward na nagkatinginan ang mga doctor at humigpit ang kapit ni Storm sa akin.
Tiningnan ko si Jack at nakatingin lang siya kay Storm na tila ba kay Storm niya mismo ipinaparating ang mensahe niya. Nilipat ko ang tingin ko kay Storm.
Bakas sa mukha niya ang pagtutol pero mukhang halata sa mukha ko na gusto ko ang ideya ni Jack.
Ibinalik niya ang tingin niya kay Jack. "Ten minutes. I give you ten minutes." Saad niya. Huminga muna siya ng malalim at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko bago unti-unting tumayo at tuluyan na akong binitawan.
Nakabulsa ang mga kamay niyang lumabas ng silid nang hindi tumitingin kay Jack. Mabilis namang sumunod ang mga doctor at nurse habang si Eleanor ay nanatiling nakaupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROST
RomanceWill Summer Pascua still consider Jack Frost nothing but a nuisance now that their paths have crossed again after 8 years? (BOOK 2 OF BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST)