[8] The Only Exception

106K 4.8K 1.9K
                                    

[ S U M M E R]

Dinilat ko ang mga mata ko nang masinagan ito ng liwanag mula sa bintana ng kwarto ko. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Hindi ko magawang makatulog dahil sa naging pag-uusap namin ni Jack kagabi.

Hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang sabihin sa akin. Ayokong i-assume na mahal niya pa rin ako matapos ang pag-uusap namin kagabi. Pero gusto kong panghawakan ang mga salitang iyon, kahit gaano pa kaliit na bagay ay panghahawakan ko. Gusto ko pa ring paniwalaan na hindi pa tapos ang saming dalawa.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Bumangon ako at binuksan ang pinto at nagulat ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Storm.

"Rise and shine, Summer!" Puno ng energy na bati niya.

"Anong ginagawa mo dito? Napaka-aga mo naman atang bumisita?"

Mabilis na kumunot ang noo niya. "It's 2:30 in the afternoon, Summer. Anong sinasabi mong maaga pa?"

"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ko at tumingin sa wrist watch ko. Mabilis na pumasok sa isip ko si Jack. "Late na 'ko!" Sigaw ko at nagmamadaling kinuha ang twalyang nakasabit sa aparador ko at saka dumiretso sa banyo.

"Sabado ngayon, Summer. What the hell are you talking about?!" Sigaw ni Storm sa labas.

Crap. Napahawak ako sa noo ko. It's saturday. May day off nga pala ako. How I wish wala na lang. Gayunpaman ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagligo. Paglabas ko ng banyo ng kwarto ko ay nakabihis na ako at si Storm naman ay nakaupo sa kama ko at matyagang naghihintay.

"Ano palang ginagawa mo dito ngayong sabado? Wala naman tayong plano, hindi ba?"

"You're offending me. Porket ba nakakasama mo na ngayon si Jack ay hindi mo na ako kailangan at ayaw mo nang makasama?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "It's not what I mean--"

"I'm just kidding! Masyado kang guilty!" Mabilis na bawi niya at saka tumawa.

Hindi ako nakitawa. I know he's serious, and I start to hate myself for treating him this way.

"So anong plano natin? May pupuntahan ba tayo kaya ka nandito?" Gusto kong ibahin ang usapan.

"Yup! Nagsisimula na silang ayusin ang gusali ng hospital na pinapagawa ko. And nandito ako para samahan kang asikasuhin ang papers mo sa previous hospital na pinagtrabahuan mo."

Matagal na nagprocess sa utak ko ang sinabi niya. "A-ano kamo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Remember when I told you na magpapatayo ako ng hospital para sa'yo, Summer? I'm dead serious about it. Do you really think hahayaan kita na magstay ng matagal kay Jack?"

Naging seryoso bigla ang itsura niya.

"He's only going to hurt you, Summer. So it's best na may backup plan ka. I'm not going to let him hurt you again. You've been through a lot. For 8 years, you've been hurting because of him. Now that he's back, he is still hurting you. So nagbago na ang isip ko at binabawi na kita. Shouldn't have let you crossed paths again if I have known."

"Well you do know." Mabilis na sagot ko.

Natigilan siya at bakas sa mukha niya ang kaba. Napalunok siya at nagpakawala nang pekeng ngiti.

"Alam mong nagbago na siya. Alam mong hindi na niya ako gustong makita. Alam mong matagal na siyang nakabalik sa Pilipinas pero minabuti niyang huwag na akong makita pa ulit. You do know, Storm. But you still tried to set the both of us up thinking maybe he's going to change his mind if he sees me again."

BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon