I am tired of my own excuses.
***
"Summer.." mahinang tawag niya sa pangalan ko. "Would you run away with me?" Diretsong tanong niya at kasabay noon ay may maliit na butil ng luha ang kumawala mula sa sulok ng mata niya.
For that short while, I didn't want to think of the consequences of running away. All I could think of is being with him. My heart knows exactly what it wants. It's the man standing right in front of me, asking me to run away, waiting for my hands to grab his. I should be jumping out of joy but I feel...terrified.
Nabaling ang tingin ko kay Storm nang dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. I was waiting for him to say something. Something that would stop me from choosing Jack over him. But he didn't say a word. He knew it was a battle he lose long ago.
I looked back to Jack. He's still offering his hand. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. He looks dead serious and in deep trouble. He sighed when I still didn't reach for his hand. I know he's impatient but he can't seriously think I can answer him right away. We're talking about running away!
Mabagal siyang humakbang papalapit sa akin. Tumigil siya sa harapan ko nang halos ilang inches na lang ang layo namin sa isa't isa at halos maramdaman ko na ang bawat paghinga niya.
"She is choosing no one."
Sabay-sabay kaming napalingon kung saan galing ang nagsalita. Nasa likuran namin ang kapatid kong si Sam. Naka-uniporme pa siya habang nakasabit sa isang balikat niya ang backpack niya.
Lumapit siya sa amin at marahan akong hinila palayo kay Jack at Storm. Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya at bumuntong hininga.
"Hindi ka niya pipiliin Storm dahil hindi ka niya mahal." Diretsong saad niya. Binaling niya ang tingin kay Jack at saka nagpatuloy, "At hindi ka niya pipiliin Jack dahil masyadong komplikado."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay mabilis niya akong hinila papauwi ng bahay. Hindi na ako nakaimik pa sa mga sinabi niya sa dalawa dahil sa gulat. Namalayan ko na lang na parang kinaladkad ako ng nakakabata kong kapatid!
"How could you say that?" bulong ko habang mabilis kaming naglalakad. Hindi pa kami gaanong nakakalayo sa kanila kaya alam kong nakasunod ang tingin nila saming dalawa.
"Isusumbong kita kay Mama pag-uwi. Balak mo pang makipagtanan gayong may ganito na nga tayong problema."
Say what?! Siniko ko siya ng malakas. Pakiramdam ko ay umiinit ang mukha ko dahil nakakahiya na nasaksihan niya ang eksenang iyon.
"Wala kana bang ibang friends?" Biglang tanong niya. "Hanggang ngayon ang wi-weird pa rin ng mga kaibigan mo. Puro gangsters." Kumento niya.
Napabalik ang tingin ko sa kanya. Ghad, this kid.
"Yung isa pa masokista. Yung isa naman sadista." Dagdag pa niya at saka umiling.
***
Naiwan si Jack at Storm sa Plaza habang nakatingin sa likuran nang magkapatid na naglalakad palayo.
"Was that Sam? He's grown so much." Saad ni Jack.
"He's matured like Summer but he's sometimes a bit irrational." Sagot ni Storm sa kanya.
Nagkatinginan silang dalawa. "Summer has someone else to take care of her. Why did you stick to her side anyway?"
"To stole her heart." Tipid na sagot ni Storm at saka nagsimulang maglakad paalis.
Nagsimula na ring maglakad si Jack. Hindi sila nagiimikan kahit na magkalapit lang sila. Tila sa iisang direksyon ang parehas na tinatahak nila. Mukhang parehas ang gusto nilang puntahang lugar. Nakumpirma nga iyon ni Storm nang parehas silang pumasok sa bar malapit sa Tan Siu International Academy.
BINABASA MO ANG
BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROST
RomansWill Summer Pascua still consider Jack Frost nothing but a nuisance now that their paths have crossed again after 8 years? (BOOK 2 OF BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST)