Natigilan ako sa pag-alis nang marinig siyang magsalita. Dahan-dahan akong muling humarap sa kanya at nakita ko siyang nakaupo na habang hawak-hawak ang sobre na naglalaman ng resignation paper ko.
"Am I right? In this envelope is your resignation letter."
Itinungo niya ang ulo niya at tiningnan ako sa mga mata.
"But I hope it's not." Diretsong sabi niya habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ko nagawang umimik at nanatiling nakapako sa aking kinatatayuan.
Napabuntong hininga siya bago ibinalik ang envelope sa lamesa kung saan ko iniwan ito. Umayos siya ng upo at sumandal sa headboard ng higaan niya.
"Don't leave me alone." Saad niya habang seryoso pa ring nakatitig sa akin.
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko. Anong ibig niyang sabihin?
"Even just for today." Dagdag pa niya.
Kahit na gusto kong magsalita ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
Sabay kaming napatingin sa mesa niya nang maingay na tumunog ang alarm clock niya. Mabilis niya itong pinatay bago siya dahan dahang bumangon.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at pinanuod siyang pumunta sa malawak na mesa sa may gilid ng kwarto niya at inayos ang mga papel na naroon.
"I have something to visit today. Will you come with me?" Tanong niya habang patuloy niyang inaayos ang mga papeles niya.
"M-May pupuntahan ka?" Finally ay nakapagsalita na rin ako.
Itinigil niya ang ginagawa niya at saka humarap sa akin. Tiningnan ko ang namumutla niyang mukha.
"But you're not feeling well." Pahabol ko pa.
"That's why I'm asking you to come with me."
Natulala ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Bakit pakiramdam ko ay ibang tao ang kaharap ko ngayon? Nagdedeliryo na ba siya?
Tinitigan kong maigi ang mukha niya. Halatang pagod na pagod siya at hindi pa nakakapagpahinga ng maigi.
"Importante ba ang pupuntahan mo? Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang? Sa tingin ko ay kailangan mo pa ng pahinga."
Napabuntong hininga siya. "I can't miss it."
Napabuntong hininga ako. Hindi ko siya maaring hayaang umalis mag-isa na nakikita kong ganito ang lagay niya.
"Fine. Sasamahan kita."
Ngumiti siya at hindi na muling sumagot pa. Tinapos na niya ang pag-aayos ng mga papeles sa mesa niya at saka dumiretso na sa banyo. Ilang minuto akong nanatiling nakatayo lang sa may pintuan at hinintay ang pagbabalik niya.
Paglabas niya sa banyo niya ay nakabihis na siya. Pero hindi siya nakasuot ng itim na suit. Imbes ay naka-itim na long sleeve lang siya. Ibigsabihin ay hindi kami sa isang meeting pupunta.
Walang salitang nilagpasan niya ako at naunang lumabas ng silid niya. Sinundan ko naman ng tingin ang likuran niya. Anong nangyare? Bakit biglang naging malamig nanaman siya?
Sumunod na lang ako at nang nasa may hagdanan na kami ay kaagad siyang sinalubong ni Morgan.
"Mr. Frost, huwag mong sabihing tutuloy pa rin kayo ngayon?" Salubong ni Morgan sa kanya.
"Prepare the car." Tanging malamig na sagot ni Jack at saka dire-diretso lang sa paglalakad patungo sa pintuan ng Mansion.
Halata naman sa itsura ni Morgan na nagdadalawang isip siya pero wala siyang magawa kaya mabilis siyang lumabas ng Mansion upang kunin ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROST
RomanceWill Summer Pascua still consider Jack Frost nothing but a nuisance now that their paths have crossed again after 8 years? (BOOK 2 OF BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST)