[10] If I Lay Here, If I Just Lay Here

92.8K 4K 2K
                                        

This chapter is dedicated to all my readers-
May you all find the happiness you all were looking for.

*******

"I still fucking care! That's my fucking problem!"

Napuno ng katahimikan ang silid. Nagkanyang iwas ng tingin ang lahat.

Napawi lamang ang nakakarinding katahimikan nang may marahang kumatok sa pintuan.

"Mr. Frost, it's time for your meeting." Si Morgan.

Muling tiningnan ni Jack si Summer. Halata sa itsura niya na ayaw niyang umalis pero may responsibilidad siyang kailangang asikasuhin

"Stay here. I'll be back." Utos ni Jack at saka dali-daling lumabas ng silid.

Nanatili naman si Eleanor panandali habang manghang nakatingin kay Storm at Summer. "What a cheesy love triangle, huh?" Saad niya bago sumunod kay Jack.

Naiwan na lamang si Storm at Summer sa silid. Wala sa kanila ang gustong magsalita. Napabuntong hininga na lamang si Storm bilang pagsuko dahil mukhang walang balak magsalita si Summer.

"I'm sorry," umpisa niya. "I know I shouldn't have acted like that."

Sincere siyang tiningnan ni Summer. "Why are you being like this, Storm?"

"What do you expect me to do, Summer? It kills me to see you with him."

"Pero hindi ba ikaw naman ang may gusto nito?"

"Yes, and I didn't expect it to hurt like hell."

Parehas silang nag-iwas ng tingin.

"Why don't you just marry me?" Pahabol ni Storm.

Gulat na ibinalik ni Summer ang tingin sa kanya.

"I've wait for too long. Please don't tell me you have not developed any feelings for me. After all those years of chasing you, don't tell me bestfriend pa rin ng taong mahal mo ang tingin mo sa akin."

Natahimik na lang si Summer. "Please..." ang tanging nasabi niya.

"Hanggang ngayon, siya pa rin ba?"

Dahan-dahan siyang tumango. "I only had one and only him."

*******

Natapos ang meeting ni Jack at ng mga official ng hospital saktong tatlumpung minuto. Halata ang pagmamadali niya at paulit-ulit na pagtingin sa relos.

"I guess it's a wrap." Pagtatapos niya at saka mabilis na tumayo at lumakad palabas ng pinto. Ni hindi na niya inantay pang magpaalam sa kanya ang mga kausap niya.

Dismayado siyang tiningnan ni Eleanor at mabilis na hinabol. Hindi pa siya tuluyang nakakalayo sa pintuan ay hinatak siya ng dalaga.

"Where do you think you're going?" Asar na tanong ng dalaga.

Tiningnan niya ang braso niyang kapit-kapit ng dalaga bago binalik ang tingin sa mukha nito. "If it isn't obvious I'm going to Summer."

"I don't think you have that enough free time, Daryl. We're off to check my wedding gown." Pagdidiin ng dalaga.

"We're getting married in 6 months, we still have a lot of time left. What's the fuss?"

Binigyan siya ng malokong ngiti ng dalaga. "Well, guess what? We're getting married in less than 3 months, Daryl."

Mabilis na kumunot ang noo ni Jack. Clueless, tiningnan niya si Morgan. Agad na yumuko ang matanda bilang paghingi ng umanhin at siya na ring pagkumpira na totoo ang sinasabi ni Eleanor.

BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon