Inihinto na ni Storm ang sasakyan niya sa may kanto malapit sa bahay namin. Sa walong taong lumipas ay hanggang ngayon ay hindi pa rin napapalaki ang mga street sa amin kaya naman hindi pa rin ako pwedeng mahatid sa tapat ng bahay namin gamit ang isang sasakyan.
"Salamat, Storm. Pasensya kana talaga, wala lang kasi talaga akong ibang matatawagan para magsundo sa akin kundi ikaw."
Ngumiti siya at saka tumango. "Sinabi ko na diba? Wala iyon. Kahit saan ka pang parte ng mundo, basta kailangan mo ako, pupuntahan kita."
Naiilang akong ngumiti sa kanya. "Salamat, Storm."
"Oh siya, magpahinga kana. Alam kong pagod kana."
Dahan-dahan akong tumango sa kanya at nagsimula nang kumilos upang bumaba ng sasakyan pero natigilan ako nang bigla ulit siyang magsalita.
"Masaya ka ba, Summer?"
Agad akong natigilan at napatingin sa kanya.
"Gusto ko lang malaman kung masaya ka ba. Ngayon na nakakasama mo na ulit siya." Tila nasasaktang tanong niya.
"Sa totoo lang...nasasaktan ako at nahihirapan." Pag-amin ko. "Pero masaya ako, Storm. Masaya ako na nakakasama ko na ulit siya. Kahit na masakit, kinakaya ko...kasi masaya ako."
Kitang kita ko sa mga mata niya kung paano ko siya nasaktan sa mga salitang binitawan ko pero kahit na ganon ay ngumiti pa rin siya sa akin.
"Basta masaya ka lang, Summer...kahit masakit, basta alam kong masaya ka, masaya na rin ako."
Hindi ko alam kung ano ang dapat isagot sa kanya. Bigla na akong nakaramdam ng ilang. Dahan-dahan siyang kumilos at saka lumapit sa akin. Inalis niya ang seatbelt na suot-suot ko at pagkatapos ay umupo ulit siya ng maayos sa pwesto niya.
"Tawagan mo lang ulit ako kapag kailangan mo ako, Summer. Pero sa tingin ko ay hindi mo na ako kakailanganin ulit. Kilala ko si Jack. Hinding hindi ka niya pababayaan."
"Storm..." nanghihinang tawag ko sa kanya.
Ngumiti ulit siya ng pilit. "Okay lang ako, Summer. Nakaya ko ngang maghintay sa'yo ng 8 years eh. I can still wait for you. Sa ngayon, gusto kong magkasama muna ulit kayo ni Jack. Gusto kong alamin mo sa sarili mo after all these years kung siya pa rin ba talaga ang gusto mo at hindi ako."
Matagal ko siyang tinitigan bago unti-unting tumango. "Tama ka, this is the right opportunity to either continue what we had or for us to have a closure instead."
Napangiti siya sa sinabi ko at saka tumango. "Good night, Summer."
Sinuklian ko ang ngiti niya at saka tuluyan nang bumaba ng sasakyan. Hinintay ko pa siyang tuluyang makaalis bago ako nagsimulang maglakad pauwi ng bahay.
Habang naglalakad na ako patungo sa bahay ay natigilan ako nang isang pamilyar na lalaki ang naaninag ko na nakatayo at nakasandal habang nakayuko sa kasunod na poste ng ilaw na kasunod kong madadaanan bago ako makarating sa bahay.
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko nang iangat niya ang mukha niya at tumingin sa direksyon ko. Mabilis na nagtama ang tingin naming dalawa at agad siyang umayos ng tayo nang makita ako. Tila kanina pa siya naghihintay roon.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at habang naglalakad siya ay napansin kong may dala-dala siyang kulay puting plastic.
Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako habang pinapanuod siyang maglakad papalapit sa akin. Hindi ko magawang paniwalaan na siya talaga ang lalaking nasa harapan ko. Naka-suot lang siya ng kulay puting t-shirt at simpleng jeans.
BINABASA MO ANG
BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROST
RomansaWill Summer Pascua still consider Jack Frost nothing but a nuisance now that their paths have crossed again after 8 years? (BOOK 2 OF BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST)