[16] Forget About Me

55.5K 1.7K 1.1K
                                    


Nakatulala lang ako sa kawalan habang paulit-ulit na inaalala ang pinag-usapan namin ni Jack. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pangingilid. It hurts so much now that I know his answers. He doesn't want my love anymore.

Napapikit ako nang mariin at muling hinablot ang baso na may lamang vodka sa lamesa ko at muli itong nilagok. Napakainit nito sa lalamunan pero hindi nito magawang maalis ang sikip na nararamdaman sa dibdib ko.

Minabuti kong pumunta sa bar upang subukang pawiin ang sakit na nararamdaman ko. They say two bottles help in managing a heart break but I think I'm over two bottles and I still feel worse. Hindi ko na alam kung ilan na ang nainom ko. Hilong hilo na ako pero hindi pa rin ako nawawalan ng malay. Gusto kong mawalan ng malay. I wanted to escape the pain that I'm feeling. Wala akong pakialam kahit na sino pa ang dumampot sa akin dito sa bar kapag nawalan ako ng malay. All I want is to feel nothing.

Naramdaman kong muling nagvivibrate ang cellphone na nasa bulsa ko. Kinuha ko ito at muling pinanuod matapos ang tawag. Nang matapos itong magring ay lumabas sa screen ko kung ilang beses nang nagmissed call si Storm.

I know I am making him worry pero nais kong mapag-isa. He's always there whenever I am down. But this time, I know I should get through this phase on my own. I am now a grown up woman. Pero ngayon ko lang naranasan ang mabroken.

"Damn you, Jack!" sigaw ko at unti-unting napahagulgol.

I know people are watching me pero ito ata ang epekto ng alak, nakakawala ng hiya sa katawan. Yumuko ako at naramdaman ang pag-ikot ng paningin ko. Ipinikit ko ang mga mata ko pero ramdam ko pa rin ang pag-ikot ng paningin ko.

Pinilit kong tumayo upang baka sakali mawala ang pagkahilo ko. I walked out of the bar and I don't know how I managed that. Halos pagewang gewang na ako sa paglalakad at ilang beses nang matumba.

Isang malakas na busina ang bumulaga sa akin pagkadaan ko sa parking nang muntik na akong mabangga ng sasakyan na mukhang paalis na. Tumawa ako at tinap ang harapan ng sasakyan niya. Hindi ko na alam ang pinaggagawa ko. Muli niya akong binusinahan. Tumawa naman ako at nag okay sign at saka tumabi na nang makaalis na siya.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi alam kung saang direksyon ako papunta. Namalayan ko na lang ang sarili kong naglalakad sa kalsada na walang mga sasakyang dumadaan at tanging street lights lang ang nagbibigay liwanag sa daan.

Naupo ako at isinubsob ang mukha ko sa mga tuhod ko. Doon ay tahimik kong hinayaang tumulo ang mga luha ko. Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko at pilit na hinihiling na mawala na ang sakit na nararamdaman ko.

May ilan-ilang sasakyan akong naririnig na dumadaan pero nanatili ako sa ganoong posisyon. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas, kung nakatulog na ba ako sa ganoong posisyon pero ramdam kong basa pa rin ang mga pisngi ko.

Pinunsan ko ang mukha ko at dahan-dahang tumayo. Kailangan ko nang umuwi. Baka nag-aalala na rin sila mama sa akin.

Nang kukunin ko na sana ang cellphone ko upang tingnan ang oras ay saka ko lang narealize na wala pala akong dala dalang bag. Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa katangahang pinaggagawa ko.

Humarap ako sa likuran ko upang balikan kung saan ako dumaan paalis nang bar pero natigilan ako nang makita kung sinong lalaki ang nakatayo sa harapan ko.

"You looking for this?" tanong niya at saka itinaas ang bag ko at ang cellphone ko na hawak-hawak niya.

"What are you doing here?" galit na tanong ko at mabilis na pinunasan ang luhaang mukha ko.

"What. Are. You. Doing. Summer?" tila galit at nagtitimping tanong niya.

"What do you care? Who are you too care?!" puno ng galit na tanong ko at humakbang papalapit sa kanya.

Galit kong aagawin sana ang bag at cellphone ko na hawak-hawak niya pero inilayo niya ito dahilan para muntik na akong mapasubsob.

Mabilis niya akong nasalo dahilan para mapayakap ako sa kanya. Gusto ko siyang itulak dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko pero mas nangibabaw ang saya ko dahil naramdaman ko ulit ang init ng yakap niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at muling bumuhos ang mga luha mula sa mga mata ko.

"You ask me not to confuse you but what are you doing?" patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

"I will drive you home." Mahinang bulong niya at umastang aalisin niya ang yakap niya pero itinaas ko ang mga kamay ko papunta sa likod niya at niyakap siya nang mahigpit.

"Can't we stay like this for a while?" patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. "I missed you so much, gangster...don't you know how much I waited for you?"

"I know...and I am sorry." Naramdaman kong idinikit niya ang labi niya sa noo ko. "I don't want you to wait for me anymore, Summer. That's why I'm setting you free."

"Is it really too late for us? Is it really too late for me to tell you that I love—"

Natigilan ako nang idampi niya ang mainit niyang labi sa labi ko. Kaagad na tumibok ng bilis ang puso ko. I've missed those lips. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko at muling nagbalik sa ala-ala ko ang mga halik niya noon na labis kong kinamuhian.

I was almost out of breath when he finally let go of my lips.

"I wish you knew how hard it was for me." Mahinang bulong niya. "I love you so much, Summer. I have never loved anyone else since I met you."

Pinanuod ko ang mga luhang nag-uunahang pumatak mula sa mga mata niya. "It was you since then, and it is still you until now. It has always been you."

Marahan niyang hinaplos ang mukha ko. 

"I wish I could hold myself back and stop caring. But I can't...and I know asking you to forget about me is something I'll regret for the rest of my life but I don't want to deepen the wounds I'd cause you in the future. So hurt a little now, Summer. Then forget about me." 

Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko. "While I'll remember you forever..." Mahinang bulong niya and then... I black out.






To be continued...

BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon