[11] Yakapin Mo Ako, Kahit Hindi na Totoo

138K 4.7K 3.6K
                                        

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas.

"Hindi pwede yun! Saan na lang kami titira kung paalisin nyo kami rito?!"

"Cap, hindi naman makatao itong sinasabi nyo sa amin! Gawan nyo naman ito ng paraan! Paano na ang mga hanapbuhay namin?"

"Huwag nyo kaming paalisin dito! Wala kaming matitirhan!"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang liwanag mula sa sikat ng araw na nanggagaling sa nakabukas na bintana ng kwarto ko.

Mabilis akong tumingin sa tabi ko at wala na siya. Bumangon ako at inalala ang mga nangyare kagabi. Talaga bang dumating siya at natulog sa tabi ko? Paki-usap, huwag mo sabihin sa aking panaginip lang ang lahat.

"Hindi nyo kami mapapaalis rito! Hindi kami aalis!" Boses ni Mama.

Kaagad akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Naabutan kong may ilang tao sa baba. Namumukaan ko sila, mga kapitbahay namin ang ilan sa kanila at kasama nila ang baranggay chairman namin. Nasa sala sila ng aming bahay at tila nagtitipon.

"Ma? Anong nangyayare?" Bungad ko pagkababa.

"Summer..." umiiyak si Mama.

"Papaalisin nila tayo dito sa bahay anak." Si Papa.

"P-po?!" Hindi makapaniwalang sagot ko.

Tumakbo papunta sa akin ang nakakabata kong kapatid na si Sam at umiiyak na niyakap ako. "Ate...sabihin mo sa akin, mali ang rinig ko. Frost daw sila. Ate, diba hindi siya yun?"

Agad na kumalabog ang dibdib ko. Kilala pa ni Sam si Jack. At alam niyang Frost ang apelyido ng pamilya nila. Kilalang kilala niya ito dahil parati siyang nag-uuwi ng diyaryo sa bahay kung saan may article tungkol sa pamilya nila. Sam has been his biggest fan. Bilib na bilib ito sa aking dahil napakayaman raw ng manliligaw ko noon.

Tiningnan ko si Mama at Papa. Magkayakap silang umiiyak.

"Ate kung totoo man na sila nga iyon, baka pwede mo naman siya kausapin. Ayoko umalis dito..." iyak ng iyak si Sam.

"Summer..." si Mama. Umiiling siya. "Sana mali kami ng iniisip ngayon."

Hindi ko maintindihan ang nangyayare. Tiningnan ko ang baranggay chairman namin at nakayuko lang siya.

"Pasensya na Summer. Proyekto ito na inaprubahan ng Mayor. Kasama ang bahay nyo sa kailangang idemolish dahil sa itatayong gusali dito sa lugar natin."

"Anong klaseng gusali? Bakit kailangan sa lugar na 'to? At bakit kailangan maepektuhan ang mga residente?!"

"It's for the sake of the country's economy."

Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan ng bahay nang may magsalita roon. Isang matandang babae kasama ang napakaraming bodyguard ang nakatayo roon.

I've seen her before. Saglit ko lang siyang nakita noon pero natatandaan ko ang mukha niya. She still carry the same aura I've felt from her before, mysterious, authorative and overpowering.

Natahimik ang ilan naming kapitbahay na mukhang apektado rin sa balitang ito na nasa bahay namin ngayon. Mukhang hindi lang ako ang naapektuhan sa aura niya kundi maging ang mga normal na mamamayan din.

She took her first step papasok ng bahay. Tumayo naman ang barangay chairman namin upang ibigay ang inuupan niya sa kanya.

"I went to the barangay hall but was informed you were here settling the issue with the residents. I apologize to interupt but I don't have enough to spare kaya pumunta na ako dito."

BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon