[4] Still the Same Old Stubborn Summer

177K 7.6K 2.9K
                                    

"Did you forget what I said earlier? Your place is right here beside me. Dapat ay alam mo kung saan ka lulugar. Right, Eleanor?"

Agad akong napatingin kay Eleanor matapos sabihin ni Jack ang mga salitang iyon. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Mukhang narinig ni Jack ang mga pinagsasabi niya sa akin kanina.

Akala ko ay makikitaan ko siya ng galit sa ekspresyon niya pero napakunot ang noo ko nang unti-unti siyang ngumiti ng nakakaloko.

"Oh, my bad. Dapat nga naman ay katabi mo ang private nurse mo. Anong malay natin, baka bigla kang magcardiac arrest habang nasa byahe." Makahulugang saad niya.

Bigla na lang nabalutan ng tensyon ang paligid. Tumingin ako kay Mr. Morgan at napayuko siya. Kahit na kakakilala ko pa lang kay Eleanor ay sa tingin ko'y wala sa ugali niya ang nagpapatalo kung kaya naman ay dapat ako na lang ang umiwas sa gulo.

Tiningnan ko ang cellphone ko at pinatunog ito. Nagkunwari akong may tumatawag at agad ko iyong sinagot.

"Hello, Storm?" Pagpapanggap ko.

Ramdam ko na lahat sila ay sabay-sabay na napatingin sa akin. Anong magagawa ko? Ayoko ng gulo. Kaya dapat ay gawin ko ang bagay na ito.

"Ah, gusto mong samahan kita sa mall? Oh, sige. Sunduin mo na lang ako." Patuloy na pagsisinungaling ko.

Ibinaba ko na ang tawag at ibinalik ang tingin sa likuran. Nasalubong ko kaagad ang masamang tingin sa akin ni Jack pagkatingin ko sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko at napayuko.

"Hindi na ako makakasama sa inyo. Pasensya na. Magpapaiwan na lang muna ako dito at magpapasundo kay Storm."

Pagkasabi ko noon ay muli kong ibinalik ang tingin kay Jack. Hindi ko kayang tumingin sa kanya dahil sa pagsisinungaling na ginawa ko.

"Uhm...sige, ingat na lang kayo."

Hindi ko na hinintay pa ang permiso niya at agaran na akong bumaba ng sasakyan. Pagkababa ko ay nagkatinginan kami ni Eleanor na hanggang ngayon ay hindi pa nakakasakay.

Huwag kang mag-alala, Eleanor. Alam ko kung saan ako lulugar at kung ano na lang ang lugar ko sa buhay ni Jack.

Napangiti siya ng maloko sa akin na tila ba nababasa niya ang nasa isip ko.

"Not a bad act." Nakangiting saad niya.

Iniwas ko ang tingin ko at hinintay siyang makasakay na sa sasakyan. Tinitigan niya muna ako ng ilang sandali bago siya tuluyang pumasok sa loob. Pagkasakay niya ay nanatili munang nakahinto ang sasakyan sa harapan ko pero di kalaunan ay umandar na rin ito at tuluyan nang umalis.

Pinanuod kong mawala sa paningin ko ang sasakyan bago napabuntong hininga. Tiningnan ko ang cellphone ko at inis na natawa sa katangahang ginawa ko.

Ibinalik ko ang tingin sa rehabilitation center na pinanggalingan namin. Naalala ko bigla ang mga batang nagkwkwento kanina ng mga experiences nila. Bigla na lang sumagi sa isip ko ang hindi magandang idea.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na naglalakad na papasok sa loob. Ginawa ang lugar na ito para sa mga katulad kong biktima ng bullying. Hindi ko alam kung magandang idea ba itong naiisip ko pero parang gusto kong makisali sa activity ng mga bata

***

"You humiliated me." Pagbasag ni Eleanor sa katahimikan nila sa loob ng sasakyan.

Seryosong inilipat ni Jack ang tingin niya sa kanya. "You brought it to yourself, Eleanor. I told you, didn't I? I said lay off Summer."

"Paano ko gagawin iyon? Dinala mo siya sa lugar na hindi mo pa ako dinadala."

Inis na napabuntong hininga si Jack. "Since you've already mentioned it to her, I hope you didn't forget what's your place in my life too, Eleanor. Stop acting like a jealous girlfriend."

BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon