Inihinto ni Storm ang sasakyan niya sa lugar kung saan sinabi ni Jack na hihintayin siya nito. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at dali-daling bumaba sa sasakyan niya nang makita si Jack na nakaupo sa street curb habang katabi si Summer na nakasandal sa balikat niya at mukhang mahimbing na natutulog.
Mabilis siyang lumapit sa dalawa at doon niya nakitang maigi ang lagay ni Summer. She looks too wasted at mukhang nakatulog na sa sobrang kalasingan.
"Did you tell her?" bungad niya. Sa histura kasi ng dalaga ay mukhang nalaman na niyang ikakasal sa iba ang lalaking hinintay niya sa loob ng walong taon.
Umiling si Jack bilang tugon.
"She doesn't know yet but look at her. I can't imagine once she finds out." kumento ni Storm.
Napayuko si Jack dahil sa sinabi niya. "You were right," bulong ni Jack. "I should've stayed gone."
Napabuntong hininga na lang si Storm at tuluyang lumapit kay Summer. "I'll take it from here." Saad niya at saka marahang inalalayang tumayo ang dalaga. Dahil sa sobrang kalasingan ni Summer ay kailangan siyang yakapin ni Storm upang hindi matumba.
Iniwas ni Jack ang tingin. He knows he has no right to feel jealous but he has the choice to walk away than torture himself watching another man holding the woman he's loved for so many years.
Mabilis niyang tinalikuran ang dalawa at naglakad papalayo. I fucking can't watch this, he thought. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay huminto rin siya agad sa paglalakad. Inis siyang napakagat sa labi niya.
"Damn it." Galit na saad niya at saka hinubad ang jacket na suot-suot niya. Mabilis siyang bumalik sa dalawa.
Pagkalapit niya sa kanila ay bumaba ang tingin niya sa braso ni Storm na nakapulupot sa bewang ni Summer. Agad niyang binalot ang Jacket niya kay Summer at inagaw ang dalaga sa mga bisig ni Storm.
"Open your damn car." Utos niya kay Storm. Natatawa na lang na napa-iling si Storm bago sinunod ang utos nito. Binuksan niya ang passenger seat. Kaagad namang sumunod sa kanya si Jack at isinakay si Summer sa loob ng sasakyan. Bago pa niya tuluyang iwan ang dalaga sa mga kamay ni Storm ay inayos niyang mabuti ang pagkakasuot ng jacket niya kay Summer at zinip ito hanggang sa matakpan na halos pati ang leeg ng dalaga.
He looked at her wasted, sleeping beautiful face. He wanted to kiss her lips but he would be too silly and stupid to do that. He looked at her intently for the last time before finally closing the car door.
Hinarap niya si Storm na naka-cross arm sa gilid niya. He was about to open his mouth to warn him to take good care of Summer but Storm cut him off right away.
"I don't need you to tell me to take good care of her. I've been doing that for 8 years."
Natahimik si Jack.
"And let me just add, I've been taking good care of her not because of you. It's because I love her. I thought you should know that." Malamig na saad ni Storm at saka tuluyang tinalikuran si Jack at sumakay sa sasakyan niya.
Naiwan si Jack na pinanuod ang sasakyan ni Storm umalis. Hindi niya namalayan na nakasara pala ang kamao niya dahil sa inis. Napatingala siya sa langit at nagpakawala ng malalim na paghinga. He then took the cigar out of his pocket. Sinindihan niya ito at muling naupo sa street curb kung saan sila nakaupo ni Summer kanina. He could still smell Summer's scent na dumikit sa balikat niya.
"Vanilla," mahinang bulong niya. She still wears the same perfume.
Nang maubos na niya ang sinindihan niyang sigarilyo ay tumayo na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa pinanggalingan nila kanina ni Summer. He found himself entering the same bar where he followed Summer.
BINABASA MO ANG
BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROST
RomanceWill Summer Pascua still consider Jack Frost nothing but a nuisance now that their paths have crossed again after 8 years? (BOOK 2 OF BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST)