[2] Resignation Letter

178K 8.1K 5.5K
                                    


Nanatili akong pinapanuod ang likuran ni Jack habang patuloy siya sa paghakbang papalayo sa akin. Nakita ko siyang nakipagsiksikan sa mga taong nagsasayawan sa gitna ng bar at mukhang papunta siya kay Eleanor. Tiningnan ko si Eleanor at napakunot ang noo ko nang makita siyang nakapulupot sa isang lalaki at marahas na nakikipaghalikan dito. Ibigsabihin ba nito ay hindi nga sila magkarelasyon ni Jack?

Naramdaman kong may nagba-vibrate sa bulsa ng uniporme ko at saka ko lang naalala ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha sa bulsa ko at pagkakuha ko ay tumigil na ito sa pagvibrate. Muntik nang lumuwa ang mata ko nang makitang may 264 missed calls na pala ako galing kay Storm.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Jack na ngayon ay nakalapit na nang tuluyang kay Eleanor. Nag-uusap silang dalawa at kita ko sa itsura ni Eleanor na para bang naiinis ito dahil naudlot ang pakikipaghalikan niya sa lalaki nang lumapit sa kanya si Jack. Kaagad naman akong kinabahan nang biglang tumingin sa akin si Eleanor. Nakatingin siya sa akin habang may sinasabi siya kay Jack. Ano naman kaya iyon? Ako kaya ang pinag-uusapan nila?

Napabalik ang tingin ko sa cellphone ko nang muli itong magvibrate. Nakita kong si Storm ulit ang tumatawag kaya mabilis ko na itong sinagot.

"My God, Summer! Bakit ngayon mo lang sinagot?" bungad ni Storm.

"I'm sorry." Tanging nasagot ko sa kanya. I'm sorry dahil nawala ka sa isip ko ngayong kasama ko si Jack.

"Where the hell are you? Kanina pa ako dito sa office at ang sabi nila sa akin ay hindi ka naman daw nagpunta dito."

"Nasa bar ako."

"What?! Anong ginagawa mo sa bar?! Sa pagkakatanda ko dito kita sa office hinatid at hindi sa bar."

Napabuntong hininga ako. "Kasama ko si Jack."

Kaagad na natahimik siya sa kabilang linya. Ibigsabihin ba ay hindi niya alam na si Jack ang magiging pasyente ko? Talaga bang co-incidence lang 'to?

"Storm?" tawag ko sa kanya nang ilang sandali na ang nakalipas at hindi pa rin siya nagsasalita.

"Nakakatawa. Inihanda ko naman ang sarili ko pero bakit masakit pa rin na marinig na magkasama kayo?" saad niya.

"Wait... you knew?" gulat na tanong ko.

"I'm sorry kung hindi ko sinabi."

Napahawak ako sa ulo ko. "How could you do this to me, Storm? Akala ko ba ay bestfriend kita?"

Matagal bago ulit siya nagsalita. "I'm so sorry, Summer," saad niya. "Gusto ko lang bumawi sa'yo dahil sa hindi ko pagsasabi na nakabalik na si Jack. Hindi ba't ito naman talaga ang gusto mo? Ang makausap siyang muli? Tanging ang pakay ko lang ay ang pag-usapin ulit kayong dalawa. It's all up to you if you're going to accept the job."

Natahimik ako sa sinabi niya. Tama siya, hindi ba't ito naman ang gusto ko? Pero ngayong nakita at nakausap ko na ulit si Jack, mas lalo pang nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko.

Alam ko naman na matagal na na wala na talagang pakialam sa akin si Jack. Pero bakit hinayaan ko pa rin ang sarili ko na maghintay ng walong taon? At ngayon na dumating na ang araw na hinintay ko, ang sakit lang dahil ang katotohanan na matagal ko nang itinatanggi sa sarili ko ay isinampal na sa mukha ko ngayon. Pero bakit ganito? Bakit hindi pa rin ako magising-gising?

Tiningnan ko si Jack at nakita kong nag-uusap pa rin sila ni Eleanor. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila at nagtatalo silang dalawa? Dahil ba sa nakipaghalikan si Eleanor sa public? Nakita kong tumalikod si Eleanor kay Jack at mukhang magwa-walkout ito pero kaagad na hinablot ni Jack ang braso niya upang pigilan sa pag-alis. Galit na humarap sa kanya si Eleanor pero kaagad na nawasak ang puso ko nang ang sunod na ginawa ni Jack ay hinatak siya papalapit at inangkin ang mga labi niya.

BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon