[15] Need You More Today

34.8K 1.2K 278
                                        

"I can't stand watching you walk away."

Mabilis akong napatingin sa mukha ni Jack nang marinig ang sinabi niya. Nanatili lang siyang nakatingin sa harapan niya at hindi tumitingin sa akin habang hawak-hawak ang braso ko.

Nalipat ang tingin ko kay Eleanor nang mabilis siyang tumakbo paalis ng opisina ni Jack. Ibinalik ko ang tingin kay Jack nang dahan-dahan niyang bitawan ang braso ko. Nilingon niya ang likuran niya kung saan kanina nakatayo si Eleanor. Wala na ang dalaga doon pero mukhang wala siyang balak habulin ito at kinumpirma lamang niya kung umaalis na nga ba ito.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin at nagpakawala nang mapait na ngiti. "I've hurt several people today for merely existing." Mahinang bulong niya.

Naguguluhang napakunot ang noo ko. He's wearing an emotionless expression but I could feel deep down on my bones that he's hurting. I wanted to ask what happened. I wanted to console him. But there I was, standing in front of him and couldn't utter a single word. Still that pathetic Summer.

"You don't have to say anything." Saad niya na tila nabasa niya ang naiisip ko.

He started to walk towards his couch. He tiredly sat there as if all that happened today has drained him. He closed his eyes for a bit and there I am again amazed at how he looked so much like an angel. He's just right in front of me but my heart aches so much. He's so close yet still too far. What has happened to us?

"Until when are you going to stare at me? I need care, Nurse."

I almost jumped out of surprise when he suddenly talked. I hate how he stressed the word 'Nurse'. Oh, right. What happened to us is he has grown to be a responsible man and is now a multi-billionaire heir and... I am just his nurse.

Sinimulan kong maglakad patungo sa kanya. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan niya at inilapag ang kit sa lamesa. Humarap ako sa kanya habang siya naman ay nanatiling nakapikit habang komportableng nakasandal sa couch niya.

Sinuri ko ang mukha niya. May cut siya sa kilay at labi niya. May pasa ang kaliwang pisngi niya at may sugat ang bridge ng ilong niya.

"Tatanggalin ko lang ang band aid sa may ilong mo para malinasan ko ang sugat mo." Paalam ko.

Hindi siya umimik kung kaya't dahan-dahan akong lumapit at yumuko para maging magkalevel ang mukha naming dalawa. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang unti-unting nilalapit ang kamay ko sa mukha niya. Parang ngayon lang muling nagkalapit ang mukha naming dalawa ng ganito.

Nanginginig ang mga kamay kong unti-unting inalis ang band aid na nakadikit sa nose bridge niya. Wala akong reaksyon na nakita mula sa kanya. Nakatulog na kaya siya?

Nang maalis ko na ang band aid ay ibinalik ko ang tingin ko sa kit sa lamesa at dinampot ang bulak at betadine upang simulang linisin ang sugat niya.

Nagsimula akong idampi ang bulak na may betadine sa cut sa may kilay niya. Hindi ko pa rin siya nakitaan ng reaksyon at mukhang komportable na siyang nakatulog. Habang nililinis ang sugat sa kilay niya ay bumaba ang tingin ko sa nakapikit niyang mata. Pansin sa ilalim ng mata niya ang pagod at puyat na nararanasan niya. Mukhang napakalaking responsibilidad ang inaasikaso niya sa kumpanya nila. Iyon ba ang dahilan kaya hindi na niya nagawa pang kumustahin kaming matagal nang naghihintay sa kanya?

Muli akong kumuha ng bagong bulak at nilagyan ulit ito ng bulak. Sunod na nilinisan ko ay ang sugat sa nose bridge niya. Ito ang pinakamalalang tama niya sa mukha at mukhang mag-iiwan ito ng peklat sa mukha niya.

Halos pigil hininga kong nililinisan ang sugat niya sa ilong dahil ramdam ko ang bawat paghinga niya. Masyado kong nailapit ang mukha ko sa kanya. Nang kumilos ako upang unting ilayo ang sarili ko sa kanya ay nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang kamay ko at hinila ako paupo sa tabi niya.

Gulat ko siyang tiningnan. Nakapikit pa rin siya at nakasandal sa couch pero hawak-hawak niya ang braso ko na may hawak na bulak.

"Does betadine works on feelings too?" mahinang bulong niya. "Because that's what hurts most right now."

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at saka nagpakawala nang malalim na paghinga. Tumingala siya sa kisame habang hindi pa rin binibitawan ang braso ko.

"Hindi pa ako tapos gamutin ang mga sugat mo," mahinang bulong ko at balak sanang alisin ang kapit niya sa braso ko ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya at saka dahan-dahang iniharap ang mukha sa akin.

"I changed my mind. Don't treat my wounds anymore." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "At least there's something I could feel other than emptiness." Dagdag niya.

I felt a sharp pain stabbed my heart. I want to run away.

"Should I leave then?" mahinang tanong ko. "I don't think you still need a nurse to take care of your wounds."

I want to run away so I could cry and he wouldn't see.

Natawa siya nang pilit at tila nainsulto sa sinabi ko ."You still haven't changed, have you?" mas humigpit ang kapit niya sa akin.

"I need you more today, Summer." Natigilan ako sa sinabi niya. "I don't need a damn nurse. I need you, more than anything. When will you ever realize that?"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

"Yet, you always choose to push yourself away."

Dahan-dahang lumuwag ang kapit niya sa akin.

"And here I am, the pathetic one who always chooses to be with you, that someone who would always come running to find you whenever you choose to leave when I ask you to stay. I am that someone who would wait for you and happily welcome you back despite how far you've been."

Tuluy-tuloy nang tumula ang mga luha ko. "I've waited for you long enough, Summer. And now that you've found me, you were a little too late..."

Napapikit ako ng mariin. "But I love—"

But I love you too. I wanted to tell him.

"Please don't say it," pigil niya. "God knows how much I waited for you to say it. How much I ached for those words. How much I longed for you to say it. But fvck, Summer, please don't say it."

Sinandal niya ang noo niya sa noo ko. "I wish I could hear it from you at least once. And God, I hate myself from stopping you to say it."

Naramdaman kong may mainit na luha ang pumatak sa mukha ko at alam kong galing iyon sa kanya.

"But please... Don't confuse me any further, Summer." Mahinang bulong niya.

Dahan-dahan niyang inilayo ang mukha niya sa akin at unti-unting tumayo. Nanatili akong nakapikit at hindi siya tinitingnan. I have waited too many years to finally tell him that I have loved him too...and it breaks me that he doesn't want to hear it anymore.

"I am an as$hole and you don't need to forgive me."

Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paghakbang papalayo. Hanggang sa marinig ko ang mabagal na pagbukas at pagsara ng pinto.

Unti-unti kong imunulat ang luhaang mata ko. Tanging ako na lang ang natira sa opisina niya at tuluyan na siyang umalis. Tiningnan ko ang pintuan at napahawak sa dibdib kong naninikip.

"I also can't stand watching you walk away." mahinang bulong ko. "And I too, needed you more today."





To be continued....

BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon