Jack Frost's 1 Week Stay in New York 8 Years Ago
"Get ready. We have an important dinner to attend." Saad ng ina ni Jack pagkapasok niya sa silid ng binata.
Malamig naman siyang tiningnan ni Jack bago nito muling ibinalik ang tingin sa kanyang cellphone. "Not interested," matipid na sagot ng binata.
"We're going to meet the Yuchengcos."
"So am I meeting now the b*tch you'll use to expand your connections?"
"Watch your language," nagtitimping saad ng kanyang ina. "Please be ready in 30 minutes."
"I said I'm not interested." Pagmamatigas ni Jack.
"Sorry to disappoint you but you don't get to decide whether you're coming or not, Jack Daryl."
Natawa ng sarkastiko si Jack at masamang tiningnan ang ina. "Stop making it so clear to me that you only gave birth to us so you can sell us to your business partners, Madam President."
Humugot ng malalim na hininga ang kanyang ina at kalmadong sumagot. "You might not understand me yet but one day you're gonna thank me for setting you up in this marriage."
Napa-iling na lang si Jack at muling ibinalik ang tingin sa cellphone niya.
"My men will pick you up at 8." Desididong saad ng kanyang ina. "Just this once, Jack Daryl. Please don't humiliate me in front of Yuchengcos."
Kaagad namang natawa si Jack nang marinig ang sinabi niya.
"Stop forcing me to come. Believe me, you're going to regret it."
Napapikit ng mariin ang kanyang ina. "Fine, I will let you go," pagsuko nito nang mukhang hindi niya makukumbinsi ang anak. "I will let you comeback in the Philippines after having dinner with them."
Napangiti si Jack ng nakakaloko at muling tiningnan ang ina. "You really are going to regret this." Malokong saad niya at saka nagsimulang kumilos upang ayusin ang mga gamit niya pabalik ng Pilipinas.
***
Dumating si Jack sa restaurant na nandoon na ang pamilya Yuchengco. Bakas sa itsura ng mga ito ang gulat nang makita siyang dumating. Hindi naman talaga dapat magulat ang mga ito sa pagdating niya dahil inaasahan siya ng mga ito pero nagulat sila nang dumating siya na may dala-dalang malaking maleta.
"Coming all the way here from your flight must be tiring." medyo awkward na saad ni Ginang Mariechu Yuchengco para mawala ang akward silence na namayani sa kanila nang dumating si Jack.
Sarkastik namang natawa si Jack dahil sa sinabi nito. Talaga bang iniisip nito na kagagaling lang niya sa flight niya sa Pilipinas at dito na agad dumiretso?
"Take your seat, Jack Daryl." Nahihiyang utos ng kanyang ina.
Arogante namang naupo si Jack sa upuan sa tabi ng kanyang ina at saka tiningnan ang mga taong nakaupo sa harapan niya. Katapat ng kanyang ina ang mag-asawang Yuchengco habang siya naman ay katapat ang anak ng mga ito.
Tiningnang maigi ni Jack ang babaeng nakaupo sa harapan niya. Nakayuko lang ito at halata sa itsura niya na hindi rin nito gusto ang pagseset ng dinner nila together.
"Your son is good looking. Kamukhang kamukha siya ng kanyang ama, Florencia." Nakangiting saad ng lalaking Yuchengco sa kanyang ina.
Napangiti ang ina ni Jack dahil sa sinabi nito habang si Jack naman ay natawa. Dahil sa pagtawa niya ay nalipat ang tingin nilang lahat sa kanya.

BINABASA MO ANG
BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROST
RomanceWill Summer Pascua still consider Jack Frost nothing but a nuisance now that their paths have crossed again after 8 years? (BOOK 2 OF BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST)