Chapter 36

93 4 1
                                    

[AN: Continuation as I promise ... sorry natagalan ... sisihin ang DepEd ... lels ... hehe]

Kahit naguguluhan ay pinilit niyang ngumiti at magpabeautiful eyes sa mga ito at kumilos ng mahinhin habang inilalagay ang imaginary long hair sa likod ang tenga niya. Goodness hope this would work, siguradong kung malalaman ng kinasasakupan ng angkan nila ang kinikilos niya ngayon ay mawawalan ang mga ito ng respeto sa kanya, pero ito lamang ang kayang niyang gawin sa ngayon.

"OMG ako ang mag-aayos sayo girlash at siguradong pagkakaguluhan ka ng mga boylalu sa labas."-weird creature 1, pinalibutan sya ng tatlo at sinuri ang buo niyang itsura. He can understand tagalong but its limited, kapag may libreng oras siya ay pinag-aaralan niya ang wika ng kanyang ina, kaya kahit papaano ay nakaka-intindi siya, kaya lang may mga alien words na sinasabi ang tatlong weird creature na ito.

"Oyyy ako bahala sa kanyang hairlalu, aketch ang pipili ng kanyang wigness."-wc 2

"At akey naman ang pipili ng kanyang outfit for tonight, pero teka girlash ngayon lang kita nakita here."-wc3

"Huh ? uhhh, I'm just new here---"

"Ohhh spokening dollar ang lola mo ?"-nanlalaki ang matang puna sa kanya ni wc1.

"I'm just 18, and I don't have ...uhhh... apow yet ?"-alanganing sagot naman niya.

Naguluhan naman siya ng biglang magtawanan ang tatlo, teka ? mali ba ang sinabi niya, pero iyon ang natatandaan niya, ang lola na ginagamit ng mga Filipino ay katumbas ng Grandmother tama ? lola, parang ang grandmiere niya.

"Ang cute ng accent mo ateng, haha... anyway, newborn ka ba?"-tanong ni wc2

"Newborn ?"-naguguluhang tanong niya, di ba kakasabi nya lang na 18 na siya ?

"Ayyy, ang slow mo naman ateng, newborn ? bagong tuklas, bagong ladlad."-nandidilat ang matang sabi naman sa kanya ni wc3

Bago ? ano ba ang ibig sabihin ng mga ito ? yun lang ang naintindihan niya dahil ang kasunod na salita ay parang masyadong malalim.

"Yeah ?"-di siguradong tanong niya.

"Awww~"-nagulat siya ng bigla syang niyakap ng tatlo.

"I feel you ateng, yung feeling na gustong-gusto mong iladlad ang gown mo pero nag-aalangan ka kasi baka mahusgahan ka."-wc1

"Yung napipilitan kang gawin ang mga bagay na ayaw mo naman kasi ayaw mo biguin ang mga taong mahal mo."-wc2

"At yung hindi ka sigurado sa gusto mo kasi natatakot kang walang susuporta sayo."-wc3.

"We feel you girl... huhuhu"-napapangiwing niyakap na lang din nya ang tatlo, nagulat na lang sila sa malakas na katok sa pinto.

Yung bantay niya.

"I badly need your help guys---I mean girls, there's someone that want to hurt me because he can't accept the real me?"-madamdaming sabi niya.

"Tsk ! kokonti na lang talaga sa mundo ang tunay na magmamahal sa atin sa kung sino tayo, don't worry, we will help you, makikita ng hombre na yun kung ano ang pinakawalan nya, HMP ! gagawin ka naming si Venus !!!"-wc1

Hindi nila pinansin ang kalabog mula sa labas, mabilis na kumilos ang mga ito, ngayon nya lang napansin ang bag ng tatlo, malalaking shoulder bag iyon na puno ng girly things.

"By the way, I don't know your names yet ?"-tanong nya sa mga ito na mabilis na kumikilos para imake-over siya.

"Tin."-wc1

"Ker"-wc2

"Bell"-wc3

"Tin...Ker...Bell?"-nangingiting tanong niya.

"Yes Girl...hihi"-Tin

"And we can wave magic...hihi"-Ker

"Ikaw girl, anong name mo?"-Bell.

"Me? .. uhhh---VENUS ! yeah I'm Venus."-nakangiting sagot niya.

"Ayyy bongga, kaya pala dyosa ka like us."-Tin

"At mas magiging dyosa ka pagkatapos naming gawin sayo ang magic namin... hihi"-Ker.

"At makikita ng wuley jwents mong papalu ang pinakawalan nya, alam mo ganyan talaga tayong mga girl, gumaganda after break up nuh ? hihihi"-Bell.

Napatawa na lang din sya kahit hindi masyadong naiintindihan ang sinabi ng tatlo, makalipas pa ang ilang minute ay natapos na si Tin at Ker sa hair ang make-up nya.

"Eto, tingin ko naman kasya to sayo, try mo oh."-iniabot sa kanya ni Bell ang isang Pink dress. "Nakuuu naman girl dapat nung nafeel mo na you know ? may dugong birdee ka eh hindi ka na nagpamuscle, pangit yan sa mga sleeveless dress."

Napangiti na lang sya at nagtungo sa isang cubicle at naghubad ng damit, mabilis na inilagay niya sa basurahan ang pinagbihisan niya. Napatigil siya sa paglalagay ng brassiere ng may marinig na malakas na tunog, parang sinipang pinto na nasira iyon, agad na kinabahan sya.

"Ayyyyyyy !"-narinig niyang tili ng tatlo sa labas.

"Where is he ?!"-narinig niyang sigaw ng bagong pasok.

"Nakuuu mga girlash itey na ata ang chinichika minute ni Venus sa aten, ang suwanget naman paley"-Tin

"Oo nga, buti na lang iniwan na itey ni V, di ko keri makita sila together."-Ker.

"Ewww naimagine ko din, not so bagay... totally not bagay."-Bell.

"What Sh*t are you talking about aliens ?!"-narinig pa nyang sigaw nung bantay nya.

"Tsss, kung hindi lang sya spokening dollar aakalain kong laman lupa sya."-Tin

"Hala ? baka naman engkanto yan, balita ko ay maraming ganun dito sa islang to."-Ker

"Huwattt ? bakit di mo sinabi sa amin, tapos dito mo pa kami niyayang magbakasyon, my goodness, Fly away na tayo bukas."-Bell

Agad na naagaw ng mga salitang 'fly away' ang isip niya, kailangan niyang sumama sa mga ito para makaligtas siya, pero kailangan niya munang matakasan ang bantay nya ngayon.

"F*ck get out aliens !!!"-sigaw na naman ng bantay nya, at naririnig na niyang isa-isa ng binubuksan nito ang mga cubicle at lima lang naman ang cubicle dito.

"Echuserong Nilalang, mas mukha ka pa namang aliens samin---"-Tin

"Ihhhhhh"-matinis na sigaw niya ng buksan nito ang cubicle niya, yun na lamang ang naiisip niyang dahilan. "Ohmygesh ... my bodey !!! huhuhu"

Parang gulat na napatalikod din ang bantay niya kanina, sinadya nya kasing kalahati pa lang ang naiisuot na dress, at tinakpan naman niya ng magkakrus na kamay ang nakabrassiere na niyang dibdib.

"OHMYGASSS !!! pangit na nga BASTOS pa !!!"-sigaw naman ni Bell.

"MANYAK !!!"-at sinimulan na ng tatlong bugbugin ang lalaking nagbabantay sa kanya.

"What the heck---Stop---Sh*t, Wha---Ouch---D*mn !!!"-nagmamadaling umalis ito ng comfort room na iyon, nang maka-alis ang bantay niya ay mabilis naman na lumapit ang tatlo sa kanya.

"Venus ... are okay ? Oh my ghaaad ... is that abs ?"-nakatungangang tanong ni Tin sa kanya na nakatingin sa abs niya. Sh*t !

"Oo nga ... my GOSh !!! natotomboy ako ... ewww~"-Ker.

"Ano ba girls, if I know biktima si V ng mga taong pinipilit na iliko ang totoong gender nya... okay ka lang V ? grabe yung lamanglupa na yun, Manyak !"-sabi ni Bell na tinulungan na siyang ayusin ang upper part ng dress nya. "Wait, ikukuha kita ng cardigan, namumurder ng muscles mo ang pinky dress ko ehhh."-mabilis itong kumuha ng cardigan sa bag nito. "Ayan, pretty na, lets go and show that lamanglupa what you got ... hihi."

Napangiwi siya ng mag-umpisa silang maglakad, I dunno how girls endures wearing this high heels shoes, It feels like hell. D*mn!

[AN: ito muna ulit ... continuation ulit ng FB sa mga next chapters ... haha]

" My Gayfriend's Secret ! "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon